Part 21

933 21 0
                                    

Ysa’s POV

          May tumawag sa phone ko at dali ko itong sinagot. “Hello, sino to?” sabi ko sa kabilang linya.

          “Hello mam, Ysa. It’s Venice from Salvador, Inc. Gusto lang po malaman ni Sir Jake na ano hmmm magdadala ka ba ng food sa kanya for his lunch?” sabi sa kabilang linya?

         Nagsalubong ang aking kilay dahil sa hindi ko maintindihan sa kanyang sinabi. Ano raw?

         “Eh, ano kasi mam.” Hindi niya natapos dahil nagsalita na ako.

         “Can I speak to him Venice?” tanong ko.

          “Yes mam, please hold on.” Sabi niya tapos ilang sandali narinig ko na ang boses ni Jake. “Hello babe!”

           Parang tumitibok ang puso ko ulit. No, stop it Ysa. Hay.

          “Babe ka dyan. Ano ba ang pinagsasabi mo? You mean mag-oorder ka for your lunch?” Tanong ko sa kanya.

          “No, I want you to know na you brought lunch for me twice here in my office and I kind of missed it. Sarap kasi.” Sabi niya.

        “Wait, dinalhan kita ng pagkain sa office mo? Kailan yun? Bakit? My goodness. Nakakahiya I swear. You sure about it kuya Jake?” nagblush tuloy ang pisngi ko.

        “Yap, ang sarap nga. Ang sweet mo din sa akin.” Sabi niya at narinig ko ang tawa niya.

        “Oh Please stop it. I don’t remember e. I’m sorry!” sabi ko. Hindi ko talaga naalaala. Napansin kong hindi na nagsalita si kuya Jake. “I’m sorry kuya Jake. Pero don’t worry I’ll bring you food. Bait mo kasi sa akin. Ipapadala ko mamaya.” sabi ko nalang.

         “Really? Thank you. Pero, pwede ikaw ang maghatid niyan dito Ysa? And can you make it two? Dalawa kasi ang kakain nyan mamaya. Please?” Sabi niya.

        “Fine. Ako na. Special delivery yan dahil ako mismo ang may-ari ang magdeliver sayo. Hay, ang swerte mo nga. Kung hindi ka lang mabait sa akin at gwapo mo, walang delivery from me.” Sabi ko at napangiti naman ako.

       “Really, I’m gwapo sa paningin mo?”tanong niya.

        “Bakit, hindi ba sa panigngin mo?” tawa kong sabi.

         “Iba kasi kung ikaw ang magsasabi. Ngayon ko lang narinig yan, since magkilala tayo. So I’m flattered.” Sabi niya.

        “Wow ang galing mong mambola para malibre. Fine ibigay ko sa iyo ng libre!” sabi ko.

        “Libre kaya before. Pero thank you na rin.” Sabi niya.

         “Malulugi ako sa iyo nyan.” Sabi ko at tumawa naman siya. “Sige bye na!” at nag end call na ako.

         Eto talaga si kuya Jake hindi ko maintindihan. Umatake na naman ang kaweirduhan.

       Nagluto na ako at ginawa ko ng 3 pax kasi mabait naman sa akin si Venice so bigyan ko din siya.

       Pagdating ko sa office ni kuya Jake, bumuntong hininga muna ako. I can’t imagine dinalhan ko siya noon ng lunch. Bakit kaya?

     Sumakay na din ako ng elevator at pagdating ko, sinalubong ako ni Venice nakangiti.

       “Hi Venice, here’s for you” sabi ko sa kanya.

       “Wow, thank you mam Ysa. Sabi ko na nga ba tutuparin mo ang iyong pangako na dadalhan mo ako ulit ng pagkain dito. Ang bait mo mam Ysa. Salamat.” Sabi niya. Napangiti ako at napaisip. Dinalhan ko din ba siya dito? Hindi ko naalaala. Hay forget it.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon