Part 24

909 16 0
                                    

         5 days na ako dito sa Davao. Hands on ako sa pagpapatayo ng aking bagong restaurant dahil ayokong masayang ang pera dahil pumalpak sa trabaho. Expected date for opening kasi 2 months from now. Kailangan din ng trainings sa mga bagong empleyado at dapat ako ang magtrain sa kanila dahil gusto ko bigyan nila ng kahalagahan ang pagtatrabaho nila.

        Pero ito, palaging may iniisip. Palaging sumagip sa aking isipan ang sinabi ni kuya sa akin after yong nakipagsuntukan si Jake kay Mark.

         “Oo Ysa. Naaksidente ka at pagising mo si Jake na ang boyfriend sa isip at puso mo. Sinabihan namin siya to pretend dahil hindi namin kayang makita kang nalulungkot pero ayaw naman niya kasi masasaktan ka lang. Pero pinilit pa rin namin kahit alam naming may Marisse siyang hinihintay.

        Minahal mo siya Ysa. Mahal na mahal.

       Ng sumakit ang ulo mo at bumalik na ang alaala mo. Yun din ang paglaho ng yung pagmamamahal sa kanya.

      Nakakatuwa nga e dahil akala namin matatapos na ang pagmamahal mo sa kanya pagbalik ng iyong alaala pero ang puso mo mismo ay hindi nakalimot. Pilit niyang iparamdam sayo ang bawat pintig, bawat saya at lungkot. At kahit anong pilit mo namang pag-iwas sa kanya dahil sabi diyan sa utak mo, masasaktan ka lang. Dahil diyan nagi-guilty kami bunso dahil hinayaan ka naming masaktan. I’m sorry.”

           “Kuya, wala din akong magagawa dahil hindi ako ang pinili niya, ikakasal na siya hindi ba. Move on na lang ang makakaya ko. Kaya okay na sa akin ang lahat, gaya ng sabi ko kay Mark makakalimutan ko din si Jake kung hindi bukas ay sa mga sumusunod na araw.” Tumulo na ang mga luha ko.

            “Di ba I told you it’s not yet too late, may pag-asa pa. Gagawin ko ang lahat para maging masaya ka bunso.”

      Natauhan ako ng may tumawag sa akin.

       “Mam Ysa, may tawag ka!” sabi ng isa kong empleyado na tinuro niya ang cellphone ko na nakalapag sa table. Hindi ko narinig ang call dahil sa kaiisip. Hay. Nagsmile ako sa kanya tapos sinagot ko na ang tawag.

         “Hello, sino to?” sabi ko sa kabilang linya. Number lang kasi ang ng-appear.

        “Hi bunso, here’s Jake gusto ka niyang makausap.” Huh? Bat hindi niya ginamit ang cellphone niya?

           “Hi Ysa. Kumusta ka na?” sabi niya. Bigla namang tumibok ang puso ko. Gusto ko sana magalit sa kanya dahil sa pagpretend boyfriend niya pero ewan mas lalong sumaya. Gaya ngayon.

          “Okay lang ako Jake. Napatawag ka? Wala bang naghahatid ng lunch mo ngayon?” biro ko pero kinikilig naman.

         “Ah.. Oo. Wala ka kasi dito.” Sabi niya. Kinuha ulit ni kuya ang phone.

        “Ah Ysa, umuwi kana kasi dito. Namiss ka na namin.” Sabi ni kuya.

         “Kuya naman limang araw pa lang ako dito, pauwiin mo na ako? Hindi ako makahanap ng boyfriend kung palagi ko kayong kasama.” Biro kong sabi.

         “Ysa” sabi ni Jake na kinuha ulit ang cellphone.

          “Wait tawag na lang kayo ulit dahil nandito na si Mr. Dela Rosa yung interior desinger ko. Bye!” sabi ko at nag-end call na ako.

           “Goodmorning, Sir.” Sabi ko. “Please sit down.” Ang gwapo niya and young pa, siguro 20 years old pa lang ito. Napatikhim tuloy. “Ahmm. I’m Ms. Ysa Samonte, I saw your design na... and yeah I like the concept.”

          “Thank you. I know it’s kind of different from your main but the idea here is patok siya in this place and for all ages po, Ms. Samonte.” Ngiting sabi niya.

            “Yeah I like it. So ano, the time frame here is can you do it for 2 months or less?” Sabi ko.

          “Yes of course Ms. Samonte. Two months is more than enough."

            "Well then good. Good." Sabi ko naman.

            "Thank you. And Ms. Samonte I know I don’t have much experience kasi baguhan pa lang but I’ll do my best po.” Ngiting sabi niya.

         “Hindi ko kailangan ng maraming experience Mr. Dela Rosa para magustuhan ang isang design. Dahil naramdaman ko sayo you have the idea in your own way at marami pa yan. So, I trust you for this project.” Sabi ko din.

         “Thank you for believing in me. Gagawin ko ang lahat to make it the best.” Tumayo na rin siya.

         “Alright then. Nice meeting you. If you need something just call me okay?”  sabi ko at tumango siya. “Sige you can go now.” tapos nagshakes hands kami at lumabas na din siya.

        Gwapo siya pero may napansin akong kakaiba sa kanya. Napailing tuloy ako.

           Umuwi na ako after 5 pm sa bago kong bili na bahay. Hindi naman masyadong malaki basta lang may matutulogan, at maligoan okay na ako dyan.

          Bumili lang ako ng pagkain for my dinner, tinamad akong magluto dahil ako lang naman ang kumakain.

        Pagkatapos kong kumain, nanood muna ng TV hanggang sa maantok.

         Pero sumagip pa rin sa aking isip ang sinabi ni kuya.

       “Oo Ysa. Naaksidente ka at pagising mo si Jake na ang boyfriend sa isip at puso mo.

        Mahal na mahal mo siya.

       “Jake mahal kita! Mahal mo rin ba ako?”

       “No, I don’t love you. Kapatid ko lang ang turing ko sayo.”

       Nagising ako.

       Panaginip lang pala yun. Pagtingin ko sa relo, its past 8 na ng umaga at nakatulog ako sa sofa?

        Nagmadali akong naligo at nagbihis tapos nagmadaling pumunta sa area ko. Pagdating ko nakita ko si Mr. Dela Rosa na busy sa kanyang unang trabaho. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

        “Goodmorning po Ms. Samonte.” Sabi niya.

       “Oh, just call me Ysa. Goodmorning din Mr. Dela Rosa.” Ngiti kong sabi.

       “Okay… Ysa, Jeff Jay or JJ nalang din sa akin.” Sabi niya.

         Ngumiti na rin ko. Ang gwapo talagang bata to.

       “Hmmm, Jj tapos ka na bang magbreakfast?”

          “Hindi pa pero may dala akong baon kung sakali magugutom ako.” sabi niya.

         “Okay pero kakainin mo lang yan mamaya, sama ka muna magbreakfast tayo. May alam ka bang lugar dito?” tanong ko.

        “Ah.. E meron, okay lang ba sayo?” tanong naman niya at tumango lang ako.  “Okay, let’s go.”

        Eto, ang saya naming kumain. Napakadaldal pala ni JJ hindi ka ma bore pag kasama siya. Nagustuhan ko na tuloy siya. Ang saya.

       Pagkatapos naming kumain bumalik na rin kami ng may tumawag sa cellphone ko.

         “Mam Ysa, emergency po.”

          “What?”

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon