Chapter 5
I'll fake all the smiles, if it stops all the questions.
Urgh! Nakakainis yung lalakeng pinartner nila sa'kin! Kulang nalang kainin niya ako ng buhay. Grabe pa makatingin sa'kin? Ang lagkit ng tingin. Eww lang. Tapos, grabe pang makipag-skin-ship sa'kin!
Natapos din yung Photoshoot namin. Worst Photoshoot EVER! Agad na'kong nagpalit ng damit, pinauwi ko na din yung Personal Assistant ko. I don't need her na.
"Talkshit talaga yung bruhang yon!" inis na sabi ni Aimee. I turned my back and said, "Who?" I asked her instead.
"Si Naomi Lynn!"
"Psh. Kailan ba yon tumupad sa usapan?" singit ni Leena.
"Baka naman na traffic lang."
"Traffic? Gawd! Kanina ko pa siya tinext!" Aimee, highblood masyado?
"Easy girl." sabi ni Leena.
"Ahmm, Aimee." pagtawag ko sakanya.
"Why?"
"Arbor muna nung...B-book na binabasa mo kahapon."
"Psh. Sure. Ayaw-ayaw ka pa diyan! Babasahin mo din pala." Inirapan ko lang.
"Tara na Aim's! Anong oras na oh!" ―Leena
"Sige, Shay. Bukas nalang. Babush." ―Aimee
"Okay."
I grab my phone out of my bag. Ooohh. 1 message from Bitch.
From: Bitch.
Hi, Bitch. Puntahan mo naman ako dito sa *** Ospital. Now na! Wala akong kasama dito! Ako lang mag-isa. Natatakot ako. Please. Sana pumunta ka.
Hospital?
But―
Kaya ba hanggang ngayon wala pa siya kasi may nangyaring masama sakanya? Oh My God! My Bitch Friend!
Nag-elevator na ako pababa ng building at pumunta na kung saan nakapark yung car ko at inistart yung engine at nagmaneho ng napakibilis.
Habang nag-mamaneho ako, sinubukan kong tawagan si Naomi. Pero hindi siya sumasagot. Yung text niya, kanina pa.
SInubukan ko ulit siyang tawagan, pero wala talaga.
Binaba ko na yung phone ko at nag-tuloy tuloy na sa pag-dadrive.
Nakarating na'ko sa Ospital at agad na nagtatakbo sa may Information Desk.
"Nurse! Saan yung Room ni Naomi Lynn?"
"Naomi Lynn po....Room 105 po."
Agad akong pumunta doon.
Pagpasok ko...
Natutulog siya.
Lumapit ako sakanya at umupo sa upuan na kalapit lang nito. "Bitch.." sabi ko habang tinatapik yung balikat niya. Hinawakan ko yung kamay niya at tinitigan siya. "O-oyy..B-bitch! Anong nangyari sa'yo? Gumising ka na! Please?" Pinipigilan ko yung mga luha kong gustong tumakas.
Mga ilang minuto pa ay may kumatok sa pinto.
"Miste―" Napatigil yung Doctor ng makita niya ako. Mister? Mukha na ba akong lalake sa lagay na 'to? Sa GANDA kong 'to? Ako? Mapagkakamalan na lalake? Eff.
BINABASA MO ANG
His Sweet Revenge
Novela Juvenil“Revenge is my GAME, LET THE FLAMES BEGIN!” ― Travon Gael
