Chapter 26 :
I'm so broken. Not half full, not half empty, not ever cracked. I'm just broken. I can't exist anymore. I can barely function. There's nothing left to me. And I don't care. - Travon Gael
Hindi ko maipaliwanag ang nararamadaman ko. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako mapakali, pinag-papawisan ako ng sobra. Naka-ilang lunok na ako pero hindi pa din mawala ang kaba na nararamdaman ko.
"Are you okay?" napasinghap ako at napatingin sakanya. Hinawakan niya ang kamay ko, "Pinagpapawisan ka. Are you sick?" akmang hihipuin niya ang noo ko pero agad akong umiwas.
"I'm okay. Don't mind me." I fake a smile.
Ang totoo hindi talaga ako okay. Gusto ko ng umalis at iwan sya. Pero kailangan ko syang samahan, dahil yun ang gawain ng isang Boyfriend na katulad ko. Hindi ako pwedeng magreklamo dahil ginusto ko 'to, at paninindigan ko 'to. Ang maging Boyfriend ng isang Shayne Morgan.
"You sure?" I nodded.
"I'm sorry," Humarap ako sakanya at ikinulong ang mukha nya sa mga palad ko. "Sorry? For what? Dahil ba sa nagpasama ka sa'kin?" She nodded. Mas inilapit ko pa ang mukha nya sa mukha ko, "Look, you shouldn't be sorry. This is my job, to accompany my Girlfriend. Okay man ako o hindi, may sakit man ako o wala, sasamahan pa din kita."
I see her lips form a small smile. I offered my hand to her, at walang alinlangan nyang kinuha iyon. We walk with our hands intertwined. She like it when our hands touch. She swings our hands back and forth as we walk and enjoy the pleasant silence between us.
I find myself smiling at the feeling.
"Hintayin mo nalang ako dito ah? Mabilis lang 'to." I nodded. Pumasok na sya sa loob ng Principal's Office.
I walked around the school, I checked out the gym, the swimming pool and I roamed around in the garden for a while. Naaalala ko nanaman ang lahat ng mga nangyari sa'min ni Shayne. I just can't imagine na naging stalker ako. Nakakahiya. Hiyang-hiya ako sa pinagagagawa ko noon and that's why I don't wanna go here anymore.
Bumabalik lahat, lahat ng masasakit na alaala, bumabalik lahat kapag pumupunta ako sa lugar na 'to.
I roamed my eyes around again to look for a vacant seat. Pero may bigla akong naalala. Bumalik ulit ako sa garden para tingnan kung nandun pa din yung itinago kong bato na may nakaukit na pangalan nya.
Gano'n ako kabaliwa sakanya noon.
Gamit ng sanga ng puno na nanlaglag, yun ang ginamit kong panghukay. And then I saw it. Nandoon pa din yung bato hanggang ngayon. Kinuha ko yung bato at nilinis iyon gamit ng kamay ko.
Shayne.
"Baliw na baliw ako sa'yo noon. Pati bato pinagukitan ko ng pangalan mo. Gano'n kita kamahal noon Shayne, pero niloko mo lang ako, pinaglaruan. Hindi mo pinahalagahan ang pagmamahal na ibinigay ko sa'yo. Sinayang mo Shayne,"
Mahigpit na mahigpit kong ikinulong sa palad ko ang bato. Nanginginig ang kamay ko sa galit. Nakaramdam na ako ng sakit, kaya niluwagan ko na ang pagkakahawak sa bato.
"Kung nagawa mo akong saktan, kaya din kitang saktan at doble ang sakit na ipaparamdam ko sa'yo. Wag kang pakampante, Shayne Morgan."
Hinagis ko ang bato sa malawak na school na 'to. Inayos ko ang sarili ko saka bumalik para sunduin sya.
"Sorry I took so long. Masyado kasing nahumaling sa pagkukwento ang Principal. Gusto nya kasi akong kunin bilang Representative ng school na ito, since naging parte daw ako ng Miramonte. She also offered me to be the school Model."
I smiled and sipped my coffee, "Are you gonna take her offer?" I asks as I wipe my mouth.
We're seated at the usual table in Starbucks, in the corner, beside the glass wall.
"I don't know, I probably will." she said and sipped to her Mocha Frappe.
"Take her offer Shayne. You're a good model." I said and smiled.
"What happened to your hand?" She said sounding concerned. Agad kong itinago yung kamay ko, "Fell," I reply, too quickly.
"On your palm?" She raises an eyebrow.
"Don't mind me."
"Matural lang na mag-alala ako sa'yo," And then it hit me! For the first time in history, ngayon lang sya nagalala sa'kin ng ganyan. Unlike noon, na parang wala syang pakialam. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sakanya. Tuwa dahil sa concern sya sa'kin, at inis dahil sa pag-papaalala sa'kin nung noon.
"Ikaw talaga," at ginulo ang buhok nya.
Shayne's POV
"Ikaw talaga," ginulo nya ang buhok ko.
Napatulala ako sa ginawa nya. Isang tao lang ang gumagawa sa'kin nyan, si Timmy. Why Travon reminds me of Timmy? Weird, pero bakit may ginagawa o ipinapakita si Travon na katulad na katulad din ng ginagawa sa'kin noon ni Tim?
"Wag ka ng umiyak, pumapangit ka lang e."
I pouted, "Wag ka nga!"
"Loko lang. Para sa'kin, ikaw ang pinakamagandang nilalang dito sa mundo. Kaya mahal kita e! Hahaha. Sige na, kumain ka na ah? Bibili lang ako ng inumin mo," at saka nya ginulo ang buhok ko.
"Shayne?" he said waving a hand in front of my face which I quickly swatted away as soon as I came back to my senses.
"Okay ka lang?"
I looked at him, "Iuwi mo na ako. Bigla kasing sumakit yung ulo ko.."
"Alright!"
Tumayo na ito at inalalayan ako sa pagtayo. Napangiti nalang ako. Hayy, I'm lucky to have him, caring, loving, sweet. Saan ka pa? Yes, Travon is sweet as candy. Sa unang tingin, mukhang suplado, at masungit 'tong Boyfriend ko. Pero may itinatago din palang kakulitan. Kakulitan...Okay, naaalala ko nanaman ulit sya.
Nakadating na kami ng parking lot kung saan naka park yung kotse nya. Binuksan nya ang pinto ng kotse para sa'kin at inalalayan ulit ako, "Be careful, baka mauntog ka." alalay na alalay sya sa'kin.
I liked everything about him.
The way he smiled, and his hair. I loved when he would run his hand through his hair and fix it. It drove me crazy. No, he drove me crazy.
Sumakay na din sya at pinaandar na ang kotse.
-------------------------------
|VOTE|COMMENT|❤

BINABASA MO ANG
His Sweet Revenge
Teen Fiction“Revenge is my GAME, LET THE FLAMES BEGIN!” ― Travon Gael