Part 27

952 28 1
                                    

     “Cheers!” sabay namin ni JJ at uminon kami ng beer.

             “JJ, masaya ako dahil nandito ka.” Sabi ko sa kanya.

             “Ako din, Ysa. Sayaw tayo.” Tumayo na kami at pumunta sa dance floor para sumayaw.

             Ilang sandali tumawag si kuya sa akin. “Hello kuya!”

            “Ysa, nasaan ka ang ingay naman. Kanina pa kaming naghihintay sayo. Di ba we will have a dinner with Jake’s family. Nakalimutan mo na ba? Nakakahiya kina Jake.”

          “Nandito ako sa bar with my friend. Oo nakalimutan ko, I’m sorry. Huwag niyo akong hintayin kuya, tapos na din kaming kumain. Cg bye! Ah kuya sa penthouse kami matutulog mamaya ni J, okay?”

          “Who’s J?”

            “He’s my interior designer from Davao. Sige na bye!” nagendcall ako at pumunta ako sa table namin. Tiningnan ko si J na sumasayaw sa dancefloor.

          Ang saya kaya ni J. Nakakatawa naman siya.

           Umuwi na rin kami ng maaga pagkatapos ng ilang shots. Gusto ko sanang maglasing pero bukas ang engagent party nina Jake at dami pa kaming lulutuin.

        Nandito na kami sa penthouse ni kuya.

        “Wow ang ganda naman!” sabi ni J sa pagkamangha.

          “It’s my kuya’s house.”, sabi ko naman. “J, that will be your room. Pwede ka ng maligo.” sabay turo ko sa room.

          “Thank you, Ysa.” Pumunta na siya sa room para maligo at magbihis.

             Binuksan ko ang TV para manood ng may nag doorbell.

           “Sino kaya yun, e midnight night na.” sabi ko sa sarili at pagbukas ko nanlaki ang aking mga mata ng si Jake pala yun.

         Dumeritso siyang pumasok sa loob.

            “Jake what are you doing here?” tanong ko sa kanya.

            Magsalita na sana siya ng may lumabas sa guest room at half naked na towel lang ang mayroon siya sa ibaba. Nanlaki tuloy ang aking mata sa nakita. My ghad. Ang ganda ng katawan sa bading na to. Oo si J. Bading siya. Hindi mo agad malaman kong bading siya sa itsura lang basihan. Pero kong magkasama na kayo doon na lalabas ang tunay na pagkatao.

          Nagulat din si JJ sa amin.

         “O, I’m sorry Ysa. Ang bag ko nasa sofa.” sabi niya pero ang boses naman ay very masculine.

         Lumapit siya sa amin para kunin ang bag ng maamoy namin ang sabon na ginamit niya. Ang bango. Natatawa tuloy ako. Ang bango ng bading na nito. Tiningnan ako ni Jake na matalimtim at pabalik kay J.

          Babalik na sana sa kwarto si J ng nagtanong si Jake sa kanya. “Who are you?” siya niya na abot ang kilay nito. Natatakot tuloy si J sa boses ni Jake. Para kasi siyang kakainin ni Jake.

        But wait galit na naman siya? Bakit siya maggalit e bukas engagement na nila. Saktan pa ba niya ang puso ko?

       “Jake, he’s my interior designer from Davao.” Sabi ko na hindi humarap sa kanya.

         Tumango naman J.

         “What? Siya ba yung lalaking hinihintay mo ng tumawag kami ni Dave sa yo?” galit na sabi niya. Nalilito tuloy si J.

        Bakit ba kasi siya nagagalit “Oo, bakit may problema ba? Kung magreact ka as if kuya kita at hanggang ngayon protektahan mo ako? For christ sake Jake, tomorrow is your engagement party. Wala ka nang pakialam sa buhay ko.” Galit ko ding sabi sa kanya.

           “Ysa." Lumapit sa akin si J at inakbayan ako.

           "Siya ba ang boyfriend mo? Ysa, you’ve just met him. You don’t even know that guy is.” Tinuro niya si J.

            “Why do you care! You’re out of the line na for telling me kung sino ang magiging boyfriend ko.” Namula na talaga ang aking pisngi. At ramdam ko ang pisil ni J sa aking braso.

            “My ghad Ysa! I do care a lot! I care about you, can’t you feel it!” malakas nanpagsabi niya sa akin.

           “Can’t you just be happy with me Jake even for once? Nasasaktan na ako!” pilit kong hindi maiyak saharap niya.

           “You don’t understand, Ysa!” inis na sabi niya.

           “Ano ba ang hindi ko maintindihan na ang lahat ng pangyayari ay naintindihan ko. Pilit pa ngang intindihin kahit anong sakit ang naramramdaman nitong puso ko Jake.” Hindi ko na napigilan, umiiyak na ako. Hinaplos naman ni J ang aking braso.

          “Hindi mo talaga ako naintindihan dahil sarili mo lang ang iniisip mo, na ikaw lang ang nasaktan sa lahat ng ito. My ghad Ysa, nasasaktan din ako. Nasasaktan ako. Nasasaktan ang puso ko. Dahil mahal na mahal kita, alam mo ba yun?” galit na sabi niya. Nanlaki tuloy ang mata ko sa narinig. Mahal niya din ako? Pero paano na si Marisse?

         “Mahal mo ako? Alam mo ba ang pinagsasabi mo? Alam mo ba, Jake!” napasigaw tuloy ang boses ko.

       “Oo noon pa.” mahina niyang sabi.

        “No, you just loved me because I’m Dave’s sister. You only love me as a friend, as a younger sister Jake!” ang lakas ng kabog ng puso ko.

        “No. I love you, mahal kita Ysa.” Lumapit siya sa akin pero umatras din ako papalayo sa kanya.

        “Huwag mong sabihin yan sa akin not now or ever. Ang sama mo Jake, ang sama mo. You have no right to say your fucking feelings with me kung ang bukas lang din ay hindi para sa akin. Hindi ako tanga Jake. Umalis ka na.” Ang dami na ng luha kong pumapatak.

        “Ysa!”

        “Just go!” sigaw ko naman.

         “Fine, intindihin kita ngayon sana bukas ako naman ang intindihin mo.” Mahina niyang sabi at tumalikod na siya para lumabas.

         Napaiyak na ako, niyakap ako ni J. “J, gusto ko siyang pigilan pero masasaktan lang ako.”

        “I’m sorry Ysa. I didn’t know may pinagdaanan ka pala. Pero alam mo, nakikita ko sa kanyang mga mata how he loves you and cares for you. Pero hindi ko lang maintindihan… naku… nalilito na rin ako.”  nalito naman siya.

        “Mahal ko siya, kahit noon pa.” umiiyak na naman ako.

         “Paano na yan bukas, ikaw ang magcater ng engagement party nila tapos makikita mo silang ngumingiti. Nakakastressed. Hay… Alam mo nakakainis din kayong dalawa girl, noon pa pala kayo nainlove sa isa’t-isa pero ngayon lang inilahad ang damdamin niyo. Sus. Makabuang gyud. Sana noon lang din kita nakilala para ma push mo yan te.” Umiiyak na kaming dalawa.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon