Chapter 15

7.8K 209 12
                                    

~Visit~

Halos sumakit na ang aking mata sa kaka-irap. Manang Adela now calling me again for I don't know how many times already! Wala pa akong phone dahil hindi ko alam kung nasaan na ang phone kong iyon. Now, there's another call from the telephone. Every minute!

"Hija, naku't kailangan mo nang sagutin ang telepono't babalik ng wala sa oras dito ang asawa mo kapag hindi mo pa kinausap," natatarantang sabi ni Manang noong umakyat papunta sa aming silid. Kung hindi lamang ako naaawa sa matanda ay talagang hindi ko sasagutin ang tawag niya.

Isang oras lamang ang nakakalipas noong makapag-usap kami at itinanong kung kamusta ang aking pakiramdam. He's being paranoid again.

I'm just tired, that's why I passed out yesterday. Tumawag rin naman siya kaagad sa ina-sign niyang OB ko. Mabibigat ang aking mga hakbang pababa ng hagdan. Agad naman akong sinundan ni Manang.

Urgh! Kahit si Manang ay nahawaan na rin ng pagka-paranoid ni Priapus. Kung maka-alalay naman kasi sa akin sa hagdan ay para akong disabled nito.

Umirap pa ako ng isang beses bago sinagot ang telepono.

"What?!" Gusto ko mang pakalmahin ang aking sarili ay hindi ko na nagawa pang pigilan ang pagka-irita ko.

I know I love being on his mind but this is not what I'm talking about! Parang hindi rin naman siya nag trabaho roon kung minu-minuto'y tumatawag ito rito!

"Damn! What happened to you, Aoife? Masama ba ang pakiramdam mo? Why are you not talking to me! Dammit! Kanina pa ako tumatawag!" Frustrated na sabi nito.

Napahawak ako sa aking sentido. Oh shit! Gusto kong mainis ngunit natatawa na lamang ako sa tuno ng boses ni Priapus. He sounds like a nagging mother!

Huminga ako ng malalim at tumikhim upang itaboy ang pagtawa.

"Pry, I'm fine. Okay? Bakit hindi ka na lamang magtrabaho riyan. Then, you won't notice it's time for you to go back with me later? Mmm?" Malambing na sabi ko rito. Mabibigat na hininga ang naririnig ko sa kabilang linya, tila pinapakalma nito ang sarili bago nagsalita.

"I'm sorry... fine. I'll see you later, I love you," mahinang bulong nito. Napailing na lamang ako't napangiti. Hindi pinansin iyong muling pagtibok ng mabilis ng aking puso na siya lamang ang nakakagawa.

"Ingat ka, I love you," masayang saad ko sa kaniya at agad nang pinatay ang tawag.

Napabuga ako ng hangin at napatingin sa ngayo'y nakailing na si Manang Adela.

"Sa itaas lang ako, Manang."
Ngumiting tumango-tango ito.

"Sige at dito lamang ako. Kung may kailangan ka'y tawagin mo lang ako."
Tumango ako at tinungo na ang hagdan. Ngunit bago ko pa magawa iyon ay kaagad nang tumunog ang doorbell.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Manang. Ngunit kaagad din siyang nagsabing siya na ang magbubukas niyon.

Sumunod na lamang din ako dahil masyado akong na-curious kung sino iyon. Hindi naman iyon si Priapus hindi ba?

Saktong pagsilip ko pa lamang sa pinto ay kaagad na akong binungad ni Chandely ng isang magiliw na tili at mahigpit na yakap noong makalapit sa akin.

"Oh my God! Aeliana!" Naiiyak na sabi niya bago ako hinampas ng mahina sa aking braso.

"Kung hindi ka lang talaga buntis ay sinabunutan na kitang babae ka!"

Nakabusangot ang kaniyang mukha habang inaalis ang luhang naroon.

"I'm sorry, h-how did you get here? I-I mean... how are you?" Halos hindi ako makahanap ng salita. I'm too surprised to see her here!

"Paano mo nalaman ang bahay?" Tanong ko kahit na masyado na akong distracted sa aking nararamdaman dahil nandito siya. Marami akong gustong itanong atsaka sabihin sa kaniya.
It feels like forever since I found a girl bestfriend! Iba pa rin ang ganito kaysa naman sa kasama ko lamang at kausap si Priapus.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon