Chapter 18

7.2K 221 12
                                    

~Cravings~

Napatingin ako sa buong sala na halos mapuno na ng mga bulaklak. Si Manang Adela ay abala sa pag-uutos doon sa nag de-deliver ng mga bulaklak kung saan iyon ilalagay. Kanina'y sobrang kinikilig pa ako noong binigyan ako ni Priapus ng isang bouquet ng bulaklak. Dalawang oras pa lamang siyang umalis para pumunta sa kompanya. May meeting kasi siyang dadaluhan. Pero ngayon heto at nagulat na lamang kami ni Manang Adela.

"Last na ba 'yan, Manang?" Tanong ko kay Manang Adela nang makita siyang kinuha na ang huling bugkos ng mga bulaklak doon sa delivery boy. Sapo ko ang aking noo habang sinusundan ng tingin si Manang noong inilapag niya ang hawak doon sa center table.

"Oo, iyan na ang huli, nakung batang si Priapus iyon, sa tingin ko'y naubos na niyang lahat ng bulaklak sa flower shop na pinagbilhan niya ng mga ito," nakangiti ngunit nakailing-iling na sabi ni Manang Adela.

Napaupo ako sa sofa at inilibot ang tingin sa mga bulaklak. Sa tingin ko'y tama yata ang sinabi ni Manang Adela. He may be bought all the flowers on that flower shop.

Oh my goodness, Priapus!

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga, kasabay noon ay pagtunog ng telepono na kaagad pinuntahan ni Manang. Mukha nga yatang hindi niya alam kung paanong manligaw. Kasalanan ko rin naman kung bakit ganito.

Hindi ko dapat initiate ang ligaw na iyon.

Muli akong nagpakawala ng malalim na hininga noong marinig ko ang pagtawag ni Manang Adela sa akin.

"Hija, gusto ka raw makausap ng asawa mo."

My heart leaped from my ribcage when I heard what Manang Adela said. Hindi ko alam kung itatama ko ba ang paniniwalang iyon ni Manang. But then Priapus didn't even bother to correct her. Hinayaan ko na lamang iyon. Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reakayon ni Manang kapag nalaman niya ang totoo.

"Papunta na po."

Nang makarating ako sa kinaroroonan ni Manang ay kaagad niyang iniabot sa akin ang hawak na telepono.
Umiling-iling si Manang bago ako iniwan at pumunta sa kusina.

"Do you like the flowers?"

Muli akong huminga ng malalim bago siya sinagot.

"I love it, ngunit hindi mo naman kailangang bilhin yata lahat ng bulaklak na mayroon sa flower shop na binilhan mo," nakanguso kong sabi.

"Kahit isang tangkay lang ng bulaklak kong galing sa iyo ay sobrang saya ko na, Pry."

Siguro'y nahimigan nito ang hindi ko nagustuhang boses dahil sa kung anong nahulog sa sahig. Narinig ko rin yata ang pagpigil niya sa kaniyang paghinga bago maingat na pinakawalan iyon.

"I-I'm sorry... Masyado yatang sumobra. D-do you want me to get those flowers?"

Napailing-iling ako kahit hindi naman niya iyon nakikita. Nag-effort pa rin naman siya.

"No, it's okay. I think we still have an extra place for those flowers," I giggled. Damn! Minsan talaga na we-werdohan na ako sa pagpapalit-palit ng mood ko.

"Just finish your meeting there. I miss you already, and can you please buy me a lot of strawberries?" malambing kong sabi. Narinig ko ang paghalakhak niya sa kabilang linya.

"I miss you too. What else do you want?"

Agad na nagliwanag ang aking mukha sa kaniyang itinanong.

"No, I'm fine with the strawberries, a lot of green strawberries, okay?"

Buong araw ay nakaabang ako sa oras. I help Manang Adel with our dinner later but still checking out the time. Ayaw na naman sana ni Manang Adela na payagan ako ngunit hindi pa rin ako nagpapigil at inagaw iyong mga pinagagawa niya.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon