What is true love?
Paano natin malalaman na natagpuan o nakita na natin yung true love natin?
Sa dami nang taong nakakasalamuha natin, makikilala ba natin yung true love natin?
Sabi nila yung true love mo daw sila yung taong makakasama natin hanggang sa pagtanda natin.
Sila yung taong pinili o pipiliin natin na makasama hanggang sa pagtanda natin.
Pero para sa akin hindi lahat ng true love sila na yung happy ending natin.
Hi! I'm Annie let me tell you my story about my true love...
Syempre hindi ko ikakaila na nagkaroon ako ng hindi naman masyadong maraming boyfriend. Konti lang naman. Hahaha.
Hindi naman ako magkakaroon ng 'mga boyfriends' kung hindi kami nag break ng mga nauna. Yung iba naman lokohan lang. Ganda ko diba?
Break-up? Normal na lang sa akin yan. Yung parang wala lang. Ayaw mo na? Ok fine! Bakit naman kita pipiliting mag stay? Hello? Marami pa kayang iba dyan?
Yan yung madalas na sinasabi ko sa tuwing may nakikipaghiwalay sa akin.
Akala nila playgirl ako, pero hindi nila alam minahal ko din yung mga taong nagdaan sa buhay ko. Hindi nga lang siguro ganun kalalim.
Pero iba pala talaga kapag tinamaan ka noh?
Dumating yung time na gusto ko nang mag seryoso. Yung gusto ko nang mahanap yung taong seseryusohin ako at seseryusohin ko din. Kaya hindi muna ako nag-boyfriend kasi gusto ko na nang seryusohan.
Until nakilala ko si Tisoy. Ewan ko ba bakit Tisoy pangalan nya eh hindi naman sya maputi. Hahaha.
Ka workmate ko si Tisoy. Bago lang ako sa work nung makilala ko si Tisoy. Sya lang yung katabi kong table sa office kaya sa kanya ako nagtatanong kapag may hindi ako alam.
Sa ganung way kami nagkakilala. Siya unang taong nakapalagayan ko ng loob sa office, kaya sa kanya ako laging sumasabay kumain kapag break.
Hanggang sa naging close kami ni Tisoy. Almost 1 year na ako sa company ng magtapat sa akin si Tisoy. Liligawan nya daw ako. Hindi ako pumayag kasi ayaw kong masira yung nabuo naming friendship.
Pero mapilit si Tisoy. Dalawang buwan nang nanliligaw si Tisoy nang malaman kong may girlfriend ang damuho!
Ang kapal nang mukha diba? Ano ako reserba? Pagkaing binuro? Na kapag nagbreak sila ng girlfriend nya mayroon pa syang naka reserba. And worst pwede pa kaming pagsabayin!
Kung kailan naman gusto kong magseryoso, tsaka naman ako lolokohin.
.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT BREAK-UP
Short StorySa relasyon kung hindi ka heartbreaker, heartbroken ka. Alin ka sa dalawa?