Part 29

1.8K 46 6
                                    

         Eto nagbihis na ako sa dinala ni mommy na damit. "You look pretty anak! Alam mo pala ang size niya Jake." sabi naman niya. Si Jake kasi ang bumili ng gown ko. Nandito kami sa room ng hall.

  "Thank you, tita." Sabi ni Jake at tumingin siya sa akin.

"Call me mommy na Jake. Doon na rin yun pupunta."

   "Opo, mommy!" ngiting sabi ni Jake. Ang gandang pakinggan.

   "Mom." niyakap ko siya. Ayoko kong umiyak kasi natakot akong mabura ang make-up ko kahit water proof pa ito.

     "I'm happy for you baby." Sabi ni mommy.

    Pumasok na rin si kuya sa loob ng room. "Ang ganda ng bunso namin, naunahan pa ako. Tsk tsk tsk." Sabi niya at yumakap sa akin.

  "Thank you. Hindi naman kita naunahan kuya. Pero ipakilala mo na kasi sa amin." Sabi ko at tumawa siya.

     "Basta..." Ngiti pa niya.

  "Kuya plan niyo ba ito?" Tanong ko tungkol sa engagment.

"Hindi kay Jake lang. Bakit hindi mo siya tanungin?" ngiting sabi ni kuya.

Ngumiti rin si Jake. "Punta na tayo sa labas." Tumango ako at  lumabas na kami sa room kong saan ako nagbibihis tapos bumalik na kami sa hall.

   Nagtable hopping kami sa mga friends at business partners ni Jake, mayroon din business partners ni kuya at ni dad. Ako? Meron din naman. At nakita ko si JJ umupo kasama ang nga naggwapohang mga anak ng mayayamang negosyante. Nagwave siya sa akin. Nagwave din ako sa kanya.

    Pagkatapos sa table hopping ay hinila ako ni Jake papuntang dance floor. "Can I have dance with you?"

     "Akala ko ba hindi ka marunong sumayaw?" ngiti kong sabi.

     "Sinabi ko ba yun?" deny naman niya. Tumango lang ako. Ngumiti siya niyakap ako ng mahigpit.

   Kumalas ako. "Jake, na stressed ako sa pinaggagawa mo ha."

      Hinawakan niya ang aking pisngi. "Eh, kasi hindi ko alam kong ano ang easiest way para mabihag kita at makulong sa mga bisig ko" nguso si Jake.

    Nakaka inlove talaga. "Totoo, so ano ang ginawa mo?"

     "Ysa, wala talagang engagement plan sa amin ni Marisse. I mean in my part. Siya lang ang may plano sa lahat. After narinig niyo ni Dave ang engagement party, pinuntahan ko ang dad ni Marisse the next morning at nag-explain ako sa kanya kaya naintindihan niya ako. Pero Marisse still insisted sa party at napansin ko lang iyon two days before this happen. Sabihin ko sana sayo ang pangyayari but nakaalis ka na at tinawagan kita ayaw mong sumagot. Kaya I asked Dave to call you but naputol din dahil sa gay mo na friend."

     "Alam mo na siya ay gay?" tanong ko.

   "Yap, the way he comforted you. Iba kasi ang style niya. Oo nagagalit ako nong una dahil sino namang hindi e may kasama kang ibang lalaking at may kagwapohan din and of course towel lang ang suot. Gusto ko sanang uupakan siya pero napansin ko hindi siya tunay. Ng lumabas na ako magaan ang loob ko dahil may pag-asa pa sa huli." ngiti niyang sabi.

"Ka inis ka. Hmmm, Jake. Paano na si Marisse?"

"I think babalik na siya sa kanila."

"Minahal mo ba si Marisse?"

"Akala ko." Ngumiti ni Jake. "akala ko si Marisse ang gusto ko pero ng binigyan kaming time to spend each other wala akong nararamdamang kakaiba like the way I've spent time with you. At ang sandaling naging boyfriend mo ako, hinahanap ko kay Marisse pero hindi ko nahanap sa kanya dahil ikaw lang mismo ang nagmamay-ari non. Sana naalala mo ang sandaling iyon."

    "Naalala ko na ang lahat Jake. Mahal na mahal kita." Sabi ko.

      "O, Ysa!" sabi niya tapos Hinalikan niya sa lips.

----------------------

After two months ng engagement party namin ni Jake, grand opening na sa branch ko sa Davao.

And after two months din, I'm officially Mrs. Salvador.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon