Part 7

1.1K 25 0
                                    


       Ayoko kasing magstay lang sa bahay kaya kinabukasan pumasok na ako sa restaurant at lahat ng empleyado binati nila ako.

      “Goodmorning po Ms. Ysa and Welcome back!” sabi nila sa akin.

       “Thank you.” Ngiting sabi ko sa kanila tapos pumasok na ako sa office.

      Ilang sandali ay kumatok ang secretary ko ng may dalang mga roses. Ang lapad ng smile ko. “From Jake ba yan?” sabi ko.

       Umiling siya at nalito kaya inabot niya sa akin ang flowers. “From Mark po mam Ysa.” Sabi niya.

     Biglang gumuho ang aking mundo dahil sa expectation ko.

       Mark na naman? Sino ba itong Mark talaga sa buhay ko? “Hmmm, you can keep it Marlyn! I can’t take it baka magagalit ang boyfriend ko.” ibinalik ko sa kanya.

      “Ano po? Di po ba, siya ang boyfriend mo?” tanong niya sa akin.

        Lumaki tuloy ang mata ko sa narinig at tumingin sa kanya?
  
       Yumuko ito, "Sorry po." sabi niya.

        Ako naman nasa ilalim ng pag-iisip. Ano ba ang pinagsasabi ng babaeng to. Pati siya sabihin niyang boyfriend ko ang lalaki na yon? In fairness naman gwapo siya slash gwapo pa rin. Pero mas lamang pa si Jake ko.  “Really? Boyfriend ko siya?

      "Po?"

      "Nuh ah!" Umiling naman ako.

       "Po? Ahhh. Break na po ba kayo dahil may iba ka na?" Tiningnan ko siya.

         "Oh, I guess you’re right.” Haist. Napa oo nalang ako dahil hindi ko siya naintindihan at alam kong magtatanong na naman ito ulit. 

       Kinuha na lang niya ang mga bulaklak. “Ah, e. Thank you po maam Ysa.” tumango ako at umalis din siya.

       Tawagan ko nga si Jake. Kinuha ko ang cellphone sa bag at nagdial sa number ni Jake.

      Sumagot naman si Jake, kinikilig naman ako. "Hello Ysa." Sabi niya.

      Tsarrr... Ang ganda ng boses ng boyfriend ko. Ang sarap pakinggan. Nakakakikilig. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Ah hello babe. Nasaan ka na?” malambing kong sabi.

     “Huh? Ah… I’m here in my office na. Napatawag ka? May kailangan ka ba?” sabi niya sa akin. Napanguso tuloy. Dahil tumawag, may kailangan agad di pwedeng na miss lang? Haist.

       “Miss kasi kita. Can we have a dinner later? Please Jake. Sa Ler Grill, malapit lang yan sa building mo.” Excited kong sabi sa kanya.

       “Okay, I’ll be there mamaya. Bye” sabi niya sa akin tapos nag-end call agad.

       "Ano ba yan nag end call agad, wala bang i miss you too at mahal din kita, Ysa!” sabi ko sa sarili. Kainis naman. Pero okay lang, magkikita naman kami mamaya.

        Binalik ko ang phone sa aking bag at pumunta na ako sa kitchen para tumulong sa pagluluto ng mga orders. 

     Hindi ko namalayan it’s past 6 na ng gabi kaya nagmadali akong nagbihis at umalis na para sa dinner namin ni Jake. Excited na kong makita siya ulit.

      Pagdating ko sa Ler Grill resto wala pang Jake akong nakita. Umupo nalang ako sa reserved table namin at naghintay sa kanya. Tiningnan ko ang menu, tapos tumingin sa relo.

        Higit 30 minutes na akong naghintay, wala pa ring Jake.

     May inaayos pa siguro sa office nya. Sabi ko sa sarili ng may dumating na waiter.

     “Excuse me mam, can I now have your order?” sabi ng waiter.

     “Later lang kasi may hinihintay pa ako.” Sabi ko naman at umalis siya. Tiningnan ko ulit ang menu, kapag nabasa na ang lahat sa menu tumingin na naman ako sa relo.

     Ilang minuto na rin, mag 1 hour wala pa rin siya. Kahit tawag wala akong nakuha. Masakit tuloy ang puso ko.

      “Kunti nalang andito na siya. May tinapos pa sa offi e niya.” positive advice to myself.

      Dating gawi, tumingin sa menu tapos tumingin sa relo.

       Mag three hours na wala pa rin siya? Hindi ko na kaya pang maghintay, memorized ko na ang nasa menu pero wala pa rin si Jake ko.

       Tumayo na ako para umuwi ng pinuntahan ako ng waiter. "Maam, okay ka lang?"

       Tumungo ako. "Yap, hindi ako sinipot pero I'm okay. Busy lang siya siguro. Thank you for asking. And thank you na rin sa service water, it helps a lot." Isang pitser ng tubig na ata ang naubos kong ininom sa kahihintay.

       "Walang problema po maam." Sabi niya at umalis na ako sa resauant para umuwi.

      Nandito na ako sa bahay, nakahiga sa aking kama pero hindi maiwasan ang puso kong malungkot dahil nabigo.

       Nabigo sa hindi pagsipot ng mahal ko sa dinner date namin kanina. Bakit hindi siya nagpakita sa akin.... Sabi ko sa sarili habang nakatitig sa kesame. Gusto ko ng umiyak pero para saan pa? Hindi naman katapusan sa mundo hindi ba?

       Kaya dahil ba hindi siya sumipot kanina magmokmok ako at umiyak? No way. Mahal ko si Jake at mahal din niya ako. May importante lang siyang meeting at walang time to text or call. But he still cares for me and that's more than just a friend. So positive pa rin ako.

      Pinikit ko ang aking mga mata, pinilit na matulog para bukas may energy naman. Dahil my babe hindi kita isusurender. "Goodnight babe ko." Sabi ko sa sarili tapos tumagilid sa paghiga pero napansin kong may luhang tumutulo sa gilid ng aking mga mata yon pala kanina pa itong naghihintay na tumulo at kumawala. 

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon