Chapter 6

11.3K 272 32
                                    

~Excited~


Nakakunot ang aking noo habang hinintay ang mga gustong sabihin ni Angelus sa akin. And the bastard looks like taking his time. Dammit! Mag-isa lamang doon sa aming bahay si Aoife. And whatever happens to her will be the death of me! Pumayag lang naman akong makipagkita sa lalaking ito dahil may pinapabili sa akin si Aoife na gusto niyang kainin.

"Wala na bang mas bibilis diyan, Angelus?" I asked while trying to calm down. Siya nama'y inosente akong tiningnan habang iniisa-isa ang dalang mga papeles. He called me to sign some of the papers that have been related to the case I gave to him. Siya rin ang tumulong noon na ipakulong si Titus dahil sa pag-rape niya kay Sereya. That bastard! We know that we're friends but then may kasalanan pa rin siya. Pumayag din naman itong ipakulong siya.

Napahilot ako sa aking sentido noong tumagal pa lalo ang paghahalungkat niya sa kaniyang mga dalang papel. Kung hindi ko lamang siya kailangan ay na sapak ko na ito.

"Finally, nakita ko rin," he said while blowing air. Inilatag niya iyon sa mesa bago sumimsim ng kaniyang rum.

"Para ba saan ito?" Nakakunot noo kong tanong. Nagkibit siya ng balikat bago muking nagsalin ng kaniyang inumin.

"You want some?" Napatiim-bagang akong umiling noong inalok niya ako nang iniinom na rum. I can't fucking drink. My baby is waiting for me to come home early. And thanks to this bastard here!

"Pry, relax. Walang masamang mangyari kay Aeliana roon kung iniwan mo man ng ilang oras. Calm down. You look like a sick old maid," natatawang sabi niya bago muling tinungga ang iniinom.

Mas lalong humigpit ang pagtim ng aking panga. I gritted my teeth in annoyance. Fuck you, Angelus!

Masama ko siyang tiningnan na ikinangisi niya lamang bago muling inasikaso ang mga dala niyang mga papel.

"This will be our agreement that you are my client under Aeliana's case. Nakapagpirma na si Mr. Arientous, finally. Hindi rin naman siya napapayag ni Vin. But I know that bastard will do everything para mabulilyaso ito. You know him, Pry. We know him."

Napailing-iling ako.

"We know him. But you know me too," maanghang kong sabi na ikinabuntong hininga niya.

"Okay, all you have to do is to convince your parents to sign this. Kung walang problema at kapag pumayag naman sila hindi na tayo pupunta pa sa hukom nito. Sana lang ay alam na ito ng mga pinsan mo at iyong malalapit sa inyo para hindi na magtaka."

"I'm sure some of them already know."

Tumango-tango siya bago inabot ang hawak na ballpen at iyong mga papel na ipinalabas niya.

"Kailangan din ang pirma ni Aeliana. So as soon as possible na i-settle na dapat ang problema, Pry. Ang maaapektuhan dito ay ang iyong magulang at lalong-lalo na rin si Aeliana."

Napabuntong hininga ako matapos magpirma at muling inabot iyon sa kaniya.

My Aoife is strong. I know she will be ready about this and the changes for her. And she loves me. Alam kong makakaya niya ito. And besides, I am here for her. Sisiguraduhin kong magiging maayos ang lahat. Sisiguraduhin ko ring sa akin pa rin ang huling bagsak niya. She's my life from the very start and I can't let anyone take my life away from me.

Matapos ang pakikipag-usap ko kay Angelus ay dumiretso na ako sa isang parlor ice cream na kilala rito sa Batangas. She said she wants a durian ice cream. Siguro ay naglilihi na ito sa mga pagkain. And I hope her health and her pregnancy will be alright. Hindi ko lamang alam pero napaparanoid ako sa kaniyang kalagayan. Bumili na rin ako ng ilan pang mga flavours ng ice cream. Baka gusto niya rin iyon. In the end, I bought every available flavour in that shop. Mas mabuti na iyong sigurado. I just can feel that she will crave for more.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon