Kapag nasa relasyon ka dalawa lang ung pwede niyong patunguhan, stay or breakup. Kayo or hindi?
Well, hindi naman pwedeng mag date na lang kayo forever! Puro bolahan na lang ba? Pabebe moves?
Kung kayo siyempre magpapakasal kayo. Kung hindi kayo magpapakasal, maghihiwalay kayo. At kung hindi kayo maghihiwalay, edi magpapakasal kayo. Ganern.
Two options lang mga bes.
Ang relationship para lang naman yang sinulid. Gaano man kahaba, may hangganan pa din. Either breaking up or getting married.
Dalawang options at dalawa din ang pwede nating maramdaman. Masasaktan tayo o sasaya tayo?
Break up pain- ito yung pakiramdam na kasumpa sumpa! Yung ayaw mo nang maranasan at maramdamang muli. But pain won't last forever. Hindi namang pwedeng forever ka na lang iiyak? Mag-iisip? Magtatanong kung bakit? Oo mahirap, pero kailangang tanggapin. Dadating din yung time na magiging masaya tayo dahil natagpuan natin ang "the right one" para sa atin.
The one- masasabi mong swerte ka kung dito nagtapos ang relasyon nyo. Bihira lang yung relasyong hindi nakaranas ng break up. Yung natagpuan agad yung "the one" sa unang beses nang pakikipagrelasyon. Pinakamasayang pakiramdam na nakasama natin yung taong mahal natin. Yung nagbreak kayo for being magdyowa cause you're going to go to the next level. But di mo pa din masasabing magiging masaya ka na talaga totally. Why? Yung iba kahit kasal na, nag eend pa din sa break up.
Napakadaming dahilan kung bakit ikaw ay hindi para sa kanya, at siya ay hindi para sayo. Kung bakit kayo naghiwalay.
Kung ikaw yung taong sobrang nasaktan sa break up nyo. Lahat nang dahilan para sayo walang kwenta. Lagi kang magtatanong bakit? Pangit ba ako? Kapalit palit ba ako? Then why?
Well hindi ka pangit bes! Tanga lang siya! Joke.
Hindi mo kasalanan bes, hindi rin naman nya kasalanan. Walang may kasalanan, kasi lahat tayo may karapatang mamili. Mamili kung sino yung gusto nating makasama.
Kung hindi ikaw ang pinili nya, then fine! Oo masakit! Pero kailangan mong tanggapin. Kasi walang forever!
Huwag ka na lang masyadong mag expect bes. Nasasaktan ka, kasi masyado kang umasa. Nag expect ka na sya na yung "the one." Nun pala sya pala yung 'the one' na mananakit sayo.
Hay. But that's life bes. Kung hindi ikaw ang iiwan, ikaw naman ang mang iiwan.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT BREAK-UP
Short StorySa relasyon kung hindi ka heartbreaker, heartbroken ka. Alin ka sa dalawa?