Part 17

869 17 0
                                    

        “Aray…. Aray…. Kuya... Masakit ang ulo ko. Kuyaaaa….” Umiyak kong tawag kay kuya at lumabas sa kwarto pero napaupo dahil sa sakit ng aking ulo.

       “Anong nagyari sayo... Ysa...?” tarantang tanong niya sa akin habang ako naman hawak ko ang aking ulo at nakaupo sa sahig ng hallway ng bahay. “Tumawag kayo ng doctor.” Sigaw ni kuya sa mga kasambahay namin.

        “Masa… masa... sakit ang ulo kooo.” Huling sabi ko dahil hindi ko na naalala ang sumunod na pangyayari.

       May narinig akong nag-uusap kaya minulat ko ang aking mata.

         “Ysa, anak. Kumusta na ang pakiramdam mo?”  sabi ni daddy.

         “Huh, daddy?” Sabi ko. Tapos nakita ko din si mommy nakaupo sa aking tabi. “Mom?” niyakap nila ako. “What happened?” tanong ko naman. Sa tingin ko nandito lang ako sa room ko.
         “Sumakit ang ulo mo kahapon, but sabi ni doc you are okay now. May masakit pa ba anak?” tanong ni mommy.

         “Wala naman po mommy!” sabi ko naman. “Where’s kuya Dave and Kuya Jake?”

         “Si kuya mo pumunta na sa office, si Jake naman nasa office niya siguro pero pumunta sila dito kagabi with Marisse......" Napahinto si mommy  sa pagsabi. "I mean also with Marisse nandito siya kagabi, binibisita ka".

        Marisse yung girlfriend niya noon. Bumalik na pala siya? Nagkabalikan na pala sila? Mas mabuti. Sabi ko sa isip. "Okay." Sabi ko.

        "Anak... Okay ka lang?" Tanong no daddy.

         "Yes po."

         "Gusto mong kumain anak? Magpaluto ako..." Sabi ni mommy pero hindi pa ako nagugutom.

       “No mom. Gusto ko munang matulog.” Sabi ko at bumalik sa paghiga.

        "Okay, sabihin mo lang kay manang kong nagugutom ka na ha." Sabi ulit ni mommy.

         Tumango lang ako tapos lumabas na din sina mommy at daddy sa room.

       Pero sa aking pag-iisa napaisip ako about sa pag-uwi ni Marisse. Parang nasasaktan ako sa pagbabalik niya? Hindi ko alam kong bakit. Siguro nga napalapit na ako ni kuya Jake, yong time niya ay nasa amin na yong walang kahati.

      Nagulat ako ng may kumatok sa pinto.

       “Ysa, are you still awake?” boses yun ni kuya.

       “Yes, kuya please come in.” bumangon ako at nakita ko siyang pumasok sa room. “Hi kuya.”

        “Hello bunso. How’s your feeling? Umuwi ako agad ng nalaman kong gumising ka na. You scared me a lot.” Niyakap niya ako.

        “I’m okay now kuya.” Sabi ko.

         “Are you sure? “tumango na rin ako. “wala na bang masakit sa ulo mo?” tumango ako “Good. I’m happy talaga na you still remember our names.” Pa biro niya.

         Natawa na rin ako. Bakit may nakalimutan ba ako? “Kuya naman.”

        “Shhh.... Go back to sleep now. Take a rest. Don’t think too much of everthing sumasakit lang ang ulo mo.  Don’t worry din sa restaurant mo, dahil si mommy ang nagmanage muna ngayon.” Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. “Para bukas magpaparty tayo.” Sabi niya.

        “Okay kuya. Thanks.”

        “I have to go back sa office. See you later. Baby sis. Bye.” Sabi niya at bumalik na siya sa trabaho.

        Matulog na sana ako ulit na may tumawag sa akin. Si Mark?

        “Hello?” sabi ko at galit ako sa kanya.

        “Hi honey, how are you? I’ve been calling you since yesterday dahil sa date natin pero hindi ka sumagot sa calls ko. Anong nangyari sayo? May sakit kaba?” Sabi sa kabilang linya.

       “Ah, I’m sorry Mark. I want you to know magbreak na tayo. I don’t want to see you na, okay?” sabi ko.

        “Wait, what?” sabi sa kabilang linya.

        “Yeah, Magsama kayo ng girlfriend mo. Huwag mo akong gawing tanga dahil nakita kita mismo sa bar na may kasamang babae at naghahalikan." sabi ko at nag-end call agad.

        Ngumiti ako, ang sarap ng pakiramdam. Kaya ko naman palang makipag break sa kanya, ba’t ako nagpakagago sa mukong na yon. Haist.

        May tumawag ulit. “Ano ba, I told you break na tayo and I don’t want to see your face anymore. Kulit mo. Magsama kayo sa babae mo, kainis ka.” galit kong sabi. Eto talaga si Mark ayaw akong tantanan pero wait si Mark ba itong kausap ko?

       “Hello Ysa, I’m sorry.” sabi ng ibang boses lalaki sa kabilang linya. Tiningnan ko ang number, si Jake pala ang tumawag.

        “Huh? A ehh... Ikaw pala kuya Jake. Sorry. Akala ko kasi ikaw yung stalker ko.” Palusot ko naman.

         Narinig ko ang buntong hininga ni Kuya Jake. “Ah… Natakot ako sa sinabi mo ah. Hmmm. Ano, may stalker bang makipagbreak up?” Tanong niya naman.

        “Oo, Siya lang din, haha.” tawa ko.

       “Ysa talaga. Anyways gusto ko lang sana kitang kumustahin.” Sabi niya.

       “I’m okay na, thanks sa pagbisita kagabi. Sinabi sa akin ni mommy."

       "Oh..."

       "Wait, hmmm kuya said we’ll be having a party tomorrow can you come and Marisse too?” sabi ko, at parang hindi siya sumagot. “Hello kuya Jake, are you still there? Are you okay?”

       “O…. Okay lang ba sayo?” tanong niya.

        “Oo naman… wala namang problema sa akin, meron ba?” tanong ko. Wala naman di ba?

        “Oh… No... No of course. Sige, sige... see you.” pautal na sabi niya.

        “Okay, I’m happy to hear that. Sige Bye na? See you tom.” tanong ko naman sa kanya.

         “Huh, ah... Yeah Bye” tapos nag-end call siya.

        Bumalik na rin ako sa paghiga.
At napansin kong may nararamdaman akong mabigat at medyo kirot dito sa puso ko. Siguro it’s from Mark dahil ka bebreak ko lang sa kanya.  Pero bakit parang meron pang iba. May iba pa kasi. Hindi ko maintindihan. Ghadd... Siguro kailangan ko lang ng konting rest baka bukas mawawala na itong nararamdaman kong kakaiba. Hay.

       Pumikit ako para matulog ng may naalala ako. Umupo ako sa bed.

      "Pero bakit hindi ako nasaktan sa break up namin ni Mark na parang kahapon lang yong nakita ko siya with another woman." Humiga ako ulit.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon