Part 11

985 16 2
                                    

Ysa’s POV

        Nandito ako sa office ni Jake at kinakausap siya.

      “Babe naman, pupunta tayo sa park mamaya. Sabi ni kuya, maghintay siya doon sa atin. Dating gawi. Magkasama naman tayo palagi noon diba? Hindi pa ba ngayon na boyfriend kita?” sabi ko sa kanya pero nakaupo lang siya sa swivel chair niya.

        “I’m busy Ysa. I can’t.” Tumingin siya sa akin.

        “Bakit noon, kahit gaano ka, ka busy you still come with us. Ang daya mo. Gusto mo kilitihin kita…” lumapit ako sa kanya at kiniliti ko siya. Oo, alam ko kung saang part ang kiliti point niya. Ayon natawa na siya.

        “Stop it, mamamatay ako.” Tumawa na rin si Jake. Ang gwapo talaga niya pag nakasmile.

        “See, ang gwapo mo na? Palagi ka kasi nakasimangot, madali kang tumanda niya. Pero okay lang basta kasama kitang tumanda.” Ngiti kong sabi sa kanya.

        “Wow ha, marunong ka na mag pick up lines.” Ngiti pa rin niya.

         “Of course, naman natutunan ko yan because of you.  Dami mong di alam no?” sabi ko sa kanya at hinalikan ko naman siya sa cheeks.

         “Bakit ba palagi kang magstolen kiss sa akin? Gaano mo ba ako ka mahal?” Tanong niya sa akin.

       Sinusukat pa ba yun? “I don’t know. Tumitibok ang puso ko pagkasama kita at sa tuwing iniisip kita. At gusto ko habang buhay ikaw ang makikita ko paggising sa umaga at kayakap ko habang natutulog.” Sabi ko at umupo ako sa couch niya. Yan kasi ang nararamdaman ko ngayon sa kanya.

      “Pick up lines din ba yan?” tanong niya.

       “Nope galing yan sa puso ko. Dahil mahal na mahal kita." Nagsmile ako sa kanya. "Sige mamaya ha! Magagalit na talaga ako sa iyo babe kong hindi ka pupunta.”

        "Fine, kita na lang tayo mamaya."

        "Wow, i love you babe." Sabi ko tapos pinuntahan siya at hinalikan ko sa pisngi.

          "Nakailang kiss ka na ha" sabi naman niya.

       "Kasi nga mahal kita. O sya, bye muna babe." Nag flying kiss pa ako sa kanya.

       Umalis na rin ako at bumalik na sa restauant. After sa work, dumeritso na ako sa park.

         Excited lang namang pumunta sa park. May affair kasi sa park at every year pupunta kaming tatlo dito to enjoy, hindi lang dahil isa din kami sa mga benefactor sa event.

       Successful naman, may sayawan, pagkain, laro at etc.      

       Pagdating ko doon, nakita ko na si kuya at si Jake. Hmmm. Buti hindi na late ang aking Jake.

      “Hi kuya at hi babe.” Sabi ko at kumapit ako sa braso ni Jake tapos tiningnan ko ang paligid na andaming pakulo. “Ang ganda dito, who organized the event kuya?” sabi ko.

      Every year kasi, ibang barangay ang mag-organized so excited lahat ng mga tao kung ano ang theme at pakulo nila.

        “I don’t know na. Pero, it seems mas cool ngayon.” Sabi niya.

        “Tingin ko din. Let’s go. What are we going to do first?” sabi ni Jake.

        “I’m going to eat fishball.” Sabi ko.

        “What, yan ba palagi nating uunahin?” nagreact naman si kuya.

        “O, sige ano ang idea mo?” sabi ko kay kuya.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon