Chapter 11

9.6K 249 14
                                    

~Mother~

Aeliana POV:


I feel so touch to see how Priapus fights for our love to our family. Hindi ko mapigilang huwag umiyak. Nadudurog ang aking puso noong makita siyang pinagtutulungan ng mga pinsan namin- pinsan niya.

But then he didn't budge even once. Hindi ko siya nakikitaan ng pagsuko.

I wanted to shout them to stop. Ngunit noong makita ang parang apoy na determinasyon sa kaniyang mga mata ay wala na akong nagawa kung hindi ay umiyak na lamang.

I even scolded myself not to cry! Mag-aalala lamang si Priapus sa akin. My OB told me not to stress myself. Kaya ginagawa ko naman ang lahat na maging mapanatag lang. Sa bawat pagsagutan nila ay hindi ko mapigilang hindi mapatalon, magulat at mapaigtad. Si Mommy ay katulad ko ring umiiyak habang narito lamang sa aking tabi.

Hinid na rin naman ako galit sa ginawa nila. Naiintindihan ko rin naman. Besides I feel the love with them. Hindi naman ako nagsisisi na lumaki ako sa pamilyang ito. I love this family. Ngunit minsan ay hindi ko rin maiwasang hindi ma-curious sa totoong pamilya ko.

And the fact that... Vinnight already knows the truth! Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw ko mang magalit sa kaniya ngunit nagagalit ako. Kahit alam kong noon pa man ay ako na itong nag i-initiate na lapitan niya ako. Now I understand why he keeps sending me away every time I'm showing my motives towards him. Because we are the real siblings! Alam kong mas malaki ang kasalanan ko dahil kahit pinapalayo na niya ako at pinapakitaan ng wala siyang interes ay hindi ko man lamang pinansin iyon.

Hindi ko pa rin maiwasang mandiri sa sarili. I had sex with my... real brother! Twice!

My god! I feel horrible!

Natatakot akong baka mandiri sa akin si Priapus. Mag-iba ang kaniyang pananaw sa akin! Hindi ko rin maiwasang isiping baka nag-aalala lamang siya sa akin dahil buntis ako sa kaniyang anak.

He even told me the truth that he doesn't have any child with another woman. Ako lang daw.

Kaya umaasa akong sana ay matapos na ito, sana ay payagan na kami. Sana ay maintindihan nilang mahal namin ang isa't-isa.

Mas lalo lamang akong naiyak noong nakita kong sinugod siya ni Thence at sinuntok. Gusto kong pumunta roon para awatin na sila noong marinig ko ang hagulgol ni Mommy habang nagsasalita. Sinisisi nya ang sarili dahil sa ginawa niyang pagkuha sa akin. Gusto kong lapitan si Mommy para sabihing hindi ako nagagalit sa kaniya noong marinig ko ang pagalit at hirap na boses ni Priapus.

Napatingin kaming lahat sa kaniya. Puro galos na ang mukha niya at yukot ang damit niya pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha dahil kahit ganoon ay guwapo pa rin siya. Alam kong hindi dapat iyon ang iniisip ko ngunit hindi ko naman maiwasan.

Halos sobrang bigat ng aking dibdib noong marinig ang mga pinagsasabi ni Priapus. Kahit sa akin ay hindi pa niya sinasabi iyon. He's speaking his feeling in front of us.
Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ngunit nanatili ako sa aking kinatatayuan. Pinaglalaruan ang laylayan ng aking damit para kahit papaano'y maibsan ang tension at halo-halong nararamdaman ko.

Mas lalo akong naiyak noong tumingin si Priapus kay Daddy habang sinabing wala na siyang pakialam pa kung ano ang sasabihin ng mga tao. Na hinihingi lang namin ay ang kanilang suporta at basbas. Na totoo naman.

Pumikit si Priapus ng mariin na tila pinapakalma pa ng mabuti ang kaniyang sarili. Sa kaniyang pagmulat ay kumabog ng husto ang aking puso noong magtama ang aming mga paningin. I saw how his eyes soften and relaxed. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang mapahikbi.

SMS 1: Eros' Allurement (Book 2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon