Bakit mahirap mag move on?
Akala natin ganoon lang kadali mag move on. Kung isa ka sa mga taong nag iisip na napakadali lang mag move on, ikaw yung taong hindi pa nakaranas ng sobrang sakit. Ikaw yung taong, oo nasaktan ka nga pero hindi ganoon kabigat or kasakit yung naranasan mo.
Marerealize mo lang kung gaano kahirap mag move on kapag naranasan mo na yung pinaka masakit na mangyayari sa buhay mo. Pero hanggat di mo pa yun mararanasan, hindi mo pa maiintindihan yung mga tao sa paligid mo kung bakit sa sobrang tagal na ng panahon hindi pa din sila nakaka move on.
Ikaw yung taong nag iisip na madali lang mag move on. Ikaw yung taong laging sinasabing
"lilipas din yan"
"makakalimutan mo din yan"
"time will heal"
kung ikaw yung taong nagsasabi ng ganyan pwes hindi mo pa naranasan yung sobrang sakit. Kasi kung naranasan mo na yung pinakamasakit na pangyayari sa buhay mo, hindi mo yan sasabihin sa mga taong nakikita mong hindi maka move on. Kasi alam kong maiintindihan mo sila. Imbes na sabihin mo yan siguro mas magandang tanungin mo sya ng "kamusta ka?"Bakit nga ba ang hirap mag move on?
Una. Isa sa mga dahilan kasi hindi mo kayang kalimutan yung sakit. Sa tuwing pinipilit nating makalimot naaalala natin yung sakit na naranasan natin. So sa twing iniisip nating mag move on, mas naalala natin yung sakit.
Pangalawa. Kinulong natin yung sarili natin sa sakit na pinag daanan natin, kaakibat ng sakit yung kalungkutan. Masyado tayong nag focus sa sakit na naranasan natin , kaya tayo nalulungkot.
Hinayaan nating lamunin tayo ng sakit at kalungkutan. Kaya sa sobrang sakit at lungkot hindi na natin namamalayan na lumilipas ang araw. Yung sakit na naramdaman natin akala natin kahapon lang nangyari, kasi nga kinulong mo yung sarili mo sa sakit na naranasan mo.
Hindi mo na alam lumipas na pala yung araw, linggo, buwan at taon. Hindi mo namalayan sobrang tagal na pala ng panahon yung lumipas pero pakiramdam mo parang
kahapon lang, kasi kinulong mo na yung sarili mo sa lungkot o sakit. Minsan kailangan mo ding palayain yung sarili mo para maka move on. Ang daling sabihin yung salitang "move on" pero mahirap gawin.Pangatlo. Natatakot tayo. Natatakot na tayong sumubok ulit kasi natatakot na tayong masaktan ulit. Natatakot ka ng maging masaya ulit kasi nasa isip mo kapalit ng kasiyahan ay kalungkutan. Sinarado na natin yung puso natin sa mga bagay na pwedeng nagpasaya sa atin. At inilayo na natin yung sarili natin sa mga taong pwedeng magpasaya sa atin.
Madami pang dahilan kung bakit hirap tayong mag move on. Ibat iba yung dahilan natin. Pero sana kahit gaano kahirap pilitin pa din nating lumaban. Pilitin pa din nating mabuhay. Siguro hindi pa ngayon yung right time pero naniniwala ako na may tamang oras para sa lahat. May tamang oras para maging masaya. Si Lord lang nakakaalam. Kaya sana kahit pagod na tayo sa lahat, huwag tayong mapagod na tawagin si Lord. Kasi Siya hindi Siya napagod na makinig sa atin.
.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT BREAK-UP
Short StorySa relasyon kung hindi ka heartbreaker, heartbroken ka. Alin ka sa dalawa?