Chapter 28

7.7K 211 13
                                    

~Official~

Hindi ko alam kung kailan ako naging panatag ng ganito. Mas unti-unting gumagaan ang mga mabibigat na nakadagan sa aking dibdib. I've been blessed with a man, our soon-to-be-born baby, family, and friends. At wala na akong mahihiling pa roon.

Matapos nang pag-uusap namin ni Chaos noon ay muli rin naman kaming nagka-usap sa phone. Natagpuang nag-kausap sila ni Chandely na ako ang kasama ni Chan kaya nakapag-usap kami.

Masaya ako at kahit papaano'y nararamdaman kong sinusubukan ni Chaos na maging maayos kaming dalawa.

Sa aking ikawalong buwan ng pagbubuntis masyado lamang akong nahihirapan sa pagkilos. Lalo na at masyadong malikot na ang baby sa loob ng tiyan ko. Sina Mommy at Daddy kasama na rin si Papa ay kinumbinsi si Priapus na doon na lamang kami mamamalagi sa bahay na narito sa Manila para kahit papaano ay mayroong mag-aasikaso sa akin.

Noong una ay parang ayaw pa ni Priapus ngunit pumayag na rin siya. Ngunit ang kapalit naman noon ay ang doon na lamang niya dinala ang mga gawain sa kompanya roon sa dati niyang silid. Ang study room kasi ay inuukupa ngayon ni Daddy sa mga ginagawa nito. Ang aking silid naman na narito sa bahay ang napagdesisyunan ni Priapus na dumito kaming dalawa na sinang-ayunan ko na rin.

Naiintindihan ko namang masyadong nag-aalala lamang si Priapus sa aking kalagayan ngunit masyado naman siyang paranoid tungkol doon. Ngunit hindi pa rin siya nagpatalo na mananatili siya rito hanggat hindi ako nanganganak.

Si Kuya Zephirus and Aerith ay bumalik doon sa US. Si Mommy at Daddy naman ay 'tsaka na lamang daw babalik kapag nakita na niya ang baby. Samantalang si Kuya Gramier naman naroon pa rin sa ibang bansa dahil sa mga seminars at mga deals na mayroon siya.

Napakagat ako ng ibabang labi dahil sa muling pagsipa ng baby sa aking tiyan. Sinubukan kung kalmahin ang sarili dahil sa medyo masakit iyon. Mas active ito kapag gabi kaya minsan ay hindi ako nakakatulog ng maayos.

"Moving again?" I heard Priapus's excited voice as he exited the walk-in closet. Mabilis niyang sinuot ang T-shirt at kaagad na marahang sumampa sa kama papunta sa aking tabi.

Kita ko sa mukha niya ang kasiyahan noong dumungaw siya sa malaking tiyan ko at marahang hinaplos at pinapakiramdaman iyon. We both decided that the gender of our baby should be surprise. Kaya hindi na namin inalam kung babae o lalaki.

"You are excited to go out, aren't you, little fella?" he softly cooed with his husky voice. Muling sumipa ang baby sa loob ng aking tiyan na ikinahalakhak ni Priapus.

The sight of him was melting my heart. Kitang-kita na excited na talaga siyang makita ang baby namin.

"Don't get too hyper, baby. Huwag mo masyadong pahirapan ang Mommy," muling sabi niya.

I giggled and brush Priapus' hair using my fingers as he leans forward to kiss my stomach. Pagtapos noon ay umad-just ito upang muling magka-level ang aming mukha bago ako hinalikan sa aking noo.

"Are you okay?" marahang sabi nito habang inaalis niya ang ilang hibla ng aking buhok sa aking mukha at marahang hinaplos ang aking buhok pagkatapos.

Dahan-dahan akong tumango at ngumiti sa kaniya. Ngumiti rin ito sa akin nang sumagot ako bago dahan-dahang lumapit sa akin para mahalikan ako.

The kiss is slow and sweet until it became sloppy yet still sweet. Ang pakiramdam ko sa bawat paghalik namin ni Priapus ay parang unang halik lang ulit na nangyari sa amin noon. And that kiss will never be forgotten. My heart beats faster. Ang mumunting kuryente ay mas mabilis na dumaloy sa aking kalamnan dulot ng mainit niyang balat na dumadampi sa akin.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon