Chapter 1

24.2K 403 42
                                    

Priapus POV

~Priority~

Pinahid ko ang pawisang noo gamit ang likuran ng aking kamay bago tinuko ito kasama ang isa ko pang kamay sa aking tuhod.

Habol ang hiningang pinagmasdan ko ang pag shoot ni Gramier ng bola sa kabilang ring bago tuluyang tumunog ang buzzer kasabay nang paghiwayan ng mga taong nasa loob ng coliseum.

Sumunod ang tilian ng mga babaeng manunuod at mga cheerleaders ay siyang pagngisi ko at nakipagkamayan sa aking mga ka team.

"Strategic!" Nakangising saad ni Morgan sa akin. Tinapik naman ako sa likod ni Lander.

"You okay?" Napailing-iling ako habang nakangisi sa kaniya.
Natatawa namang binatukan ni Titus si Lander.

"You sounds like a chick, moron!" tawanan ang muling namayani sa amin bago kami pinalinya kaharap ang kabilang team upang makipagkamayan.

Mas lalo lamang naghiwayan ang mga manunuod nang inanunsyo na ang paaralan namin bilang nanalo sa championship.

"La Salle! Go! Go! Go! La Salle!" The cheerleaders and the crowd from our school cheered.

"Sayang, ga-graduate na tayo," naiiling na wika ni Rickx.

Sinang-ayunan iyon ni coach na siyang kakatapos lang bumati sa amin. This is our last year here in De La Salle. Gusto ko rin naman sanang ipagpatuloy itong paglalaro ng basketball dahil sa alok sa akin ng isang PBA team ngunit naghihintay sa akin ang kompanya naming pamahalaan ko.

Dad is expecting me to take over the company here. I've been training for how many years para lang doon. Si Zephirus kasi ay tinake over ang naroong kompanya sa Amerika.

Pinalibutan ako ng aking mga ka-team. Katabi ko si coach sa aking kaliwa at hawak namin ang pinalonang trophy. Muling umingay ang loob ng coliseum. Matapos naming magpakuha ng litraro ay agad akong kinamayan ni coach.

"Sayang naman at last year niyo na rito. Nakakapanghinayang din at hindi mo tinanggap ang offer sa iyo."

Napailing-iling ako. Sayang naman talaga but I need to take over the company. Isa pa'y mas gusto kong magtrabaho kahit pa gusto ko ang paglalaro ng basketball.

"The company is important to me, coach. Alam mo naman iyong si Daddy," I said smirking. Napayuko ako noong mahina akong binatukan ni Angelus.

"Tama na iyang drama. Coach, hayaan na natin. Wala tayong magagawa riyan. Desidido sa pagpapatakbo ng kompanya 'yan."

"Coach, sa'n ba tayo ngayon?" sabat ni Titus na ngayon ay may kaakbay ng dalawang babae. Napailing si coach. Nginisihan ko na lamang si Titus.

Nagsimula kaming pumunta sa bleacher ng team. Kinuha ko ang tuwalyang nakapatong sa dala kong bag bago tinanggap ang pakikipagkamayan ng iilang professor naming nanunuod. Ang ilang la team ko ay nagpaalam na upang pumunta sa locker room.

"Good play, Priapus. Mukhang si Gramier na ngayon iyong magmamana ng posisyon mo sa court." Pinunasan ko ang aking mukha bago sinagot si Mr. Kalay.

"Thanks, Sir. I think too, Gramier has this potential." Ngumiti siya sa akin at tumango.

Ngunit alam ko ring pampalipas oras lang din ni Gramier ang pag ba-basketball. He has an interest in gadgets and decoding something on the computer. Kaya malabong basketball ang pipiliin nito sa huli.

I gathered my things when I heard Angelus called out my name.

"Pry, mag ba-bar daw tayo, mamayang gabi. Celebration lang." Tumango ako sa kaniya.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon