Part 12

942 14 0
                                    

        “Jake mauna na kami ha, ikaw na ang bahala sa matigas na ulo ng kapatid ko.” Sabi ni kuya kay Jake at narinig ko dahil medyo may kalakasan ang pagsabi niya. Ay, sinadya pala.

      “Kuya, narinig kita!” sigaw ko naman.

        “Anak mauna na kami and please hurry up kanina pa si Jake dito!” sigaw naman ng mommy ko. Tapos umalis na sila.

        “Yes mom! Ito kasing damit na pinasuot mo eh. Masikip.” sigaw ko naman pero hindi na narinig dahil nakaalis na sila.

      Ilang sandali ay bumaba na ako sa hagdan nag slow motion na parang isang princesa sa cartoons o di kaya nasa JS Prom.

      Tapos nakita ko si Jake in his tuxedo attire nakatayo sa living room at naghihintay sa aking pagbaba.

      Nag-smile siya sa akin para naman akong lumulutang sa hangin ng kanyang ngiti at ang puso ko’y kumakabog sa kanyang mga titig.
 
      Ng nasa baba na ako, kinuha niya ang aking kanang kamay at hinalikan niya ito. Tapos nag sasabing “Ang ganda mo, babe! I love you.” sabi niya at hinalikan niya ako sa lips. Goshhh... Nakakakilig.

       "Ysa, ang tagal mo namang bumaba. Ano ba ang iniisip mo diyan?" Sigaw ni Jake.

        "Huh?" Then natauhan ako.

         Tumingin ako sa paligid, hindi pa pala ako nakababa? Nasa unang step palang ako sa stairs. Imagination ko lang pala na hinalikan ako ni Jake
sa lips? Hay!

       Nagmadali akong bumaba baka mangyari din ang aking imagination.

       Ng nasa baba na ako, ang lapad ng aking ngiti habang titig kay Jake. Lumapit ako sa kanya.

      Ngumiti siya, "ang ganda mo ah!" Sabi niya at bumilis ang tibok ng aking puso. This is it, baka hahalikan na niya ako sa lips. Pinapout ko ang aking lips, pumikit ako at naghintay ng kanyang mga labi pero, “Let’s go!” ngiti nitong sabi sa akin.

       Pagmulat ko ay wala na siya sa aking harapan. "Kainis ah!" Bigla kong sabi at alam kong narinig niya pero nagpatuloy itong lumabas sa bahay. Nagmadali naman akong sumunod sa kanya.

       Ng nasa kanyang sasakyan na kami ay wala siyang imik hanggang dumating kami sa venue. Kaya pasulyap-sulyap na lang ako sa kanya habang nagdrive siya.

      Ilang sandali ay dumating na kami sa venue.

     Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at humawak na ako sa kanyang bisig.

       Ang gentle naman pa ng babe ko. Sana ganito siya palagi sa akin yung gentle siya, hindi nakasimangot, inalalayan niya ako kahit walang sakit, minamahal, hahalikan, papakasalan… Wait kasal? Pwede na rin. Nakakatuwa ang iniisip ko. May nalalaman ng kasal. Tumawa ako ng mahina.

        “Ano ang iniisip mo Ysa?” nakangiting sabi ni Jake sa akin.

       “Wala masaya lang ang puso ko ngayon.” Sabi ko at tumingin sa kanya.

       “Ikaw talaga.” Tumawa na rin si Jake.

        “Pasok na tayo.” Sabi ko sa kanya.

       Pagpasok namin, maraming matang nakatingin. May matang happy para sa amin, may matang nagtatanong at higit sa lahat may matang naiinggit. Paki ko, mata lang ng puso ko ang nakatingin, nakatingin lang kay Jake.

        Naggreet kami ni Jake nina Mr. & Mrs. Yuson. “Congratulations po on your 25th wedding anniversary”. Sabi ko sa kanila.

        “Thank you, ijah. I hope one day you'll both experience what we did now. You look good together.” Sabi ni Mrs. Yuson.

My Kuya's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon