Chapter 29

7.9K 220 16
                                    

~Succumb~

Tulala akong pinagmamasdan ang suot kong singsing na mismong parang na isukat ko na iyon bago pa bilhin. It's shining and I still can't forget the feeling when Priapus slid this into my finger. Inaasam ko mang maikasal kaming dalawa ngunit hindi ko ini-expect na yayayain niya na akong papakasalan siya sa ganitong panahon.

Iba pa rin ang pakiramdama na mismong nangyayari ito sa iyo. Para pa rin akong nakalutang at halos iba't-ibang imahe na ng future namin ang nakikita ko sa aking utak. I just can't believe that he really did want to marry me!

I heard Chandely giggles behind my back. Doon lamang ako natauhan at kaagad na iniwas ang tingin doon sa singsing. Ang unang nakapansin nitong singsing ay si Mommy noong magising ako at mismong kakalabas ko lamang ng aming silid noon ng umaga noong marinig ko ang biglang pagsigaw niya.

Ang akala ko nga noong una ay kung ano na ang nangyari. Nagambala pa si Daddy at Priapus noon na sa huli ay umiiyak itong niyakap ako at si Priapus bago inangat ang aking kamay kung saan naroon ang singsing.

Tuloy ay ang paghahanda ni Mommy sa aking panganganak ay nadagdagan sa paghahanda sa kasal namin ni Priapus. I tried to stop her and just focus first on the baby but Mommy insist at kailangan ay magpapakasal na kami ni Priapus pagkatapos kong manganak.

"Parang hindi ka pa rin makapaniwalang may suot ka ng singsing at malapit ng ikasal, ah," Chandely said teasingly.

Napatingin ako sa kaniya at ngumuso bago marahang hinaplos ang aking tiyan noong maramdaman muli ang pagsipa sa aking tiyan.

Priapus went to his meeting. Kung hindi ko pa kinumbinsi na narito naman si Mommy at kasama ko rin si Chandely ay hindi sana ito dadalo. He's being tighter these days, lalo na at nasa ika-siyam na buwan ko na.

Hinihintay na lamang namin kung kailan ako eksaktong manganganak.

"You'll know when you're in my place, you know."

Ako naman ito ngayon ang napatawa noong tumahimik siya at ngumuso.

"Nah, I'm sure I'll handle it," she said shrugging. Napanguso ako at nagkibit na rin ng balikat bago siya nginisihan.

"Okay, sabi mo eh," natatawang sabi ko na ikinanguso na lamang niya. Kinuha ko sa kaniya ang Cheetos nito at inumpisahang kumain doon noong muli ko siyang kinausap. Tutal naman ang sabi ng OB gyne sa akin ay mas maigi kung maglakad-lakad ako para kahait papaano ay makakabuti iyon kung sakaling manganak ako.

"Chan, what if we take a walk? Hindi naman tayo lalayo, isa pa ay makakabuti raw iyon sa akin."

Mula sa telebisyon ay inilipat niya ang paningin sa akin. Hindi rin naman mainit at sa tingin ko'y malapit nang mag-ala singko ng hapon. Kanina pa kami rito at medyo na bo-bored na rin naman ako. Nakakasawa na rin namang panoorin iyong Adventure Time. Noong bata ako ay iyon na ang isa sa mga pinapanood ko, hanggsng ngayon ba naman na magka-baby na rin ako?

"Baka magalit niyan si Priapus kapag nalaman niyang lumabas ka."

Mabilis akong umiling at ngumuso sa kaniya.

"Please? Kasama naman kita at magpapa-alam din naman tayo kay Mommy. Saglit lang naman tayo," I said pleading.

Ilang segundo pa itong nag-isip bago huminga ng malalim at tumango. I smiled widely towards her. Nag-ayos lamang ako ng sarili bago kami nagpaalam kay Mommy.

Si Mommy ay agad naman kaming pinahintulutan. Isa pa ay okay sa aking maglakad-lakad at lumabas na. Kahit pa ayaw ni Priapus. Isa pa ay kaya ko na ring harapin at hindi magpapa- apekto sa kung ano mang negatibong panghuhusga ng ibang tao.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon