Chapter 3

14.8K 306 5
                                    

~Destined~

Pinagmamasdan ko ang mukha ni Daddy habang nakikipag-usap ito sa kaniyang kumpare. Ninong iyon ni Zephirus.

Sumimsim ako sa hawak na basong may lamang Bloody Mary. Si Zephirus at si Gramier ay nanatiling nasa aking tabi rin habang isa-isa kaming pinapakilala ni Daddy sa mga bisita nito.

"Yeah, I trained Zephirus in our company here. But it's still different when it comes to our company in the US. Mas malalaki at mas marami ang investors na magagaling ang nanduon kumpara rito. Besides the people there are tricky and wise. He should be too," mahabang paliwanang nito habang nakangiti. Kita ko ang pagmamalaki sa kaniyang mga mata.

"Kaya nga ay napagplanuhan namin ni Ermenia na pumaroon muna sa US upang gabayan si Zephirus hanggang sa makapag-adjust siya at mapamahalaan ang kompanya ng maayos."

Bumaling ang matandang Reyes kay Zephirus at marahang tinapik ito sa kaniyang balikat. Tipid ang ngiting ibinalik ni Zephirus sa kaniya.

"I don't doubt it, kumpare. You have responsible sons. Alam kong malayo ang mararating nitong si Zephirus," aniya at agad na humalakhak.

"Kung maaari nga ay puwede ko siyang ipakilala sa aking anak. Eliza wants to see him in person," dagdag nito at muli silang tumawa ni Daddy.

"Sure, why not. Alam kong magiging komportable ang mga ito sa isa't-isa. I heard your daughter is also hardworking," sabat ni Daddy at may kinang sa mga mata niya.

Napailing na lamang si Zephirus at napatingin sa amin ni Gramier. Gramier is actually focused on his phone kaya mabilis niya ring binawi ang tingin dito. We have this celebration for Zephirus dahil kakagraduate niya lang.

"Oh, I have my fair share to my sons. I'm planning to give Priapus the company here. Ang totoo niyan ay nagsimula siyang nag-train noong pagtungtong niya ng college."

Bumaling si Mr. Reyes sa akin at ngumiti. Iyong isa pang ka-partner ni Daddy sa trabaho ay napatingin na rin sa akin.

"Oh, he's too young for that. But it's good that he's already had experiences." Tumango-tango si Daddy.

"Yeah. And I want also my youngest son to take over the real estate we had in Metro Manila. But I can sense he's not into it."

Tumawa ang isa pa nitong kasama.

"It's fine. Habang lumalaki ang mga iyan nagbabago rin ang interes."

Akmang magsasalita pa sana si Daddy noong marinig namin ang boses ni Aoife. She's wearing a cocktail dress. Kulay pink iyon.

Malapad na ngumiti si Daddy sa kaniya. At agad itong tinanong.

"What's the matter, Hija?"

Ngumuso si Aoife at nagpalipat-lipat ng tingin sa mga kasamahan ni Dad. The rest smiled at her. Hindi ko rin mapigilang hindi ngumiti.

She looks cute with her big innocent eyes. Tila may isusumbong ito na nahihiya lamang dahil sa may mga kasama kaming ibang tao.

"Dad?" She asked in a very small voice. Napatingin pa ako sa kamay niyang tila pinag-aaway nito ang mga daliri.

Nilapitan siya ni Daddy at marahang ginulo ang buhok. Sakto lamang na hindi masira ang maayos niyang buhok. Napailing na lamang ako at muling uminom sa aking baso nang magsalita siya.

"Uh... someone asked me for a date."

Halos mabilaukan ako sa narinig na hindi ko mapigilang mapamura. Mahina lamang iyon ngunit lihim pa rin akong siniko ni Zephirus.

Hindi na rin siguro narinig ng mga kasamahan ni Daddy dahil nagtawanan na ang mga ito.

Tinanong ni Daddy sa kaniya kung sino iyon. Nagdadalawang isip pa itong ituro ang lalaking hindi kalayuan sa amin at may kinakausap ding kaedad nito.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon