Bakit nakikipag break? Iba iba ang dahilan nang bawat isa kung bakit gusto na nilang umalis sa relasyon. Ano man ang mga dahilan na yun, isa pa din ang patutunguhan nun. Break up.
Famous lines for breaking-up
1. It's not you, it's me.
Yan ang madalas nilang sabihin. Ikaw naman si gaga, ayaw mo pang maniwala. Sinabi na nga nilang sila diba? Tapos ikaw isip ka pa nang isip 'ano bang ginawa kong mali' well wala kang ginawang mali bes! You don't need to be perfect for them so stop blaming yourself.2. I need space.
Kaya wag kang magtaka, kung pinagpalit ka niya sa mukhang keyboard. Joke! But seriously speaking, give them the space they want. Back off. Baka masyado na pala siyang nasasakal. After the break up, wag mo siyang tawagan. Wag kang magdrama sa kanya. Then pag naramdaman na niyang hindi mo na siya kinukulit, malay mo siya mismo ang babalik sayo. Pero huwag kang masyadong umasa ha? Ikaw din, masakit mabigo.3. I met someone.
Pinakamasakit. Yung gusto mo na lang sabihin "patayin mo na lang ako." But you have no choice. Let them go. Kadalasan sinasabi natin, "mas better ba siya? Hindi ba sapat lahat ng ginawa ko? Sabihin mo kung anong mali sa akin babaguhin ko". Huwag na huwag mong sasabihin ang mga linya na'to. Para ka lang nagmamakaawa sa kanya. Huwag mong ikumpara yung sarili mo sa taong pinalit niya sa'yo. Huwag kang magalit sa taong pinalit niya sayo. Hindi nya kasalan kung siya ang pinili ng karelasyon mo.4. I'm going home to province.
Akala mo naman sobrang layo ng probinsiya nila. Hindi pwedeng magtawagan? Makikipag break talaga kasi uuwi nang probinsya? But seriously speaking, it's much better to end your relationship. Unless you want to go on long distance relationship?5. I want to focus on my career.
Maybe they want to pursue their dreams. Let them. Baka marami pa siyang gustong gawin para sa future. Magiging unfair siya sayo pag naging busy sya sa mga bagay na gusto niyang gawin. Yung hindi ikaw ang priority niya kundi ang kanyang career. Mawawalan siya nang time sayo, kaya much better kung magbe break muna kayo. Suportahan mo na lang siya. Ipakita at iparamdam mo sa kanya na nandyan ka lang para suportahan siya sa lahat ng gusto niyang gawin. Malay mo pag achieved niya na lahat ng gusto niya sa buhay, ikaw pa rin yung ma-alala niya. Kung kayo, kayo talaga ang para sa isa't isa.6. I don't trust you anymore.
Trust. Ito yung pinakamahirap ibalik sa isang tao once na nawala o nasira mo. Napakahirap nitong buuin at napakahirap ding ibalik once na nasira. Kapag nakipag break siya sayo at ito ang dahilan niya, let them go. Kasi ikaw ang unang sumira sa tiwala niya. Huwag mo nang ipag pilitan ang sarili mo sa kanya, kasi hindi niyo na maibabalik yung dati. Lagi na lang kayong maghihinala sa isa't isa.7. I don't love you anymore.
Pinaka ayaw mong marinig. Where is the love? Baka nung nagtapon ba siya nung basura naisama niya kaya nawala yung pagmamahal niya sayo.Out of love. Minsan iniisip ko kung totoo bang nawawala yung love ng isang tao? Or nasa isip lang natin to? Baka akala lang pala natin wala na? Baka kasi naapektuhan lang tayo ng mga problema na pinagdadaanan natin? Kaya akala natin na out of love na tayo?
JADE's pa-fame NOTE:
Thank you guys sa pag add ng all about break-ups sa reading list nyo, kahit konti lang kayo hahaha. Salamat din po sa mga nag vote at nagtyatyagang mag basa. I really appreciate it guys. Please more vote and comment pa po hahha.See you next update.
-pa famous si jade
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT BREAK-UP
Short StorySa relasyon kung hindi ka heartbreaker, heartbroken ka. Alin ka sa dalawa?