Part 5

1.2K 22 0
                                    

      Nagising ako ng may narinig na ingay sa kapaligiran. Mahina kong minulat ang aking mga mata.

      “Mom, nagising na si Ysa.” Narinig ko ang boses ni kuya.

       “Oh my god anak ko. Anong nangyari? Anak alam mong alalang alala kami sayo?” Nangiyak na si mommy.

        Saan ba ako? Sabi ko sa isip ng napansin ko ang puting paint sa wall ng room.

       “Mom, where am I?” tanong ko sa kanya.

       “Anak, nandito ka sa hospital. You had an accident 2 days ago. Thank you na gumising ka anak.” Sabi ni mommy sa akin.

        Naaksidente ako? Hindi ko maalala. “Mom, am I still complete? Makakalakad pa ba ako mom?” naiyak kong sabi sa kanya.

       Tumango si mommy. Ginalaw ko ang aking mga kamay at paa, gumagalaw naman din.

       “Of course, anak. Praise the Lord.” Ngumiti ito sa akin.

       "Anak." yumakap sa akin si daddy.

      "Daddy." sabi ko naman tapos niyakap na din ako ni mommy at kuya. Group hug na pala.

       Ilang sandali ay narinig namin na may kumakatok sa pintuan. Binuksan ni daddy ang pinto.

       “Anak, may bisita ka.” Tawag ni daddy sa akin habang pinapasok ang bisita. Tiningnan ko kung sino ng bumungad na ito sa aking harapan at may dala pang bulaklak. Pero hindi ko siya kilala.

      “Hi honey, I’m glad nagising ka na.” sabi niya at ibinigay niya ang mga bulaklak sa akin. Lumaki ang mata ko sa narinig.

       Bakit siya naghoney sa akin? Boyfriend ko ba siya? “Ah eh, honey? Huwag ka sanang ma offend. Kasi sa totoo lang hindi kita kilala e. Magkakilala ba tayo?” sabi ko sa kanya. At nanlaki tuloy ang mga mata ng lahat pati na rin ang lalaki sa harap ko.

       “Ako si Mark, I’m your boyfriend.” sabi niya na nalilito din.

      Pero hindi siya ang boyfriend ko e. Hindi ito maari, kailangan niyang malaman, dahil sa totoo lang ngayon ko pa siya nakita. “I’m sorry, Mark. My boyfriend ako pero hindi ikaw yon e, si Jake.” Sabi ko.

        Totoo naman ah. Si Jake ang boyfriend ko, bestfriend ni kuya.

       Lumapit sa akin si kuya na kanina pang nagmasid malapit sa cr. “Ah Ysa, ano ang pinagsasabi mo?” tanong ni kuya sa akin na parang nalilito.

      “Where’s Jake kuya? He should be here diba, alam ba niyang naaksidente ako?” lungkot kong sabi kanya.

      Hindi agad nakapagsalita si kuya dahil parang litong lito na rin gaya nina dad at mom.

      Si Mark naman nasasaktan siya. Nasasaktan ba siya? Ewan ko. Hindi ko nga siya boyfriend e. Ngayon ko lang siya nakilala, I swear.

      “Kuya, boyfriend ko si Jake. Sana alam niya na nandito ako.” Sabi ko at humiga ulit at tinalikuran sila.

       “Ano ba ang pinagsasabi mo Honey. Ako ang boyfriend mo. Sino ba yang Jake na yan, huh!? ” Napaupo ako bigla sa higaan ng tumaas ang boses ng lalaki. Na shock ako sa boses na galit.

      Hindi na gustuhan ni Kuya ang tono ng pananalita ni Mark kaya malapit ng bumuga ng apoy si kuya buti nalang dumating ang doctor na magmonitor sa akin. Pero kuyom pa rin ang kanyang mga palad.

       “Ms. Ysabelle. We’re glad you’re awake now. Lahat ng mga results sa test mo negative from any major injuries. But there is one thing we need to find more test from you. Pero by tomorrow pwede na kayo makakauwi.” Ngumiti ang doctor sa akin.

        “Thank you, doc.” sabi ko.

       Umalis na din ang doctor kasama niya ang parents ko.

       Nabaling na naman ang aking pansin sa lalaking Mark daw. "Uwi ka muna Mark, magpahinga muna ako. Salamat sa pagbisita." Nagsmile ako.
      
       "Sige. Magpahinga ka na honey."

       Ilang sandali umalis na rin si Mark. Hindi niya pinansin si kuya na hanggang ngayon masama pa rin ang titig niya sa lalaki.

      Bakit hindi ko siya nakilala, may amnesia ba ako? Hindi naman siguro dahil kilala ko pa silang lahat except ng Mark na yon.

       “Kuya, kilala mo ba ang lalaki na yun?” tanong ko sa kanya.

       Tinitigan niya ako. “Ysa, hindi mo ba siya nakilala? Wala ka ba talagang alam kong sino ang lalaki na yon?” balik niyang tanong sa akin habang nakapahimulsa ito sa kanyang pantalon.

        Umiling ako. Wala naman talaga akong maalala sa kanya.

       "Pero pano?" pabulong na lang ang sabi niya.

       “Hmmm. Kuya, tumawag na ba si Jake?” tanong ko sa kanya pero ayaw din niyang sagutin ang tanong ko.

         “Matulog ka muna Ysa, bukas darating din siya para bisitahin ka.” Sabi ni kuya at niyakap niya ako.

        Tumango lang ako.

       Ang boring naman dito sa hospital higa, tulog bangon, kain, uminom ng gamot, gusto ko ng umuwi.

        Humiga na ulit ako at pinilit kong matulog baka bukas makita ko na si Jake.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon