Part 23

849 19 0
                                    


           Umuwi na kami ni kuya pagkatapos kumain sa isang restaurant. Paglabas namin nakita kong nakatayo si Mark malapit sa aming sasakyan at may kahalikan na babae.

            Nanlaki tuloy ang aking mata. Napansin din ito ni kuya.
 
            "Si Mark yun ah?!" Sabi niya.

             "Shhhh.. Wag kang maingay baka makita niya tayo." Mahina kong sabi pero napansin na kami ni Mark.

          Nang nakita niya kami, tinaboy niya bigla ang babae at nanlaki ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang kanyang labing na red sa lipstick at lumapit siya sa amin.

          Nakatayo lang kami ni kuya dahil nakaharang na siya sa aming sasakyan.

          "Mark! Ano ba!" Sigaw ng babae niya. Sinundan siya nito at hinawakan ang braso.

          “Ysa, honey can I have a minute with you?” nakita kong parang haggard ang mukha niya yung ilang gabing walang tulog.

          "Mark!" Sigaw naman sa babae.

           "Umalis ka na Sabrina. Ayoko na sayo." Sabi niya. Napatingin naman ako sa babae dahil na shock ito sa sinabi ni Mark. Hindi ito ang babaeng kasama niya noon. Dami pala namin hindi ko lang alam.

          "Walang hiya ka. Walang hiya ka. Sino ba ang babae na yan?" Galit na sabi niya kay Mark tapos tumingin siya sa akin. "Sino ka ba?"

         "Siya si... tunay kong mahal." Sigaw niya sa babae.

          Kaya sinuntok siya nito "F**k you!" Sigaw ng babae at iniwan siya.

          Hindi ako makagalaw sa nakita. Gusto kong tumawa. Buti nga sayo. Sabi sa isip ko.

           "We need to talk hon." Sabi niya habang hinimas ang kanyang panga.

           Tiningnan ko si kuya, naintindihan niya ako. “I’ll just wait you at the car.” sabi niya. Tumango lang ako.

           “Can we go somewhere…” sabi ni Mark pero pinutol ko iyon.

           “No, you can talk to me now right here.” Sabi ko.

            Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang dalawa kong kamay hindi naman ako pumalag. “Honey, I’m sorry. Please don’t break up with me. I can’t live without you.” iyak niyang sabi.

           “Can't live without me? Huh!” napa roll ang mata ko.

           “Ano ba kasi ang problema mo na humatong sa sitwasyon na ito?” tanong niya.

           “I should be the one asking you that dahil wala akong problema. Ikaw ang may problema. Kahit tayo pa lang ay may babae ka ng iba! Hindi pa ba sapat ang aking nakita kanina?” galit kong sabi.

             “That’s not true. Hindi ko siya babae, bigla nalang niya ako hinalikan. Hindi ko siya kilala. Wala akong ibang babae, kundi ikaw lang! Mahal kita Ysa. Mahal na mahal kita ng sobra.” iyak niyang sabi.

               “I know, pero your love isn’t enough. Dahil hindi mo sana ako kayang saktan na hahantong sa aksidente kung talagang mahal na mahal mo ako.” Sigaw ko.

              “What!” tanong naman niya at binitawan na niya ang kamay ko.

              “Oo, naaksidente ako ng dahil sayo. Nakita kitang lumabas galing sa isang bar, umakbay sa seksing babae, hinalikan sa labi, sumakay sa sasakyan mo, pumunta sa isang sikat na hotel, naghahalikan ulit! Yan ba ang tinatawag na mahal mo? Yan ba?” sigaw ko pa rin.

               Hindi siya nakapagsalita.

              I sigh, “I’m sorry Mark. Dahil doon naaksidente ako, at dahil doon nawala na ang pagmamahal ko sayo. I’m sorry dahil hindi ko kayang ibalik ang pagmamahal ko sayo. Kung nasaktan ka ngayon, alam ko matutunan mo din akong kalimutan bukas. Dahil sa ngayon wala na akong nararamdaman para sayo pagmamahal man o nasasaktan man. Kahit ilang babae pa ang makasama mo wala na akong pakialam sayo.” Tumalikod na ako sa kanya ng may narinig akong suntok.

         Nagulat ako dahil na natumba si Mark sa semento ng parking area.

          Tumingin ako sa lalaki, Jake?! Kinuwelyuhan niya si Mark at susuntukin ulit pero hinawakan ko ang kanyang braso. “Jake, stop! Stop it!” sigaw ko. Kumalma naman siya at binitawan ito. Si Mark naman, pinahid niya ang dumugong labi.

            “Suntok yan for breaking her heart at sa pagkaaksidente niya! Wala kang puso!” sigaw ni Jake.

           “Jake!” tawag ni kuya na galing sa sasakyan. Lumapit siya sa amin. Hawak ko pa rin si Jake sa braso. “Anong nangyari dito?” tanong niya.

            Tumayo na si Mark at humarap kay Jake. “Anong pinagkaiba non sa pagpretend to be her boyfriend while na amnesia siya, huh? Di ba, sinaktan mo rin siya? Di ba, pinaasa mo rin siya? Nasaan din ang puso don?” susuntokin na sana ni Jake pero pinigilan ito ni Kuya Dave.

            “Jake, stop. He’s not worth it.” sabi ni kuya.

            Hindi naman ako makapaniwala sa narinig.

           “Umalis ka na Mark baka ano pa ang gagawin ko sayo!” sigaw naman ni kuya Dave.

           Tiningnan ako ni Mark, “Ysa.” Mahina niyang sabi. “I’m sorry, pero hindi ko yon girl…” Umiwas ako sa tining niya. Hindi rin nagsalita silang kuya.

             “Umalis ka na, Mark. Wala na tayo.” Sabi ko pero hindi ako tumingin sa kanya. Wala siyang magawa kaya sumakay na siya sa kanyang sasakyan at umalis.

            “Pretend boyfriend?” mahina kong sabi dahil nalilito ako. Tumingin ako sa dalawa, tiningnan pala nila ako while nakatayo pa rin kami sa parking area. “Anong pretend boyfriend? Anong amnesia? Kuya?” lito kong tanong.

           “Nagkaroon ka ng temporary amnesia after the accident at ng bumalik na ang memorya mo, nakalimutan mo naman ang pangyayari yung time na may amnesia ka pa.” explain ni kuya.

          “Ano?” tanong ko naman.

         “Siguro it’s time for you to know.” Sabi niya sa akin.

         “Jake umuwi ka muna sa inyo, uuwi na rin kami ni Ysa.” Sabi ni kuya kay Jake. Wala naman siyang magagawa kaya sumunod siya sa sinabi ni kuya.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon