Part 28

1K 24 0
                                    

      “Viena, okay na ba ang lahat?” taranta kong sabi sa kasamahan ko.
  
    “Yes, po mam. Don’t worry all are set na. Mam, just relax” sabi niya sa akin. Tumango lang ako.

         Ni-rub ko ang aking mga kamay dahil sa lamig nito. Gusto kong tumakbo at umuwi sa oras na ito, ayoko kasing makita sila. Nasasaktan ako.

       “Ysa!” tawag ni kuya sa akin. Nilingon ko siya at binigyan ng masarap na ngiti para hindi mapansin ang sakit ng puso ko. “Bunso, what are you wearing?” sabi niya ng lumapit sa akin.

      “Kuya bakit? Ganito naman ang attire ko pagmagcater kami.” tiningnan ko ang aking attire na black pants and gray long sleeves.

       Nakita ko ring pumasok si mommy at pumunta sa amin ni kuya. Wow, kompleto ang aming pamilya sa engagement nila. Hindi ba nila ako dadamayan sa patay kong puso? “Ijah, anak. My ghad, what are you wearing? Bat kasi ang aga mong umalis kanina, ito dinalhan kita ng dress mo”.

“Mom, ano ang ginagawa mo? I’m not here to attend the party, I’m here dahil nagtatrabaho ako. Bat mo naman ako pasusuotin niyan?” tiningnan ko. “A lace-gown?” lumalaki ang mata ko sa nakita. “Mom, what’s this?”

       “Ay anak, di mo alam? Damit yan! Gown!” sabi naman niya at napansin kong tumatawa si kuya sa akin.

        Inis na talaga ako sa kanila. “Mom, what were you thinking?” hindi ko sila maintindihan.  “Paalis na nga. Punta na kayo doon sa table niyo.” Galit kong sabi. Umalis na din sila at nang may nakitang kilala ayon nakipagchikahan muna si mommy lalo na din si kuya.

      “Sinong niloko nila, ako magsusuot ng gown sa engagement party ng mahal ko?” Iiyak na talaga ako, ang sakit kaya ng ginawa nila sa akin.

        Kompleto na ang guests pero wala pa rin si Jake at Marisse.  Pero ilang sandali na rin ay nagstop ang music at my emcee na nagsalita.

      Nakita kong naglalakad galing sa main entrance si Jake. Ang lakas ng pintig ng puso ko ng makita siyang naka tuxedo, ang gwapo niya talaga. Pero hanggang tingin na lang ako, hindi ba?

    “Sabi niya mahal na mahal niya ako, pero ano tong ginawa niya ngayon?” bulong ko sa sarili.

      Pero bakit wala pa si Marisse? Tumingin ako sa paligid, wala akong napansin.

     “Ladies and gentlemen, please help me Welcome Mr. Jake Salvador.” Tumayo ang mga tao at pumalakpak. Tapos umupo na din sila ng nasa stage na si Jake for his speech.  Sumabay rin ako sa pag-upo baka makita pa ako ni Jake sa malayo.

         “Salamat. Maraming salamat sa lahat ng dumalo sa occasion na ito. Alam ko lahat sa inyo nagtataka kong bakit na cancel ang engagement party ko. Sasabihin ko na ang totoo sa inyong lahat. Oo, ako ang nagpacancel ng engagement party sa babaeng hinihintay at minahal ko noon.”

      Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. Cancel? Sabi ko sa sarili at napansin kong nagbulong-bulungan ang mga tao.

      Nagpatuloy pa rin si Jake sa pagsasalita. “At alam ko ngayon sa isip niyo ako ang may kasalanan na hindi natuloy iyon. Nakapag-isip din lang kaming dalawa na sa puso pala namin ay tumitibok sa iba.” Napatingin ako sa mga dumalo na parang nalilito pa din.

        “Meron kasing bagay o isang pagkakataong hindi mo namalayan nainlove ka na sa iba. At sa pagkakaalam ko yung iba na yun ay siyang first love ko pala. Dahil sa takot ko na masaktan ko lang siya ang ginawa ko na lang ay protektahan siya. Oo pinoprotektahan ko siya sa lahat ng mga manliligaw sa kanya, kaya’t yung may nagkagusto sa kanya ay walang lakas na loob para manligaw dahil kasabwat ko naman ang kuya niya.” Tumatawa na ang mga tao. Eto ako, tulala sa narinig at ang lakas ng kabog ng aking puso. Nanginginig ang tuhod ko at pinapawisan.

        “Pero may isang pangyayari na hindi ko nagampanan ang pagprotekta sa kanya dahil sa isang biro na siyang dahilan sa aksidente. And I regret it. Dahil kung may masamang mangyari sa kanya hindi ko na alam ang gagawin ko na sana hinatid ko pauwi sa kanila. Ayon nagkaroon siya ng aksidente at dahil don hindi ko na nga alam ang aking gagawin. Talaga, dahil ng paggising niya boyfriend na niya ako sa isip at puso niya.” Ako ba ang sinasabi niya? Nakita kong umiiyak si Jake? Umiiyak si jake? Hindi ko rin namalayan tumulo na pala ang luha ko.

       “Should I feel regretted sa nangyari o hindi?  Alam ko hindi tama ang hindi pero ang pagkakataon na yun binigyan niya akong pag-asa para mahahalin ko siya ng buong buo. At sa panahon na yun ang saya ko tuwing magkasama kami hindi dahil ako ang instant boyfriend niya kundi naranasan ko kong paano siya magmahal sa akin na noon ko pa lang pinapangarap sa kanya. Ang sarap niyang magmahal.

     Nang bumalik na ang kanyang alaala, nararamdaman ko ang kirot ng aking puso dahil sa isang iglap nag-iba na siya. Nakalimutan na niyang minahal niya ako, nakalimutan na niyang dinalhan niya akong pagkain tuwing lunch break na hindi niya alam abot langit ang saya nitong puso ko. Nakalimutan na niyang nagblush siya tuwing hinalikan niya ako sa cheeks.

     At ang lalat na iyon, nakaukit dito sa puso ko.

      Ysa, alam ko nandito ka.” Sabi niya bigla at lahat ng mga tao ay nagtataka.

       Ako ay tulala pa rin ng biglang may spotlight nakatutok sa akin. Napatayo ako bigla, ayon nakikita nila ako lahat.

      Nang nakita ako ni Jake, tumakbo siya at lumapit sa akin.

     “Ysa, I’m sorry dahil hindi kita pinaglaban noon. Pero this time, ayoko ng mawala ka pa sa akin. Ysa, Mahal na mahal kita. I love you…” mahina niyang sabi sa akin at inilagay niya ang kanyang kamay sa pisngi ko.

    Tumitig ako sa kanya, ang bilis talaga nitong puso ko. Nagblurred na nga ang paningin ko dahil sa mga luhang nagsiunahan pababa sa aking pisngi.

    Jake wipes my tears at tulala pa rin ako.

     “Ysa, hahalikan kita sa lips ngayon kung hindi ka magsalita.” Lumapit ang kanyang mukha sa mukha ko at doon na ako natauhan.

    Ngumiti ako sa kanya, “Nanaginip ba ako, Jake?” tumulo ulit ang mga luha ko.

     “Hindi Ysa, hahalikan kita para magising ka.” Biro naman ni Jake. Umiling ako.

     "Pero ayokong magising." nagsmile si Jake.

      Hinila niya ako papunta sa front. Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid dahil ang nakikita ko lang ay ang masayang ngiti ni Jake at ang tibok ng puso ko.

     Tumayo kami sa kararamihan ng bigla siyang may kinuha sa kanyang bulsa na maliit na box. Ring ba yun? Binuksan ito ni Jake, ring nga at lumuhod siya sa harapan ko. O my ghad. Magprpose siya sa akin?

     “Ysa, mahal na mahal kita at gusto kong makasama ka habang buhay. Will you marry me?” masayang sabi ni Jake.

      Tumulo ulit ang aking mga luha. “Para ba sa akin ang pagcater ko dito Jake?” tanong ko sa kanya.

     Tumango si Jake at ngumiti sa akin. “Ang party na ito ay para talaga sa iyo Ysa.”

     “Oh, Jake. Mahal na mahal din kita. Noong una pa lang kita nakita sa bahay kasama si kuya para na talaga sayo ang puso ko. Gusto ko din makasama ka habang buhay.” Tumango ako. “Yes, I will Marry you, Jake Salvador.”

      Tumayo si Jake at bigla niya akong niyakap. Nagpalakpakan naman ang lahat sa pangyayari. Kinuha ni Jake ang kamay ko at inilagay ang singsing sa daliri ko tapos hinalikan niya ako sa lips. Nagblush na naman ang mukha ko.

     “Yeeeeheee!” sigawan ng lahat sa loob.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon