Pary 13

854 19 0
                                    

     “Good morning po Mam Ysa!” sabi sa akin ng secretary ni Jake.

         “Goodmorning din Venice, nandito ba ang boss mo?”, tanong ko sa kanya.

       “Wala po mam, ka-aalis lang po. May gusto po ba kayong ipaabot sa kanya?” tanong niya.

       “Huh, ah oo ito. Dinalhan ko siya ng lunch. Pakilagay nalang sa kanyang table please. Hindi nalang ako maghihintay sa kanya dahil siguro mamaya pa yun.” Ibinigay ko sa kanya ang dala kong pagkain.

       “Sige po mam, salamat po nito.” Tumango ako at umalis na din.

      Pumunta na ako sa elevator ng siyang pagbukas nito. Nanlaki ang mata ko ng nakita si Jake at Marisse magkahawak kamay sa loob ng elevator. Biglang may tumusok sa aking puso.

      Lumalabas sila sa elevator na malapad ang mga ngiti lalo na kay babe ko. Pero napahinto sila bigla sa aking harapan ng napansin nila akong nakatayo.

     Ang lupit, masakit talaga kapag tinaksilan ka sa harap mo mismo. 

       Kaya ko ito, huwag pahalata dahil ayokong makita ni Jake na nagseselos ako baka layuan niya ako. “Hi! ” sabi ko nalang.

        “Wait you’re Ysa right?” tumango ako at ngumiti sa kanya. “My gosh, ang laki mo na. I mean ang ganda mo, may boyfriend ka na ba?”

        Of all na sasabihin yan pa ang itatanong. Anong gusto niya, sasabihin ko sa pagmumukha niya ngayon?

        “Yeah, meron na din.” Ngumiti ako pero hindi tumingin sa akin si Jake. 

       “That’s good… siguro he’s the perfect guy for you, kaya hindi na nagiging over protective ang kuya mo, di ba babe?” Tanong niya kay Jake. Babe din ang endearment nila? Nakakaloka. Sabi ko sa isip at nainis.

         “Ah… Oo... He's perfect for me, he's the right one for me at siya ang gusto kong makasama habangbuhay pero...” Tumingin ako ulit ni Jake at sa ngayon ay nakatitig na siya sa akin, na parang may gustong sasabihin pero ayaw lumabas sa kanyang bibig? Hindi naman ako tangang hindi malalaman. Kahit masakit, sa ikasasaya lang niya, gagawin ko.

          "Pero ano?" Tanong naman ni Marisse sa akin.

         “Right now, nagtampo ako sa kanya. Pero hindi ibig sabihin nun I will give up. Nope. Hindi mangyayari yon ever. Kasi alam ko din na mahal na mahal niya ako."

          "Good, good. Huwag mong pakawalan, huwag kang gumaya sa akin buti nalang mahal pa rin ako sa lalaking ito. Pero kong kayo talaga para sa isa't-isa then talagang kayo at kong hindi kahit anong pilit mo ay hindi pa rin mapa-sayo." Sabi ni Marisse at humawak sa braso ni Jake.

           Ayan, parinig pa more. Nagsmile ako ng kaunti at napalunok. "Marisse I have to go, marami pa akong gagawin. Ahhh… Jake may dala akong pagkain para lunch niyo siguro magustuhan ni Marisse yun.” Sabi ko at tumango lang si Jake. Kay Jake lang naman sana yon, bakit ko pa sinali yang babae na yan.

       “Oh, Yeah… I heard na marami kanang restaurant ngayon at ang sarap mong magluto.” sabi ni Marisse.

       Ngumiti lang ako. "Thank you." Ang plastic ko.

       “Anyways thanks for bringing us  food but we're going to dine outside, pwede lang ba kong sa secretary nalang ipapakain? Masasayang lang kasi, e." Malambing na sabi ni Marisse.

         Wow huh! Kong ayaw niyang kakainin, hindi nalang sana sasabihin. Kainis huh!
 
          "Ah e... Venice ilagay mo sa fridge ang dalang pagkain ni Ysa, kakainin ko yan mamaya." Sabi bigla ni Jake.

          "Yes sir." Nagmadaling kinuha ni Venice ang dala kong pagkain at inilagay sa ref.

         To the rescue ang babe ko ha. Pero huli na, masakit na sa puso ko. Salamat. "Aalis na ako " sabi ko nalang dahil parang sasabog n itong puso ko.

        "Okay, magkita naman tayo next time at madalas na rin yun dahil I’m staying for good.” Excited na sabi ni Marisse.

        “Of course, no problem. Bye. Nice meeting you.” sabi ko at lumakad na na hindi tiningnan si Jake.

        Pumasok ako sa elevator na hindi huminga dahil ilang segundo tutulo na ang mga luha ko. Hanggang sa nagclose na ito hinayaan ko ng tumulo ang mga luha ko. Ang plastik ko. Ang sakit ng puso ko. Bakit ganun Jake? Bakit hanggang ngayon siya pa rin ang pinili mo? Hindi kita maintindihan. Paano na ako ngayon?

        Pagbukas ng elevator ay nagmadali akong lumakad papuntang parking area. Gusto kong makalayo na dito, ayoko na.

        Nagmadali kong binuksan ang aking sasakyan at pinaandar pero hindi ako makakita sa daanan dahil walang wiper itong mata ko. As in walang wiper. At walang tigil sa pagragsa ng aking mga luha. Kaya pinatay ko na lang ang engine at humahagulhol nalang ako ng iyak.

        Ilang sandali ay may narinig akong kumatok sa window ng sasakyan. Pinahid ko ang aking mga luha at binuksan.

       "Ysa please, mag-usap tayo." Napatingin ako kong sino.

      Tumulo na naman ang aking mga luha pagkakita niya. Kainis tong mga luha nato. Pinahid ko naman.

        "Ysa, please. Lumabas ka muna at mag-usap tayo." malungkot na sabi niya.

        Sumunod naman ako sa sinabi niya kaya lumabas sa sasakyan at hinarap siya.    

        “Ysa I’m sorry.” sabi niya.

        "Sorry for what? Dahil nakita ko kayong magkasama at nagholding hands pa na hindi sana? or Sorry dahil ayaw mo na sa akin? Alam kong siya ang una mong minahal pero Jake, ako ang girlfriend mo ngayon! Boyfriend kita.  Kung umasa kang magkabalikan kayo Jake huwag mo naman akong paasahin. Dahil paano na ako? Iiwan mo nalang ba ng nasasaktan?" nangingiyak kong sabi. Pero si Jake at napakunot ang nuo.
 
         "Ysa, ghadd paano ko ba to sasabihin sayo." Sabi niya at ginulo ang kanyang buhok

         "Bakit, ano ba ang totoo? Tell me. Dalawa kami sa buhay mo? Na minahal mo ako while wala pa siya dito? Wala pa dito ang tunay mong mahal? Nasasaktan ako Jake. Masakit. Masakit dito sa puso ko dahil mahal kita Jake. Mahal kita."

        Hindi siya nagsalita. Hindi siya sumagot kaya tinalikuran ko na siya at pumasok na ako sa aking sasakyan.

       Pinaandar ko at iniwan siya.

       Bakit ganito ang nangyari. Totoo bang, hindi ko talaga siya boyfriend? Sino ba ang paniniwalaan ko? Ang puso ko ba o ang pamilya ko? Kung puso ko, nagtaksil siya sa akin?

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon