Part 8

1K 20 1
                                    

        Kinabukasan umaga ko siyang pinuntahan sa kanilang bahay.

       "Jake, gising." Katok ko sa kanyang pintuan. Binuksan naman ito at bumalik sa paghiga.

       "Ano ba? Ba't ka ba nandito?" sabi niya sa akin na humigang naka dapa.

       "Nandito ako kasi gusto kong alagaan ka. Tapos wala yung parents mo now so I made breakast for you like what you did din when you were in our house. Kaya gising na. Ma late ka sa work mo." sabi ko at kinuha ko ang kanyang kanang kamay para hilain siya. I tried to pull him harder pero bigla siyang bumaliktad sa paghiga at dahil sa bigat niya bigla akong na out of balance, tuloy nadapa sa kanyang katawan.

      Nagulat siya.

      Dahil hawak ko ang matigas na chest niya, Oh my. Ang tigas ng chest niya, ang bango pa kahit bagong gising. Sabi ko sa sarili at biglang lumakas ulit ang tibok ng aking puso.

       Tinabig niya ako at tumayo siya.

      Napahiga naman ako sa kama dahil sa pagtabig pero hindi siya tumingin sa akin tapos lumabas sa room.

        Anong problema non? Sabi ko sa isip.

      "Wait." Ngmadali akong tumayo para sundan siya hanggang kusina. Hindi na ito nagsalita pa at umupo ito sa table para kumain kaya dali-dali ko namang inilapag ang kanyang plato at nilagyan ng paborito niyang omelet. Paborito rin namin yan ni kuya, omelet.

      Kahit hindi ito kumibo ay kinikilig pa rin ako lalo sa ginagawa ko pag-aalaga sa kanya, para kasi akong totoong asawa. Yehee.. 

      Kinuha ko ang kutsara niya para susubuan ko siya pero pinigilan niya ako.

      "Please stop it, Ysa. Umupo ka na rin dyan at kumain." Sabi niya at kinuha niya ulit ang kutsara na nasa kamay ko kaya umupo na rin ako.

      "Pero babe, gusto kong alagaan ka. Gusto kong subuan ka. Gusto ko ang ginagawa ko." Sabi sa kanya.

      "No. Please just sit down and eat okay? Sabay tayong kumain." sabi niya. Napansin ko na masungit siya ngayon pero ngayon lang yan masungit, bukas hindi na. Kilala ko kaya siya. Sabi niya sa isip.

      "Babe, bakit hindi ka sumipot sa dinner natin?" mahina kong sabi sa kanya, baka magalit ang babe ko.

     Napahinto siya sa pagsubo and he sighs "I'm sorry. May emergency meeting bigla sa office kaya nakalimutan ko ang dinner natin." Sabi niya na hindi tumingin sa akin.

     "Hmmm, okay lang. Dami pang next time di ba? Sige kain ka na. Ah babe, mamaya pupunta ako sa doctor para sa test na sabi niya. Maybe we can go together...." Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil nagsalita siya.

      "That's good... good... para to know what's good for your health. But I'm sorry I can't go with you kasi hindi pa tapos ang problem namin sa office. Finish your breakfast na so you can go. Baka ma late ka pa sa appoitnment niyo ng doctor." Sabi niya sa akin. Napanguso naman ako.

       Ano ba ang problema niya? Bakit ang sungit. Hay hindi na rin ako kumibo, ang labo naman. Hindi na ba niya ako mahal?

      Umalis na ako after breakfast namin para sunduin si mommy dahil pupunta pa kami sa hospital ngayon.

     Ilang sandali ay nandito na kami sa hospital para another test. Nag CT scan ulit ako at pagkatapos pumunta kami sa office ng aking attending physician para sa result.

      "Mrs. Samonte, wala namang problema sa results ng anak mo. Buti nalang no major damages sa kanya dahil witnesses says that she's driving more than the speed limit. Kadalasan kasi in that situation may problema ang isang tao at pagising well in a flash wala na silang maalala pa." Sabi ng doctor.

      "But doc I don't have a problem with my memories." Sabi ko naman.

      "Ysa, can you listen to the doctor for a moment?" bulong na sabi ni mommy pero alam ko nainis ito sa sinabi ko. Tapos bumaling na siya sa doctor. "I'm sorry doc, please go on."

          "Okay, base sa sinabi mo last time ganito kasi yun, all information kasi we consciously encounter everyday dowloaded into our subconscious mind. And our subconscious mind accurately nire-recorded ang lahat what we learned, we heard and we see. Everything talaga from beautiful memories and even depressing one." Nagcontinue pa ito.

        "Then our conscious mind protects our subconscious mind or our ego from emotional pain like trauma and stress meaning kung ang ego natin ay nasasaktan gumamit tayo ng defense mechanism para protektahan ito. Dahil ayaw nating masaktan. Kaya sa nakikita ko in your daughter's situation siguro nagkaroon siya ng painful experience and as a defense nakalimutan niya ang pangyayayari. But its just a temporary."

       Natulala kami sa kanya.

     "Mrs. Samonte hindi lang ngayon kami naka- encounter ng ganitong situatuon so there's no need to worry about. I will give her vitamins for zcxgsjskan..." hindi ko na naintindihan ang sinabi ng doctor dahil hindi ako makapaniwala.

     Tumayo ako at nagpaalam sa kanila. "Mom, Doc sa labas muna ako. Magpahangin lang muna ako." Tumango naman silang dalawa.

      Nandito ako sa hallway ng hospital umupo. Daming tao pero hindi ko pinansin. Nasa isip ko lang ang sinabi ng doctor. Dahil hindi ko siya naintindihan.

       "Kung sinabi niyang as a defense mechanism nga ay ginawa kong kalimutan ang pangyayari bakit hindi tumitibok ang puso ko kay Mark? Bakit si Jake ang hinahanap nito? Dapat din bang malimutan ng puso ang pagmamahal? Bakit ako naaksidente? May nakita ba ako, o nasasaktan?" Sabi ko sa sarili. Nagulo tuloy ang isip ko.

      "Ysa?" tumingin ako sa nagsalita na nakatayo sa harapan ko.

      "Mom? Hindi ko maintindihan." Umiyak ako sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at niyakap niya ako tapos hinaplos ang aking buhok.

      "Ssshhhh... Ysa baby, don't worry babalik din ang memory mo." sabi niya.

      "Mommy kasi e. Kong totoo ang sinabi ng doctor it means walang kami ni Jake?" Iyak kong tanong sa kanya.

      "Anak..."

      "Mom, hindi ko kasi maintindihan. Bakit si Jake ang mahal ko? Bakit hindi ang lalaking boyfriend ko sana?"

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon