Part 2

1.8K 38 1
                                    

        Pag-gising ko, nagmadali akong lumabas sa kwarto at bumaba para pumunta sa kusina dahil may naamoy akong mabangong ulam.

      Nakita ko si Kuya Jake na nagluluto ng breakfast namin.

      "Kuya Jake, dito ka natutulog kagabi?" Tanong ko sa kanya.

      Tumango naman siya while nakatalikod sa akin.
 
     Siya kasi ang magluluto ng breakfast pag dito siya matutulog sa amin, sarap din kaya siyang magluto.

       May room na din siya dito sa amin kaya anytime siyang pwede matulog dito sa bahay. Ganun siya ka close ni kuya at sa pamilya namin.

        "Where's dad and mom?" tanong ko ulit.

        Nilingon na niya ako, "Umalis ng maaga si Dave. Si Manang Rosa naman ay pumunta sa palengke, your parents umalis ng maaga din coz they're going to Australia. So pinaubaya ka nila sa akin kaya pinagluluto nalang kita ng breakfast mo." Sabi niya sa akin.

         Ako lang ba palagi ang mahuhuli sa balita? Kainis naman, hindi sila nagpapaalam sa akin. Lungkot ko naman at bumalik sa pagluto si Kuya Dave.

        "Huwag ka ngang malungkot diyan, nandito naman ako." sabi niya na nakatalikod.

          Umupo nalang ako sa island counter ng kusina at ipinatong ang aking dalawang kamay sa counter at nakarest ang ko ulo sa aking mga kamay. "Wala ka bang trabaho ngayon?" Sabi ko sa kanya.

       "Meron, pero later pa ako papasok." Sabi niya at humarap na sa akin na dala-dala ang kanyang niluto. "Here it's done. Your favorite. Let's eat na." kumuha siya ng plato para sa akin at inilapag niya ito.

       Napaupo ako ng matuwid. "Thank you, Kuya Jake." sabi ko at umupo siya sa front ko.

       Tapos kumain na rin kami sa niluluto niyang egg torta at omelet. "Sarap naman. Ang galing mo talagang magluto." Sabi ko habang sumubo ng pagkain.

       Ngumiti siya sa akin, "Really? You like the taste?"

      "Yap at kahit noon pa.  Gusto ko ang mga luto mo mamimis ko ito kapag mag-asawa kana." Sabi ko while sumubo ulit.

     "Bakit naman?" Tanong niya at kumain na rin.

     "Dahil you don't have time na sa amin. May pamilya kana so hindi ka na dito matutulog. Kung hindi na, hindi mo na kami mailuluto mo ng breakfast." lungkot kong sabi.

      "Hindi yan mangyayari. Pero mas masarap kang magluto kaysa sa akin."

      "Hindi, ikaw kaya." Sabi ko naman.

      "Hindi. Ikaw ang mas masarap." ngisi niya.
  
       "Ikaw nga sabi e." nguso ko naman.

      "Sige na nga." Sabi niya at tumingin sa akin.

        "Bakit?"

        "Wala. Kain na, mahuhuli pa tayo sa work." Umiling lang siya at kumain.

        Bakit kayaSabi ko sa isip at sumubo na rin.

        Tumingin siya ulit sa akin, "Hmmm... Don't worry Ysa, kahit mag-aasawa na ako pupunta pa rin ako dito para lang ipagluluto ka sa paborito mong pagkain." Ngiting sabi niya.

       Namilog naman ang mga mata ko. Nakakamiss kaya. Parang kuya ko na kasi siya. "Talaga kuya Jake? Ang sweet mo naman. Sabi mo yan ha. Tatandaan ko yan. At magtatampo ako sayo kong hindi mo tutuparin." Sabi ko at nakanguso pa.

       "Promise, the best sister ka nga sa akin e." tumawa ito.

      "Naman, wala ka namang ibang kapatid kaya nakisawsaw ka sa amin ni Kuya Dave." Biro ko sa kanya.

      "Wow, ang sakit." May pa action pa itong humawak ka kanyang dibdib.

        "Joke lang. Payakap nga." Tumayo ako at pumunta sa kanya para yakapin siya. Yumakap din siya sa akin ng mahigpit. "Ay, parang paalam na ang mga yakap mo ah." Biro kong sabi sa kanya. Kumalas na siya at bumalik na rin ako sa pwesto. "Uuwi si Marisse ano? O di kaya, nagtataksil ka sa kanya dahil hindi ka na makapaghihintay pa at gusto mo ng pakasalan ang bago mong babae? Sabihin mo sa akin kong sino para makapaghiganti naman ako minsan sa ginawa niyo." Warning ko sa kanya.

        "Hindi noh.  Ikaw pa ata ang mauunang makapag-asawa sa amin ng kuya mo. Pero hindi ko sasabihin sayo if meron man baka ano pa ang gagawin mo sa kanya." Tumawa siya ulit at lumapit sa akin para guluhin ang buhok ko.

        "Ay huwag kang mag-alala kunting test lang naman ang gagawin ko sa magiging girlfriend mo. Kahit si Marisse pa yan." Tumawa siya. "At kung matagalan ka pang babalikan ni Marisse o di kaya magka girlfriend ng bago edi uunahan ko na talaga kayo." Saway ko naman.

       "Bat ka nagmamadali, dami pang nakapila sayo. Daming pang lalaki diyan." Sabi niya.

       "Dami nga, sana kung hindi niyo tinakot." Nguso ko pero tumawa lang siya ulit.

       "Wala naman kaming ginawa sa mga manliligaw mo ha. Sadyang hindi lang sila sincere sa panliligaw nila sayo. Kunting tanong lang, lalaki sa lalaki, natatakot na sila agad. Kaya hindi kami guilty." Naghands up pa ito.

     "Hindi nga... Kainis nga kayo e." tumawa ulit si Jake sa akin.

       Tiningnan ko siya. Ang cute pala ni kuya Jake pag tumatawa pero nakakainis lang sila ni kuya.

       Later ay umalis na din kami para pumasok. Inihatid lang niya ako sa restaurant at umalis na siya agad.

       Nandito na ako sa office at masaya ang umaga dahil may boyfriend na rin ako at last.

       "Mam Ysa, may flowers po kayo sa table nyo." sabi ng secretary sa akin.

       Pumasok ako sa loob at nakita ko ang isang bouquet na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko at tiningnan ang nakasabit na card. Binasa ko ang nakasulat.
    
       "See you tonight, hon." Kinikilig na naman ako. 

      Inamoy ko ang mga bulaklak. Ang sweet naman ng aking Mark.

      Kahit daming work, mga deliveries at catering basta at the end of the day ang mahal mo'y makasama walang pagod kang mararamdam dahil sa walang wagas na kasiyahan.

      Kaya nagmadali akong umalis pagkatapos ng work para puntahan si Mark.

       Nakita ko siyang nakaupo sa isang table naghihintay sa akin.

       Nakakainspire naman talaga, kahit pagod ka buong araw mapapawi ito kung may isang taong naghihintay sayo at handang pasasayahin ka kahit sa ngiti man lang niya.

      Ngumiti siya ng nakita niya ako papasok sa restaurant.

    Oo masaya ako pagkasama siya.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon