Part 20

919 22 0
                                    

Jake’s POV

     Pagdating ko sa office galing sa paghatid ni Ysa sa restaurant nila namatnan ko na si Marisse nakaupo sa couch. Tumayo siya at humalik sa pisngi ko.

      “Hi babe! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako nagintay sayo dito.” Sabi niya sa akin.

        Babe? Yap, babe ang tawag niya sa akin kahit noong college pa kami. Ewan ko kay Ysa bakit babe din ang tawag niya sa akin. Nakakailang nga kasi parehong babe nila ako.

       “I’m sorry, hinatid ko pa si Ysa sa office niya.” Sabi ko sa kanya.

        “Kailangan pa ba yun?” inis niyang sabi sa akin. Pero hindi ako sumagot, mag-aaway lang kami. Umupo na ako sa swivel chair ko.

        “Fine, I don’t want to talk about her naman. Just reminding you about our dinner tomorrow night with dad after my duty, okay?” she said at lumapit sa akin.

         “Bukas na ba yun?” nakalimutan ko. Nang bumalik na dito sa Marisse ngayon ko lang ulit makikita ang daddy nya. Ayoko ko sana, parang nakapanibago dahil siguro nakasanayan ko lang ang parents ni Ysa.

        Bakit naman nasali si Ysa dito? Remember Jake, her love for you is temporary only. Yap, and I guess she remembers everything na. Kaya back to normal.

        Pero parang nasaktan ako ngayon. Nang nalaman naming bumalik na ang alaala niya ay siya ring pagkalimut ng kanyang damdamim para sa akin. Para akong nasaktan.

       Oo, aaminin ko gusto ko siya dahil masaya ako pagkasama siya.

       Nababaliw na ata ako.

        O ghad. May Marisse na ako.

       “Babe, ano ba ang iniisip mo?” Tanong niya sa akin.

        “Nothing babe.” sabi ko lang.

        “Okay. Bye, I have to go.” Sabi niya at hinalikan niya ako sa lips. Pero parang mas masarap ang labi ni Ysa.

        Hindi ko namalayan napakagat ko ang labi ni Marisse ng medyo may kalakasan. “Ouch, Jake masakit yan!” pinahid niya ang kanyang labi. Pero wala namang dugo.

          “I’m sorry. Hindi ko sinasadya.” Sabi ko at hinaplos ang kanyang nasasaktang mga labi.

        “Ano ba kasi ang iniisip mo?” Galit na sabi niya. “Dyan ka na nga.” Tapos umalis na siya sa office ko.

        Ano ba naman kasi ang iniisip ko, napakamot nalang ako sa aking ulo at umupo couch.

        Nang dumating si Marisse akala ko masaya na ako dahil bumalik na siya pero hindi. I tried to be happy with her pero parang kulang. Sumagip kasi sa isip ko palagi ang may temporary amnesia na si Ysa. Palaging may pasabog, hindi ko napaghandaan.

        Para akong teenager pagkasama siya. Ang sweet pala niya.  Minsan nararamdaman ko na lang ang bilis ng tibok ng puso ko. Mas lalo na ang kiss niya. Grabee.

      Hinahanap ko tuloy kapag si Marisse ang kaharap ko. Ano ba ang nangyari na sa akin.

   Tumayo ako at lumabas sa office, “Venice” tawag ko sa aking secretary.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon