Chapter 23

7.5K 217 12
                                    

~Judgments~

The days passed like a blur. Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mabigat kong kasalanang nagawa, pakiramdam ko ay masyado akong bless sa mga taong nakapalibot sa akin.

The past two days with my biological father is amazing. Nalaman ko sa kaniya kung anong klaseng tao ang tunay kong ina. And I know that my mother is a good person when I first saw her in the picture. May sarili rin pala akong silid dito sa bahay ni Papa. He said that he and Vinnight spend their time decorating that room.

Naisip ko nga ring lagyan pa iyon ng iilang detalye para maging may buhay tingnan. But then I'm already falling in love with the room because Papa and Vinnight put a very classy chandelier there. Masyadong maganda iyon na kung matutulog na ako'y iyon ang huli kong tinititigan.

Matapos ang araw na ipinangako ko lamang kay Priapus ay hinatid na ako ni Vinnight sa bahay. Hindi ko rin masasabing maayos na si Priapus at Vinnight dahil medyo hindi ko rin sila nakikitang nag-uusap na dalawa kapag bumibisita si Priapus sa akin doon kina Papa.

But I'm hoping that someday they'll be friends again. And I'm trying everything to make it right with the people around me.

Ginagawa ko ang lahat na makabawi sa lahat ng mga pagkukulang ko sa totoo kong pamilya. Kahit medyo busy din ako dahil sa nalalapit na kasal ni Kuya Zephirus. Sinisigurado kong may oras akong bumisita kay Papa.

Noong matapos kaming magpasukat ng aking damit dahil isa ako sa mga bride's maid sa kasal ni Kuya ay nagpresinta rin akong tumulong sa pag- aasikaso ng venue para sa reception ng kasal. Ngunit tulad nga nang naiisip ko, hindi nila ako pinayagan. But then sinubukan ko pa ring kumbinsihin si Kuya Zephirus at Priapus.

They agreed. Ngunit iniligay lamang ako sa hindi mabigat na trabaho.
Ang pagiging busy ko'y medyo nakakatulong na maging maayos ang mga nararamdaman ko sa pagbubuntis.

Dahil kapag hindi ko inabala ang sarili'y sigurado akong marami na naman akong maiisip na lalong magpapa-stress sa akin. I'm still craving food and throwing up, there's also a time that I'm having my mood swing. Kadalasang napupuruhan ay si Priapus na mukhang na a-amuse pa nga lagi.

"Pupunta din naman kami ulit sa OB pagkatapos ng kasal ni Kuya Zephirus," I said informing Chandely while she's busy combing my hair.

Ako nama'y nakaharap sa naroong vanity mirror. Chandely decided to have a sleep over here since kakatapos lang ng trabaho niya roon sa Batangas kasalukuyang nasa silid ko kami ngayon.

Ngumuso si Chan sa repleksyon namin sa salamin. Ilang beses na niyang sinasabi na pupunta na raw ako sa OB dahil gusto na niyang makita kung gaano na kalaki ang baby sa loob ng tiyan ko. Since halata na ang baby bump ko.

"Basta ba bibigyan mo ako ng sonogram kapag hindi ako nakasama, ha?"

I giggled and give her a nod immediately. Mukhang siya pa itong atat na makita kung ano na ang baby sa loob ng tiyan ko.

"Sa makalawa na ang kasal ni Zephirus. Gusto ko nang makita ang bride niya, ikaw ba nakita mo na?"
Agad akong umiling. Sa picture ko pa lamang na kita ang mapapangasawa ni Kuya Zephirus.

"Really? Wow! Mas lalo tuloy akong na- curious sa kaniya. Ano sa palagay mo, mabait kaya?"

I shrugged. Hindi ko naman nakakausap pa pero mukhang okay naman siya kung pagbabasehan doon sa picture niya na nakita ko.

"Sa tingin ko mukhang okay naman." Tumango-tango si Chandely at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa aking buhok.

"Matulog na tayo? Baka mamaya pasukin na naman tayo rito ni Priapus. Halata ko naman na ayaw niyang hindi ka katabi. He's been scowling at me, you know, kahit pa hindi niya pinapaalam na ako ang dahilan kung bakit ganoon ang mukha niya, " saad ni Chandely at ginaya pa ang mukha ni Priapus.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon