Part 18

883 20 0
                                    

         “Welcome sa party guys.” Narinig kong sabi ni kuya sa mga guest namin sa garden.

        Pagpunta ko sa living ay nakita kong siya ring pagpasok nina kuya Jake at Marisse sa loob ng bahay.

        Ang bagay nilang tingnan, sabi ko sa sarili pero kumikirot na naman itong puso ko. No, wala lang to. Sabi ko ulit sa sarili tapos nagwave ako sa kanila.

       Pinuntahan ko sila. Of course nagbeso kami ni Marisse pati na rin kay kuya Jake at napansin kong kumunot ang nuo ni kuya Jake habang titig sa akin.

        “Nandoon si kuya Dave sa garden punta na kayo doon.” Ngiti kong sabi sa kanila.

         "Thank you. Kumusta ka na?" Tanong sa akin ni Marisse habang sinabayan ko sila papunta sa garden.

           "Okay lang ako." Sabi ko at huminto malapit sa sliding door. "Doon nalang kayo uupo malapit sa naka red, reserved yon para sa inyo." Sabi ko sabay toro sa bakanting table malapit sa naka red dress na babae.

          “Thank you Ysa.” Sabi ni Marisse. Tumango ako at napatingin kay kuya Jake pero napansin kong nakatitig pala siya sa akin. Na conscious naman ako sa mga titig niya dahil iba kasi parang kay lagkit ang mga ito. Iba yun ah, ngayon ko lang nakita ang style niya. Sabi ko sa isip at ningitian ko siya.

       "Let's go babe." Sabi ni Marisse kay kuya Jake.

        Babe? Familiar sa akin. Sabi ko sa isip habang tiningnan silang dalawang pumunta na sa garden. Ano ba yan.

        Bumalik na ako sa living room para e-welcome ang ibang guest. Hindi ko kilala ang iba kasi kadalasan ay friends ng kuya ko.

       Ng medyo wala ng dumating ay pumunta na ako sa kitchen para uminon ng tubig ng biglang sumulpot si kuya Jake sa likuran ko.

        “Ysa!”

       Nagulat naman ako. “Kuya ano ba, mamamatay ako sayo sa gulat e. Pareho talaga kayo ni kuya dave!” inis kong sabi.

         “I’m sorry, gusto ko lang kasi uminon ng tubig.” Sabi niya.

         “May tubig naman sa table niyo.” Sabi ko pero kumuha na rin ako ng baso, nilagyan ng tubig at binigay sa kanya. “Oh, ayan na” kinuha naman niya at ininom ito. Tiningnan ko siya ng maige. Ang gwapo pala ni kuya Jake.

        “Anong klaseng tingin yan?” sabi niya.

         “Wala lang, nag scan lang dahil ngayon ko lang napansin na pogi pala ang bestfriend ni kuya.” Sabi ko sa kanya with a smile.

           “Iyan ba kung bakit inlove na inlove ka sakin.” Ngiting sabi niya.

         Namilog naman ang aking mata da natinig. "Hah! Anong inlove? Wait sinong may sabi sayo niyan? Hindi noh? Swerte mo ah. ” tawa kong sabi sa kanya. Ano bang pinagsasabi niya? Inlove daw. Tawa ko pa rin pero natigilan ako ng hindi siya kumibo.

         Tumitig lang siya sa akin at kumunot ang nuo.

        Bigla tuloy akong naiilang. Naiilang sa kanya? Kailan pa? “Bumalik ka na nga doon, kung ano pa ang sinasabi mo, isusumbong kita kay kuya.” Sabi ko sabay tulak sa kanya.

       Tinulak ko siya pabalik sa labas kung saan ang party.

        Palagi ko itong ginawa kapag ayokong makipag kwentohan sa kanya.

        Pero iba ang nararamdaman ko ngayon parang may maliit na tibok sa aking puso kaya tinulak ko siya palabas.
  
      Pero tuwang-tuwa naman ang mokong. “Ano ba ang bigat mo kaya!” nguso ako sa kanya.

         “Ysa? Bumalik na ba ang memory mo?” sabi nya at biglang humarap siya sa akin, ayon napauntog ako sa chest nya. Napahawak naman ako sa aking nuo. Naks, ang tigas at ang bango niya. Sabi ko sa sarili.

        Wait parang feel ko nangyari na ito dati yung napadikit ang mukha ko sa chest niya. Pero hindi dahil first time ko ito. Tumingin ako sa kanya, nakasmile pa pala sa akin. “Ang sakit ah.” Sigaw ko naman.

       Yumuko ito para maglevel kami. Ang lapit ng aming mukha at tumitig siya sa akin. Hindi ko siya maintindihan dahil hindi pa niya ito ginawa sa akin nuon. Na coconscious na tuloy ako at hindi makagalaw dahil sa ginawa niya tapos ang lakas ng tibok ng aking puso.

        Pero tumawa ito bigla. Bigla akong nabunutan ng tinik dahil akala ko, hahalikan na niya ang aking lips. Mokong to, sira ulo. "Ano ba?!" Inis kong sabi sa kanya.

       Tumawa pa rin ito. Pero ang isip ko naman ay lumulutang dahil mas gumagwapo siya kapag tumatawa. Gosh, bakit ko hindi to napansin ang tawa niya noon.

         “Ysa, may masakit ba.” May pa sexy voice pa. Ew…

         “Ba’t ka biglang humarap sa akin? Sakit kaya, baka magkabukol ako niyan. Patay ka talaga sa akin. Ano ba kasi ang pinagsasabi mong memory ha?”

        Huminto siya sa pagtawa at tumitig na naman sa akin.

       Ano ba ang problema ng lalaki na ito. Ang weird. Tinalikuran ko siya bigla at umalis sa harapan niya. Hindi ko kaya ang moment na kasi, para akong mahihimatay sa bilis ng pagtibok ng aking puso.

         “Ysa wait…” tawag niya. Nilingon ko siya. “Ano kasi…” pero hindi siya makapagsalita.

       “Anong ano? Ikaw kuya Jake ha huwag mo akong pagtripan? Balik ka na doon.” Iniwan ko siyang mag-isa na parang tulala.

        Napansin ko na rin bumalik na siya kay kuya.

       Ano ba ang nakain ng lalaking yun. Nakaka-awkward naman o. May memory pang sinasabi, pinatibok pa ang puso ko.

      Nandito lang ako sa library ni daddy nag-standby. Ayokong humahalubilo sa mga bisita dahil usually friends lang ni kuya ang present don.

      Ilang minuto din ay sumilip ako sa garden at ang daming tao pa rin, hindi ko nga lang kilala. Nakita ko si Jake at Marisse pero parang hindi sila nag-uusap. Ganun.

       Pumunta nalang ako sa kwarto at humiga hanggang sa nakatulog ako.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon