Chapter 19

6.5K 215 12
                                    

~Allergy~

Mugto ang aking mata at ramdam ko ang hapdi nito ngunit patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Masama ang aking tingin habang nakatingin kay Priapus na problemadong nakikipag-usap kay Mommy sa phone niya.

Ano ba naman ang paghingi ko ng crabs! Eh, sa gusto ko nga ng crabs! Ano ba ang mahirap intindihin do'n? Kaninang madaling araw pa ako hingi nang hingi pero ayaw akong bigyan. I even sent Chandely away when she arrived here and brought fish with her, instead! Eh, ayaw ko naman noon.

May pag-aalala sa mukha ni Priapus noong sinulyapan niya ako bago inilagay sa loud speaker ang phone niya at inabot ang damit niyang inilatag sa kama para suotin.

"Pry, baka naman puwede mong pagbigyan. Baka nawawala rin ang pagiging allergic niya since iyan ang gusto niyang kainin," narinig kong sabi ni Mommy sa kabilang linya.

Ang panibagong mainit na luha ay muling bumagsak sa aking mga mata. Mabuti pa si Mommy! Siguro kung nandoon ako ay pinagbigyan na niya akong kumain noon.

"But, Mom I don't want to take risk about that," seryosong sabi ni Priapus na muli akong hinagisan ng maingat na tingin. Mas lalo akong naiyak habang tinitingnan siya ng masama. Huminga siya ng malalim at binawi ang tingin sa akin bago inayos ang sarili sa harap ng salamin.

"Baka mas lalong mapaano iyan kung hindi mo pagbibigyan sa gusto. Just give it a try, Hijo."

Bumuga ng malalim na hininga si Priapus matapos niyang masuot ang damit na muling itinago ang magandang laman na proud pa niyang pinapakita yata sa akin, bago muling inabot ang phone. Ini-off na rin niya ang pagkaka-loudspeaker niyon.

Muli siyang huminga ng malalim na siguro'y napakahirap nang ipinapagawa sa kaniya ni Mommy.

"I can buy her flavoured crabs, instead..." mas lalong kumunot ang kaniyang noo habang pinapakinggan ng maigi si Mommy.

Gusto kong sigawan siya na ayaw ko nang ganoon! I want to eat a real one!
Matapos niyang ibaba ang phone ay muli siyang tumingin sa akin. He carefully looks at me while walking towards me.

Mas lalo akong ngumuso at tiningnan siya ng masama. I sniffed and saw my reflection in the mirror. Ang tungki ng ilong ko'y sobrang pula, maging ang gilid ng aking mga mata at ilang bahagi ng aking pisngi.

Noong makalapit si Priapus sa akin ay inabot niya ang aking kamay at marahang hinila ako patayo. Pilit kong binibigatan ang sarili ngunit nagtagumpay pa rin siya sa pagpapatayo sa akin.

He gently wipes away the fresh tears on my cheeks.

"Stop crying, please," he whispered gently. Akmang hahalikan ako nito sa aking noo ngunit agad akong lumayo sa kaniya. I saw a glint of hurt in his eyes when I did that. Mas lalo tuloy akong naiyak.

"It'll be bad for you and our baby, you don't want that, right?" mahinahong sabi niya bago ako muling inabot at idinikit sa matigas at malaki niyang katawan. His heat calmed me a little. Ngunit hindi niya nakakalma ang gusto ko na ayaw niyang ibigay sa akin.

"You don't want that, either, right? So why not just give me crabs-"

Noong makita ang protesta sa kaniyang mukha ay agad na akong nagsalita bago pa niya ako maunahan. New tears roll down my cheeks.

"Please, Pry. I'm craving crabs. I think I will die if I can't eat crabs. Gusto ko po ng crabs, please, please, please po," I desperately said. I saw how his face softens.

Umigting ang kaniyang panga noong mas lalo akong umiyak.

"Baby, please. Listen to me okay? You can't eat crabs, baby," pang-aalo niya sa akin. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at kaagad na niyakap ng mahigpit noong akmang kakalas ako mula sa kaniya.
Hinagod niya ang aking likuran at sunod-sunod na hinalikan ang aking ulo.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon