Break up is coming

1K 8 2
                                    

Mas madaling isipin kung ikaw yung makikipagbreak kesa ikaw yung iiwan.



What if may sign? May sign na break up is coming? Uunahan mo ba sya o hihintayin mong iwan ka nya?


Yung iba nararamdaman nila na malapit na. Malapit nang matapos pero pinipili pa din nilang magbulag bulagan. Mas pinipili pa din nilang ignorin yung pakiramdam na wala na.





Bakit? Kasi umaasa pa din sila na kaya pa. Na maibabalik pa yung dati. Wag ganun bes. Mas lalo ka lang masasaktan.





signs that break up is coming

1. Sweetness no more.
Hindi na sya ganun ka sweet gaya nang dati. Dati hiyang hiya yung langgam sa sobrang tamis ng sinasabi nya. Ngayon? No more love quotes. No more sweet notes. And no more sweet words. Kaya ka naging bitter.





2. Short conversation.
Bihira ka na nyang tawagan or i-text. Kung mag-usap man kayo sa phone, pinuputol nya na agad. Kesyo may gagawin sya . May pupuntahan sya. Nasa work sya. Napakaraming dahilan. Dati malolowbat na lang yung fully charged nyong phone hindi pa din kayo tapos mag usap. Yung sasabog na lang sa sobrang init yung phone nyo hindi pa kayo kuntento sa pag uusap. Noon tatakas pa sya sa work or sa kahit anong ginagawa nya, matawagan ka lang. Ngayon ganun pa din ba? Kung hindi na well sign na yun.






3. Pda no more.
Hindi na nya hinahawakan yung kamay mo. Dati hhww kayo. Holding hands while walking pa sway sway pa with matching sharing earphone pa. Hindi ka na nya inaakbayan. Mas gusto nya pang nakatingin sa phone habang naglalakad. Yung tipong adik na adik sya sa nilalaro nya sa phone nya, kaya kahit pagtawid di ka nya masabayan.






4. Always fighting.
Lagi kayong nag aaway. Yung wala na kayong napagkasunduan. Ultimo napakaliit na bagay pinag aawayan nyo.    Kung lagi kayong ganyan, hindi na healthy yung relationship niyo bes.



5. Secrets and Lies.
Madami na siyang tinatago sayo. Pati password ng phone niya pinalitan na nya. Hindi na nya sinasabi kung anong ginagawa nya, kung asan siya. Dati kahit pagbabanyo sinasabi niya sayo. Madalas mo na siyang nahuhuling nagsisinungaling.





6. You're always wrong.
Lahat na lang nang ginagawa mo para sa kanya mali. Kahit pakikipagtawanan mo sa iba, ginagawan niya nang issue. Lagi na lang ikaw yung mali at may kasalanan. Pero way lang niya yun para magkaroon ng dahilan na mag break kayo.



.



.




.



.




.

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon