Chapter 18

389 5 4
                                    

Chapter 18

Everybody's searching for a hero. People need someone to look up to. I never found anyone who fulfilled my need... a lonely place to be, and so I learned to depend on me.

"Sigurado ka bang...okay ka na?" tanong ko kay Shayne habang nag-lalakad kami papunta sa may parking lot. Tumango lang ito at saka kumapit sa braso ko. "Shayne...if you want....let's just stay here for a while." I said.

"Nah. Kaya ko na. Wala akong pakielam sa sasabihin ng iba. Do what they want. Pero hinding-hindi ako susuko. As long as....nandiyan ka para sa'kin, magiging matatag ako at malakas."

"Don't worry Shayne...Hinding-hindi kita iiwan. I promise."

[Naomi's POV]

"Oyy. Naomi Lynn! Saan ka pupunta?" pasigaw na tanong sa'kin ni Leena.

"None of your business, Gg." I said without looking at her. Lumabas na'ko ng SStudio's at nag-simula ng mag-lakad papunta sa Starbucks na kalapit lang din nito. Yeah. Walking distance lang. At balak pa atang sumama ng bruhang yon, since wala yung Partner in crime niya na si Aimee.

Ng makarating na'ko, pinagbuksan ako ng guard ng pinto. Wala eh, maganda kasi ako. Agad na'kong pumunta sa may counter at umorder ng Mocha Frappe. Habang hinihintay ko yung order ko, umupo muna ako. Since may free wifi naman sila, makikigamit ako. Para san pa yun kung hindi naman nila ipapagamit?

I quickly tap the app. Twitter.

Wow. Trending World Wide ang magaling kong kaibigan at ang lalakeng mahal ko. Pati newsfeed ko, sila ang laman. '#Shayne&Travon' Nasaan na kaya sila? Mukhang nag-sama na sila ah? Lande. Hindi pa naman kasal, kung umasta parang mag-asawa na. FAQ-U Bitch. Bwiset!

"Here's your order Ma'am." Yung lalake sabay abot sa'kin nung order ko. Tumayo na'ko at bastos na kinuha sakanya yung order ko. Bastos. Kasi basta ko nalang kinuha. Lumabas na ako. Badtrip! Bakit kasi nag-wifi pa'ko? Edi sana hindi ko nalang nakita yon. Habang nag-lalakad ako, may nakita akong magarang sasakyan na pumark dun sa Parking lot nung SStudio's.

Familiar nga sa'kin yung sasakyan eh.

Hinintay kong bumaba kung sino man yung nilalang na nakasayan doon. Gusto ko lang maka-sigurado. At ng bumukas na yung pinto't nakita yung driver nung sasakyan, I literally froze dito sa kinatatayuan ko. Bumaba ito ng may ngiti sa labi at saka umikot sa kabila para pag-buksan ng pinto kung sino man yung hampaslupa ang nakasakay doon.

FAQ.

Sabi na'y! Ang magaling ko nanamang 'kaibigan'. Sayang-sayang eh! Mukhang nag-enjoy siya sa kung ano mang ginawa nila ng lalakeng yan! Ang sarap ikaskas ng mga mukha nila sa matalas na semento! At ang bruha!? Nakakapit pa sa braso na para bang linta! Ito namang lalakeng 'to, parang kinikiliti sa saya!

Pumasok na sila sa loob. FAQ. Uuwi nalang ako. Hindi ko sila kayang makasama! Hindi ako makakatagal doon. Masasaktan lang ako.

Some people try to understand, but nobody can know what living like this is like.

"SHAYNEEE!!!" sigaw ni Leena at sabay yakap sa'kin. "Gg, bitaw nga!" I said habang pilit siyang itinutulak. "Ayaw! Namiss kaya kita! Grabe ka! Hindi ka na bumalik!" Hindi daw bumalik? So, anong tawag niya dito?

"Gaga! Bitaw nga. Mahiya ka naman." sabi ko dito at mukhang nahiya naman kay Travon. Tumingin-tingin ako sa paligid, "Si Aimee?" tanong ko dito. "Waley eh. May lakad daw siya." sagot nito.

"Ah...eh si...Naomi?" 3 or 5 days ko na ata siyang hindi nakikita o nakakausap man lang. I wonder kung ano ng nangyari sa Bitch na yon?

"Lumabas eh. Hindi ko alam kung saan pumunta." Tumango nalang ako.

"Saan si Manager?"

"Ayun. Nakikipag-usap dun sa mga Walkers. Since wala ka daw, at tinakbuhan mo daw yung atraso mo, siya nalang daw ang makikipag-usap. Hiyang-hiya naman daw kasi siya sa'yo."

"Wow. How many times do I have to tell you na wala akong kasalanan? Yan! Yan ang hirap sa inyo eh, husga kayo ng husga, hindi niyo naman alam kung ano talaga ang tunay na nangyari." Bwiset!

"Oh. Puso mo. Kalma lang."

"Gaga ka!" I said, sabay walkout.

I won't leave a note for anyone to find tomorrow they will know what I've done here tonight.

Shayne gave Leena a push and then walked out.

"Urgh! Grabe talaga yang babaeng yan! Sarap sabunutan." Padabog na sabi nito kasabay ng pagpadyak ng mga paa niya.

"Don't mind her. Pagod lang siya kaya ganun. Don't worry, gagawa ako ng paraan para lang malinis ulit ang pangalan niya. Uhm...sige Leena, mauna na muna ako ah. Paki sabi nalang kay Shayne na umalis na'ko."

"Sige. Salamat ah? Salamat sa pag-stay sa tabi ng kaibigan ko. Naisip ko nga, pa'no nalang kaya kung wala ka? Pa'no na kaya siya ngayon?"

"Wala yon. Sige." tipid kong sagot dito at saka umalis na at iniwan siya doon. Hindi ko kayang mag-tagal dun, lalong lalo na kung kaharap at kausap mo yong tanga na babaeng yon! I still remember kung anong ginawa niya sa'kin. At hinding-hindi ko malilimutan yon. Isa yon sa mga worse nightmare ko.

Sumakay na'ko sa kotse ko at sinimulan ng paandarin yung makina. Sinandal ko yung ulo ko sa manibela. FAQ. I'm so damn tired sa mga pinag-gagagawa ko. Gusto ko ng matapos ang lahat ng 'to! Ayoko na! I can't take this anymore. Gusto ko ng sabihin sakanya ang lahat! Gusto ko ng sabihin sakanya na, ang lalakeng pinaglaruan niya at ginago, ay ang lalakeng kasama niya ngayon!

Na si Travon Gael at Timmy Cruz ay iisa!

I know.

Hindi pa 'to yung tamang oras. Pero nahihirapan na'ko. Gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng umayaw. Gusto ko ng mamatay.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana habang nakasandal pa din yung ulo sa manibela. At sa hindi kalayuan, I saw her. I saw Naomi walking alone at sa itsura niya, para siyang may malaking problema na dinadala. Nabuhayan ako ng dugo ng makita ko siya. Pinaandar ko na yung kotse ko at nag-drive papunta sakanya. Sinabayan ko ito sa pag-lalakad niya gamit ng kotse ko.

Huminto muna ako sa pagmamaneho at saka siya binusinahan na ikinagulat niya at ikinagalit. "HOYY! IKAW NA BASTOS KANG DRIVER KA! LAKI-LAKI NG DAANAN, DITO MO PA NAPILI MAG-DRIVE! AT KUNG MAKA-BUSINA KA DIYAN, WAGAS!? SIRA ULO KA PALA EH!" sigaw nito at pinaghahampas yung oh-so-precious-car-ko. FAQ. Saktan mo na ang lahat, wag lang 'tong Precious car ko.

Bumaba na ako ng kotse at agad siyang pinigilan. "O-oyy! Tama na yan! Saktan mo na ang lahat, wag lang 'tong Precious car ko!" sabi ko dito. Pero hindi pa din siya tumitigil. Para bang, wala siyang narinig. "NAOMI!" I almost shouted. Tumigil ito at saka bumaling ng masamang tingin sa'kin.

5 seconds niya din siguro akong tiningnan ng masama at saka pinagpapalo ako sa dibdib ko. "A-aray!" sigaw ko. "HOW DARE YOU! HOW DARE YOU!" sigaw nito habang pinapalo pa din ako sa dibdib ko. "Naomi..." Pinigilan ko ito at hinawakan ng mahigpit yung kamay niya. "Bitawan mo'ko!" she said, kasabay na din ng pag-tulo ng luha niya.

"Naomi..."

"Bitawan mo'ko!" Binitawan ko ito.

"FAQ-U TRAVON! CURSE YOU!" she said while wiping her tears. Lumapit ako sakanya at niyakap siya. Naramdaman kong tumulo ang luha niya the moment na hinagod ko yung likod niya. Hindi ko alam kung bakit siya nag-kakaganito. Wala akong alam. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa dibdib ko. Naramdaman ko na niyakap niya rin ako katulad ng yakap ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang tunay na nararamdaman ko para sa'yo Naomi. Pero isa lang ang masasabi ko nandito lang ako.

What do you do when you become too scared, too scared to live, too scared to die, too scared to love, too scared to even care? ― Travon Gael

-----------------

ShortUpdate.

|VOTE|COMMENT|

His Sweet RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon