Chapter 25

8K 202 16
                                    

~Unexpected~

Nasanay akong naririnig ang mga magagandang opinion ng mga tao sa aking paligid maging ang pagiging kalmado dahil alam kong marami ang pumuprotekta sa akin noon.

Ni minsan ay hindi ako nakarinig ng ano mang panghuhusga sa kabila ng aking naging ugali noon sa iba. Dahil sa tingin ko'y kapag may pera ka at kahit pa ano ang iyong gawin ay mananatiling maganda ang imahe ng ibang tao sa iyo.

That's what I believe through my childhood and teenage year. Totoo palang kapag tumatanda ka ay umiiba ang iyong pananaw at paniniwala sa buhay. Because now, I realized that people will be nice when they are talking to you because they know you have money and power, but when you turned your back at them they talk nasty things towards you. Siguro kung pag-iisipan ng ilang libong beses, iyong mahihirap na tao ang may mas maraming tunay na kaibigan kaysa roon sa mga taong maraming pera.

At kung magkaroon man ako ng isang kahilingan ay hihilingin kong sana, ay naging mahirap na lamang kami. Iyong walang paki-alam ang mga tao sa mga ginagawa mo sa buhay. Iyong hindi sa lahat ng oras ay may nagbabantay sa iyo. Iyong hindi mo kailangang limitahan ang sariling galaw dahil marami ang naka-antabay sa gagawin mong masama.

It's already been two months and I did not dare go out to our house. Minsan ay kita ko ang pag-aalala kay Priapus but I'm convincing him that I'm fine to be here. Kahit alam niyang tungkol pa rin iyon sa isyung nailabas. Natatakot akong lumabas at baka marami lamang akong maririnig na mga usapan tungkol sa aming dalawa ni Priapus. Takot akong humarap sa mga tao, sa mga panghuhusga ng mga tao.

Ang tiyan ko ay malaki na rin at kitang-kita na buntis ako. I am three months and two weeks pregnant already. Lumalabas lamang ako tuwing linggo roon sa aking OB upang ma-monitor si baby at ang aking kalagayan.

Like Manang Adela, my OB didn't look at me like I'm expecting her to do towards us. Siguro ay hindi siya updated sa mga balita kaya normal pa rin ang pakikitungo niya sa akin. Or maybe she's being professional with her job kaya hindi lamang niya ipinapakita sa amin ang disgusto niya sa naging relasyon namin ni Priapus kung sakaling alam niya.

Like the other time, Chandely visited me when she's free from her work. Na halos makikita ko sa kaniyang mukha ang kasiyahan dahil pinaki-usapan niya si Priapus na siya ang sasama sa akin sa aking OB gyne ngayon. I want to ask her if she is really fond of babies, then why not get married and get pregnant. Hindi ko talaga alam ang mayroon silang dalawa ni Damien. But it's been so long since the two of them are dating each other. Ngunit ayaw ko nang manghimasok pa sa relasyon nilang dalawa. They seem fine and happy together. Kaya imbes na tanungin siya tungkol doon ay tumahimik na lamang ako.

"It's so tiny!" Chandely gushed, looking down at the monitor. She pointed to the monitor and said, "can you believe that's a baby?!"

Natawa na lamang din si Nesia na pangalan ng OB ko habang ginalaw-galaw muli ang nakalimutan ko ng pangalan na ginagamit niya upang makita pa ang ilang bahagi ng baby.

"It's only her third month; of course the baby is still tiny. Wait when it gets six up to eight months, mas makikita ninyo ng buo ang baby," nakangiting sabi niya sa amin.

Hindi rin kami masyadong nagtagal matapos niyang sabihing okay ang progress ng aking pagbubuntis. Like Nesia always did, she reminds me of the things that will help me and my baby stays healthy before we leave.

"Aren't you bored in your house? You know, you need to stop being paranoid sometimes, Ael. Hindi lahat ng tao ay mahirap paintindihin, minsan mayroong taong naiiintindhihan na ang sitwasyon bago pa man nila malaman iyon."

I blew a loud breath when Chandely started lecturing me again. Hawak ko ang aking tiyan at marahang hinihimas iyon. Pinanatili ko ang aking tingin sa harapan habang si Chandely ay panay ang sulyap sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon