Part 3

1.5K 23 3
                                    

       Higit mag-isang buwan na rin kami ni Mark at ang sweet pa rin niya. May flowers everyday, dinner every other night at sweet messages before going to sleep.

       Nakaupo ako sa balcony ng aming bahay, tumitingin sa mga buitin at sumilip minsan sa cellphone kung may mga text messages si Mark.

       Pero wala. Bumuntong hininga ako ng biglang sumulpot si kuya sa likuran ko.

        “Ysa!" Biglang sabi ni kuya.

        "Ay kabayo." Nagulat ako sa ginawa niya at ang saya niya sa aking reaction na napabounce sa upuan. "Kuya ano ba! Mamamatay ako sa puso niyan!" Sigaw ko sa kanya na namula naman siya tuwa.

       Pero bigla itong huminto sa pagtawa at tumikhim. "Ahem... Ano ba kasi ang ini-emote mo dyan, palagi naman kayong magkasama?" Lumapit siya sa akin.

       "Na miss lang, di pwede?" Nguso ko naman.

       "Ay..." Sabi niya at umupo sa tabi ko. "Bakit hangang ngayon di ko pa nakita o nakilala yung boyfriend mo. Pogi ba yun? Pangit siguro noh?” tanong niya sa akin.

       "Hindi noh. Crush ko nga siya noong college pa kami e." Sabi ko naman.

        "Ganun? Parang may masamang kutob ako diyan sa lalaki mo." Sabi niya na kumunot ang nuo, patango-tango at hinimas ang kanyang chain.

        "Kuya naman. Mabait si Mark, at kong makilala mo na siya wala kang ma say pa." Proud ko naman sa bf ko. Hindi niya ito nakilala dahil guma-graduate na sila ng nagtransfer si Mark ng school namin.

       "Tingnan lang natin. Papuntahin mo siya dito." Matigasin na sabi nito.

         “Eh kuya naman kasi, tuwing pupunta siya dito, wala ka naman. So hindi kayo nagkikita. Tiis ka muna ngayon. At huwag kang mag-alala mahal ako Mark kuya at mahal ko siya ng sobra." Explain ko sa kanya at nag sparkling eyes pa. Pumunta naman talaga si Mark dito sa bahay yon nga lang wala sila kuya.

        “Wow, may pa beautiful eyes pa. Hmmm... Pero, naramdaman ko wala talaga akong tiwala sa lalaking yan.” Sabi ulit niya.

        “Kuya naman, paulit-ulit na yang sinabi mo e. Paulit-ulit mo ring sinaktan ang puso ko. Kuya, mabait talaga siyang tao at may pinag-aralan. Ano pa ba ang gusto mo para sa akin, he’s the right man for me naman. At tsaka lahat namang lalaking magugustuhan ko wala ka namang tiwala e.” Sabi ko sa kanya pero ayaw pa rin niyang maniwala.

       “Iba na ang panahon ngayon. Sana makipagkita na siya sa amin kong talagang mahal ka niya.” Sabi niya.

        Buntong hininga na lang ako. Ano ba kasi ang nakikita nila sa kapwa lalaki na hindi makikita sa mga babae? Eto talaga si kuya ayaw din niyang sabihin.

      Tumayo si kuya at tinapik niya ang aking shoulder tapos bumalik siya sa loob ng bahay. "Maghihintay ako." Sabi pa niya.

      Hindi ko na siya pinansin dahil may nag beep sa aking cellphone. Tiningnan ko at  nakita ko ang text message ni Mark.

        Mark: Hi honey nandito na ako sa bahay. I miss you. Anong ginawa mo ngayon? I love you honey ko.

       Ayan isang text message galing kay Mark masaya na ako. Napakilig tuloy ako ng biglang sumulpot na naman ulit si kuya sa likuran ko.

        “Bukas may dinner tayo with Jake, free your time dahil importante ata.” Sabi niya at eto nagulat naman ako.

        “Kuya naman, huwag ka ngang manggulat sa akin masakit sa puso ko ah.” inis na namang sabi ko.

        “Bakit may iniisip ka ba na hindi mo ako napansing bumalik? Ang ingay kaya nitong paa kong naglalakad.” tumatawa ito sa akin.

       “Meron at marami. Sige na nga I’m going to sleep na.” sabi ko sa kanya at tumayo. Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng may sinabi ito sa akin.

        “Don’t forget sa dinner natin with Jake. Cancel your dinner muna with your whatever.” sabi ni kuya tapos nagmadaling pumasok sa loob.

        “What? Kuya naman. Yan lang ang time namin ni Mark kukunin mo pa? Sa ibang araw nalang pwede? Hindi ako free bukas e.” sumunod naman ako sa kanya na nagmamakaawa.

       “No!” galit na sabi niya.

       “Kuya naman e.” malapit na akong maiiyak.

       “Nope. Dinner natin yang tatlo.” Tutol pa rin niya at pumasok na siya sa kanyang kwarto at madaling sinara para hindi ako makapasok.

        “Kainis ka talaga kuya.” Kinatok ko siya pero wala talagang himala.

      Hindi siya sumagot at hindi ako pinagbuksan.

       Sigaw ko naman sa labas. "Fine! Cancel na kong cancel! Kainis ka talaga kuya! Hindi na ako bata e." Sigaw ko.

       Binuksan naman bigla ang kanyang pintuan. "That's good to hear." Tapos ngumisi siya.
 
       "Kuya naman e." Nguso ko naman.

        "Goodnight my little sister!" Sabi niya at ginulo ang aking buhok.

        "Hindi na ako bata at mas lalo ka na kuya." Sani ko at inayos ang aking buhok.

        "Thank you!" Sabi niya at pinagsarhan na naman ako ng pinto.

        "Kainis ka talaga!" Umalis na ako at padabog na pumunta sa aking kwarto.

          "So, eto cancel na. Talaga tong si kuya ba’t bukas pa. Kainis naman" sabi ko sa sarili at humiga sa kama. Wala naman akong magagawa, takot kasi ako minsan sa kanya. Kuya ko siya e.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon