Chapter 12

10.4K 268 11
                                    

~Insatiable~

Hindi ko alam kung kailan ako nakatulog habang bumibiyahe kami pabalik ng Batangas. Hindi ko rin kasi inaasahang pumayag sina Daddy at Mommy na dumito kaming dalawa ni Priapus. I was actually shock by their decision.

Nagising ako noong maramdaman ko ang marahang pagtapik ng isang mainit na bagay sa aking pisngi. Sa aking pagmulat ay kaagad kong nakita ang namumungay na mata ni Priapus habang nakatingin sa akin. Umahon ako mula sa pagkakahiga sa naka-incline na upuan ng sasakyan habang ang mga kamay niya'y hawak ang akin. In-adjust din nito ang nakatabong katawan niya mula sa akin.

Noong makaupo ako ng maayos ay muli siyang lumapit sa akin at dinampian ng isang marahang halik ang aking pisngi na dahilan kung bakit parang nagsigulo ang mga paru-parong naroon sa aking tiyan. Ang aking puso ay tila ay may humaplos na kung anong mainit na siyang mas lalong lumakas ang pagkakatibok.

Hindi ko alam kung kailan ako masasanay na ganito siya maging ang paraan ng kaniyang pagkakatitig sa akin ay halos manginig ang tuhod ko. Ngunit sa tingin ko'y kahit kailan ay hindi ako masasanay sa intensidad niyang mga titig.

"We're here," he gently said.
Pinutol ko ang aming pagtititgan sa pamamagitan ng paggala ko ng aking paningin upang pagmasdan ang pamilyar na paligid. Kinusot ang aking mata at muling ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Are you hungry? Bumili ako kanina sa drive-thru," he huskily whispered before nuzzled the side of my cheeks. Ang mainit niyang hininga'y lumatag sa aking pisngi't kumalat sa aking tainga't leeg na siyang nagpakiliti sa akin.

Noong tumango ako ay iginiya na niya ako patungo sa loob ng aming bahay. Kahit dalawang araw at isang gabi lamang kaming nawala rito ay para pa rin akong nanibago na tila ay kay tagal na noong muli kaming gumawi rito.

Matapos kumain ay muli akong pinagpahinga ni Priapus, maging siyang tinabihan ako sa aking paghiga. Hindi ko alam kung talaga bang masyado lamang akong napagod sa mga nakaraang araw at noong magising ulit ako ay madilim na ang paligid. Si Priapus ay wala na sa aking tabi.

I decided to take a bath just for me to refresh my body and mind. Natagalan pa ako lalo dahil sa marahang paghaplos sa flat ko pa ring tiyan. Still, thinking if I am going to be a good mother. On the other hand, our relationship will be happy in the end too?

Sa aking paglabas sa banyo kasabay noong pag lubid sa aking beywan noong tanging suot na roba ay siyang paglantad sa akin ng bago ring ligong si Priapus.

Napanguso ako noong mapagtantong baka naligo ito roon sa extrang banyo sa ibaba. He does not have any shirt on his upper body. The ripped muscles on his forearms to his biceps, through his neck and chest, down to the prevailing well-sculpted solid arts of those abdominal muscles through to his deep carved V- line makes my heart hammered in my chest hardly. Dagdagan pa noong mga ugat na hitik na lumalabas sa kaniyang mga balikat at leeg maging ang braso papunta sa V-line niyang tila inukit ng maayos ay mayroon din.

Mabilis kong naligaw ang atensyon sa pagnanasa sa kaniya noong may maamoy na tila masarap na pagkain. Kaagad kong hinanap iyon kung saan ay nakalatag na sa isang bed tray sa gitna ng kama.

I do not know why, but I immediately feel hungry when I saw the foods. Makikitang bago pa talaga iyon sapagkat kita ko ang manipis na usok mula sa mga nakahain. Noong bumalik ang aking tingin kay Priapus ay kita kaagad ang ngisi niya na tila kontento sa namamangha kong mukha.

"Let's eat, baby," he said while motioning me to come closer to him. Ngumuso ako't lumapit sa kaniya. Trying to focus on the foods that have been served on the bed tray and not on the food that almost desired with lust.
Matapos ang tahimik na pagkain ay nag presinta itong siya na ang magliligpit.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon