Part 16

838 16 0
                                    

       Pumunta ako sa isang lugar kung saan kami magkikita ni Mark.

      Natanaw ko na siya sa di kalayuan, nakaupo at may dalang bulaklak.

     “Mark!” Lumingon siya sa akin at ng malapit na ako ay hinalikan niya ang aking pisngi.

      “I’m glad nakapunta ka honey. Please sit down.” Pinaupo niya ako. Ang gentleman niya. Bakit ko pa siya nakalimutan ang bait naman sana niya.

      “Thank you, Mark.” Ngiti ko sa kanya. Nandito pala kami sa isang bagong restaurant magdi-dinner.

      “Ah honey, o-order na ako.” Sabi niya at tinawag ang waiter.

      Pinagmasdan ko lang siya sa kanyang ginawa. Sana ikaw nalang si Jake. Sabi ko sa sarili at bununtong hininga. “Mark, may girlfriend ka na ba ngayon?” tanong ko.

      Tumingin siya sa akin tapos nag-smile. “Wala, hinihintay kita hon.” sabi niya at bumaling sa waiter na kumuha na sa order namin.

       “Hindi ka ba nasasaktan tuwing nakikita mo kami ni Jake at pinamukha ko pa sayo na siya ang boyfriend ko at hindi ikaw?”

        “Nasasaktan, pero may tiwala ako sayo dahil alam ko mahal mo ako.” sabi niya na hindi nakatingin sa akin dahil busy pa sa aming order.

      I sigh. Then I look at him again. Yes, his gentle and caring but i can sense that there's something wrong. Parang may tinatago siya sa akin dahil wala akong nakitang sincerity sa sinabi niya ngayon kahit hindi pa siya tumingin sa akin.

      Nakipagkita ako sa kanya dahil gusto kong malaman kong gaano niya ako kamahal. Pero ngayon parang may kulang. Hindi ko maintindihan, basta may kulang.

      Well nag-effort siya, may pa sweetness hindi gaya ni Jake na walang ka effort pero walang factor sa puso niya o sa akin ba kamo. But i guess itong nararamdaman ko ang nagkulang.

     Dumating na rin ang order namin kaya kumain na kami. Siya naman ay sumusulyap minsan sa akin habang kumakain. Naiilang tuloy ako. Bakit ko pa kasi siya iniimbitahan magdinner. Dahil ba nasasaktan ako ngayon at ginagamit siya? No, hindi.

     Ilang sandali ay ng ring ang cellphone ni Mark. Kinuha niya ito at nagexcuse sa akin para sagutin ang tawag. Importante daw kasi. Tumango lang ako. Lumabas siya at doon na niya sinagot ang tawag.

      Bakit kailangan pang sa malayo sasagutin ang tawag? May tinatago talaga siya sa akin.

      Bumalik na si Mark na parang balisa.

     “Mark, okay ka lang ba?" Tanong ko.

      “Hmmm. Honey, I think I have to go. There’s an emergency kasi sa company and I need to be there. Can we go out again sometime?” pa pitty face pa siya.

      Tumango ako, “Yeah of course.” ngumiti ako.

      Umalis na din siya. Nang hindi ko na nakikita ang kanyang sasakyan ay sumunod na rin akong umalis.

     Papasok na sana ako sa sasakyan ng tumawag si kuya sa phone ko.

      “Ysa? Saan ka ba? I called you this morning in the restaurant but you weren't there. They said dinalhan mo ng lunch si Jake. When I called Jake, he said you came but umalis ka na before lunch. May problema ka ba?” Sabi sa kabila.

       “Kuya, pumunta ako sa penthouse mo kanina para matulog. Inaatok kasi ako e.” sabi ko sa kabilang linya.

      “Are you telling the truth? You can talk to me Ysa, I’m your brother. I’m always here for you.” Sabi niya. Para ng tutulo na ang luha ko.

     “Kuya, there’s nothing wrong with me. I just needed some rest kanina so I went there. Then umalis ako to meet Mark for a dinner. I’m going home na rin.”

      “Mark?” tanong niya.

       “Yeah. Kuya, I have to end this call na. We’ll talk as soon as I arrive. Okay?” sabi ko.

       “Okay, ingat ka ha.” Sabi niya at nag-end call na din.

      Umalis na ako para umuwi pero dumaan muna ako sa isang grocery store para bumili ng junkfoods. I missed eating junk foods. And when I miss it, it includes Jake and kuya. Kumakain kasi kami nito pag magmovie marathon kami sa bahay o sa kanilang bahay.

     Sa ngayon gusto kong manuod ng movie with kuya sa bahay kaya bumili ako ng junk food, this to unwind.

     Matapos kong bumili ay bumalik na ako sa sasakyan at umalis ng may huminto na familiar na sasakyan sa tabi ng car ko.

      Nanlaki tuloy ang aking mata na it’s Jake’s car.

      Nakita kong bumaba si Jake at nagmadali itong umikot sa kabila para pag-buksan niya si Marisse. 

      Tapos pumasok na sila sa grocery store ng biglang hinalikan ni Marisse si Jake sa lips.

      Natulala tuloy ako sa nakita. Akala ko kaya kong makita sila pero hindi, dahil ang sakit ng puso ko. Parang biniyak ito gamit na dull na kutsilyo.

       Pinaandar ko ang sasakyan at umalis na dahil ayokong makikita ang sumusunod na pangyayari.

        Sa nakita ko parang sasabog ulit ang puso ko.

     Ulit?

     Oo, ulit kasi parang nangyari na ito sa akin noon. May masakit akong nararamdaman sa puso ko. Masakit talaga.

        Hindi ko namalayang umiyak na pala ako habang nagmamaniho.

     Pero parang umiiyak din ako noon at ang sakit.

      Déjà vu ba ito?

     Sabi ko kahit patuloy na tumulo ang mga luha sa aking pisngi.

       Hindi ko na rin masyadong makikita ang daan, o di kaya ang speed ng pagmamaniho ko. Naririnig ko lang ang busina ng mga sasakyan.
 
      Parang nangyari na rin ito sa akin noon? Pinahid ko ang aking mga luha at biglang may..... "Ahhhhhh".... Sigaw ko sa loob at taranta kong inapakan ang break at napahinto ako sa gilid ng kalsada.

       "Hoi!!!! Magpapakamatay kang mag-isa!!!!" Galit na sabi ng isang lalaking muntikan ko ng mabanggang tumawid sa pedestrian lane.
  
       Umiyak ako at pinapalo ang manobela ng sasakayan. "Masakit... Ang sakit... Jake... Ang sakit... Jake dahil mahal kita... Mahal na mahal kita... Bakit, mo ako pinapaasa kong siya pa rin ang mahal mo. Bakit mo akong hinayaang mainlove sayo? Bakit? Jake... Bakit!" Humahagulhol na ako ng iyak sa loob ng sasakayan.

       Ilang sandali ay nakarating na ako sa bahay.
      
        Nagmadali akong pumasok sa kwarto. Gusto kong umiyak pero wala na akong mailuluha pa. Pero ramdam ko pa rin ang sakit at kirot ng aking puso.

        Humiga nalang ako pilit limutin ang lahat. “Sana ngayon nalang ako na amnesia para makalimutan ko ang sakit nitong puso ko.” Sabi ko sa sarili at bumuntong hininga.

          "Ysa, Ysa?" Tawag sa akin ni
kuya sa labas ng kwarto. "Nandito ka na pala" tawag pa rin niya.

         "Oo kuya. Matutulog na ako. Bukas na lang tayo mag-uusap." Sigaw ko naman at unti-unting tumutulo na naman ang mga luha ko.

          "Okay... Sige goodnight." Sigaw niya.

          "o...Okay. go...goodnight kuya." Pilit kong sumigaw.

         Ng narinig ko ang yapak niyang papalayo ay tinakpan ko ang aking baba ng unan para hindi niya marinig ang aking hagulhol dahil tuluyan ng umagos ang mga luha hanggang sa napagod at nakatulog.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon