Chapter 16

7.2K 210 4
                                    

~Doubts~

Parang biglang sumakit ang ulo ko sa nalaman noong tanungin si Manang Adela tungkol doon sa binanggit niyang babaeng dinala ni Priapus dito sa Batangas. Not really here in this house but in this place.

Matapos magpaalam at umalis si Chandely ay kaagad na may pumasok sa aking isipan na nakaligtaan ko. Kaya noong maalala ay kaagad ko nang tinanong si Manang Adela.

"You mean, Orieah ang pangalan ng babae?"

Tumango-tango si Manang habang nakakunot ang kaniyang noo.

"Kilala mo ba iyon? Ay, siguro oo. Pero huwag kang mag-alala, Hija. Base naman sa mukha noon niyang si Priapus ay walang-wala naman iyon kumpara sa kung paano tumingin itong asawa mo ngayon sa'yo," pagkukumpirma nito.

Huminga ako ng malalim at pilit na iwinawaglit sa isip iyon. Matagal na siguro iyon at nakaraan na rin. I shouldn't stress myself just because of that. I don't want to risk the health of my baby.

Alas otso ng gabi nang tumawag si Priapus na hindi siya makakauwi dahil marami siyang tatapusin. Bigla tuloy akong kinabahan at agad pumasok sa aking isipan ang mga posibleng rason kung bakit.

"Aoife, are you okay?" Kinagat ko ang ibabang labi at pumikit ng mariin bago siya sinagot.

"Yeah, don't worry about me. Okay lang kami rito," malumanay na saad ko sa kaniya. Ngunit ang mga posibilidad na maaaring mangyari ay parang lason na kumakalat na sa aking sistema at bumabaha sa utak ko.

What if Orieah is there? Paano kung magkasama sila ngayon kaya hindi makakauwi si Priapus?

I know Orieah, she will do everything to have a man that she wants. And I know that she's obsessed with him.

With my Priapus.

"I'll try to finish everything so I can go home tomorrow, okay? Don't stress yourself, baby," he huskily said.

Kahit anong pilit kong pagtataboy sa aking mga iniisip ay bumabalik din kaagad iyon. I just want to be stree free as I can! May tiwala rin naman ako kay Priapus!

"Okay, good night, Pry," mahinahon kong sambit sa kaniya. Narinig ko ang mabigat niyang hininga bago muling nagsalita.

"Okay, good night."

Matapos iyon ay kaagad niya nang pinatay ang tawag. I feel something cold inside my stomach and a pinch in my heart. Hindi naman siguro mangyayari ang mga iniisip ko hindi ba? Maybe I'm just making things complicated. Ganito talaga siguro kapag buntis.

Matapos kung kumain ng dinner ay agad na akong pinagpahinga ni Manang Adela. I'm trying to help her do with the dishes and even convincing her but she didn't let me.

"Naku, huwag na at magpahinga ka na lamang. Gabi na rin at ako ng bahala rito."

Hindi ko rin naman siya nakumbinsi. Alam kong mangyayari rin ito ngayon sa akin. I can't sleep! Halos dalawang oras na ang nakakaraan at nanatiling gising ako. My negative thoughts are bothering me so much. At hindi ko rin ipagkakailang hinahanap ko ang init ni Priapus. I want his body heat embracing mine.

Ilang posisyon na rin ang ginagawa ko para lamang makatulog. Ngunit talagang hindi ako dinalaw ng antok. I even make myself a milk but still no use.

Lalo lamang lumilikot ang pag-iisip ko sa bawat pagpikit ko ng aking mga mata.

I already miss him! I don't know if I'm just getting paranoid. Ngunit parang gusto kung sundan siya roon sa Manila. Ilang beses ko na ring pinagsabihan ang aking sarili.

I don't want to be a brat or persistent over the things I want. Naalala ko noong lagi akong pinagbibigyan ng mga tao sa bahay. Kung hindi masusunod ang gusto ko'y umiiyak kaagad ako. I admit that I'm so spoiled and a brat at that time. And when I started giving names to my feelings towards Priapus it gives me a scene of every possible thing.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon