Love-Life (two)

223 3 0
                                    

"Hayaan mo lang mambabae yang asawa mo, ang importante sayo pa din umuwi" yan yung mga kataga o madalas na pinapayo ng matatanda sa tuwing may problema ka sa asawa.

Pero sapat nga ba ang mga kataga na yan para ikaw ay makapante? Pano yung sakit? Yung pakiramdam na hindi na sya kuntento sayo? Hahayaan mo na rin ba lahat ng nararamdaman mo? Just let it go?

Minsan ung mga tao sa paligid natin, para yang media. Naghahanap ng kwento ng iba. Yung iba nakakatulong, ung iba naman hindi maganda ang impluwensya.

Kaya din siguro malakas ang loob ng mga lalaki, kasi ultimo ang nanay nila ang nagpapayo nyan sa manugang nila. Tas pag kinontra mo naman yung byenan mo, ikaw pa yung masama.

Bakit pag umuwi ba yan sayo,mawawala na yung sakit? Maibabalik ba ulit yung dati? O baka lagi mo lang maaalala yung kasalanang ginawa niya? Na sa tuwing nakikita mo sya lagi mong maaalala yung pagtataksil na ginawa nya. At lagi mong maiisip na maaring ulitin nya?

Kasi pag nagkaroon ka nang napakalalim na sugat, magiging peklat yun. At once naging peklat yun sa tuwing makikita mo yung peklat lagi mong maaalala kung saan nagmula yung peklat na yun.

Parang naging tradition na lang sa mga lalaki na kahit may asawa na sila nagagawa pa rin nilang mambabae. Kasi may nagdya-justify ng mga bagay na ginagawa nila kahit alam nilang mali.

"Hayaan mo na lilipas din yan"

"Ganyan talaga ang mag asawa dumadaan sa ganyang stage"

Ang dami mong payong naririnig, pero wala ni isa man ang nagpagaan sa yong pakiramdam bagkus lalo lang nitong dinagdagan ang bigat at sakit.

Some of my friends dumaan at dumadaan sa ganyang problema, and they chose to stay? Why?

Maybe because, hindi na nila iniisip yung sarili nila. Mas iniisip na nila yung anak nila. Ganyan naman pag ina eh. Kahit masakit, kahit mahirap at kahit nakakapagod na magpapatuloy ka pa rin para sa mga anak mo. Mas gusto nilang bigyan ng buong pamilya ang anak nila kesa buo-in ang puso nila.

.

.

.

.

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon