True Love (three)

394 6 0
                                    

Akala ko sa kanta lang yung isang linggong pag-ibig.



Nakakatawa na yung dating sa kanta ko lang naririnig ngayon nararanasan ko na.




Isang linggo..





Isang linggo lang kami naging masaya...



Kung alam ko lang di sana sinagot ko sya agad.



Kung alam ko lang di sana mas matagal pa kaming nagkasama.





Kung alam ko lang na mangyayari to..





"Nakabuntis ako." Ayan yung pinakamasakit na text ni Tisoy sa akin.




Dalawang salita pero libo libo ang sakit sa akin.





Gusto kong magwala. Gusto kong sumigaw. Pero hindi ko mailabas yung nararamdaman ko. Para lang akong estatwa na nakatulala.



Buntis na pala yung ex-gf ni Tisoy bago sila mag hiwalay.
Two months na syang buntis ngayon.



Pero huwag daw akong mag alala sabi ni Tisoy. Susustentuhan nya na lang daw yung bata. Ako daw yung mahal niya.


Paano? Yan yung tanong ko sa sarili ko.



Paano ko magagawang tanggapin si Tisoy kung alam kong may isang walang pang muwang na bata ang madadamay?



Paano ko maatim na maging makasarili alang alang sa pansarili kong kaligayahan?


Paano kami magiging masaya kung sa umpisa pa lang may lamat na ang aming pagsasama?


Oo, sa panahon ngayon uso na yung mga single parents. Pero maatim ko ba na isa ako sa mga naging dahilan kung bakit may isang batang magsa-suffer?


Hindi ko kaya.



Ayan yung desisyon ko.


Oo masakit. Sobrang sakit na yung taong minahal mo , nakabuntis ng iba. Sobrang sakit yan sa aming mga babae.


Pero mas masakit yung mabuntis ka nang wala kang makakasama. Walang kang karamay.


Kaya ako na lang.



Ako na lang ang bibitaw.




Pero hindi pa din sumusuko si Tisoy kahit ayaw ko na.


Pero hindi na ako mag papadala sa nararamdaman ko.


Dahil alam kong may mga taong madadamay kapag pina iral ko ang pagiging makasarili ko.



Natatawa na lang sa amin yung mga ka workmate ko. Mas mahaba pa daw yung ligawan na nangyari sa amin, kasi sa tinagal ng relasyon namin.

Kaya wala yan sa tagal ng ligawan eh. Kung mahal mo huwag mo nang patagalin pa. Dun din naman ang tuloy nyan eh. In that way, malaman mo man na hindi kayo ang para sa isa't- isa. Atleast nakasama mo na sya ng matagal.

3 years na ang nakalipas mula ng huli kaming magkita ni Tisoy.


Balita ko, pinanagutan nya ung nabuntis nya. At ngayon masaya na silang nag-sasama.


Ako? Naka-move on na ako. Masaya ako para sa kanila. At masya ako para sa sarili ko. Kasi binigyan ko sila ng chance na maging isang pamilya.




May mga nanliligaw pa din sa akin, pero hindi ko pa nararamdaman sa isa sa kanila yung pakiramdam na gusto kong maramdaman.





Ganun pala talaga siguro no? Kahit gaano pa karami yung makilala o magdaan sa buhay natin na minahal o mamahalin natin. Nag iisa lang talaga yung true love. Minsan sila pa yung taong hindi para sa atin. Maaring nakilala natin sila sa maling panahon, o maling pag kakataon.





Hindi man si Tisoy ang first love ko, para sa akin sya yung true love ko.


Hihintayin ko na lang yung taong ibibigay sa akin ni Lord. Alam kong may tamang taong inilaan para sa akin si Lord.

.


.



.



.

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon