Funny Break up (two)

605 12 0
                                    

Hindi ko alam kung para saan yung lakas ng tibok ng puso ko.


Kinabahan ako nung makita ko si Joshua na may dalang bulaklak, habang papalapit sa kinauupuan naming magbabarkada.


Hindi din nakaligtas sa mga mata barkada namin yung hawak hawak ni Joshua.



Hindi pa man nakakalapit si Joshua, nagsimula na silang mag kantiyawan.



Lalong lumakas yung tibok ng puso ko nang magkantiyawan na yung mga barkada namin.



Nang makalapit si Joshua nagulat ako ng lumuhod sya sa harap ko, at inabot ang bulakak na dala nya.


Lalong lumakas ang kantyawan ng barkada namin.

Tinanong ako ni Joshua kung pwede ba daw nya akong maging girlfriend.


Hindi ko alam kunga ano ang isasagot ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, inisip ko na lang nung time na yun na kinakabahan lang ako.


Nagsisigawan na yung mga barkada namin na sagutin ko na daw. Pumayag na daw ako.




Nagdadalawang isip ako nung araw na yun. Kaya lang naisip ko na baka mapahiya si Joshua sa harap ng barkada namin pag di ko sya sinagot.




Hindi ko alam kung bakit ako pumayag nung araw na yun na maging girlfriend nya. Dahil ba ayaw ko syang mapahiya sa harap ng barkada namin? O dahil sa sulsol ng barkada? O baka kasi gusto ko sya?



Tuwang tuwa si Joshua nung marinig nya yung sagot ko.



Pagkatapos ng klase namin, hinatid nya ako sa bahay.

Sabi nya bukas nya na lang daw sasabihin sa parents namin na official na kami.

Nang makauwi ako, dun ko narealize yung nangyari.

Sinagot ko si Joshua?
May boyfriend na ako?

Hindi ako makapaniwala. Para akong nagising sa panaginip. In other words na shock ako, parang ang bilis ng pangyayari? Parang di ko matanggap sa sarili ko na may boyfriend na ako.


Kinabukasan nang magising ako, nakabuo ako ng pasya sa sarili ko. Kailangan kong makipag break kay Joshua. Kailangan kong sabihin sa kaya na nabigla lang ako. Buo na yung desisyon ko. Na nadala lang ako sa buyo ng barkada.


Sinundo nya ako para sabay na kaming pumasok sa eskwela.


Habang naglalakad, sinabi ko sa kanya ang pasya ko. Sa umpisa tinawanan nya lang ako, akala nya nag bibiro lang ako. Sino nga ba namang makakaisip makipag break nang wala pang 24 hrs yung relasyon nyo.

Pero seryoso ako. Sinabi kong hindi pa pala ako handa na pumasok sa ganung relasyon. Nakita ko yung sakit sa mukha ni Joshua. Sige kung ayun daw yung pasya ko.

Simula nun iniwasan na nya ako. Hindi nya na ginagawa yung dati nyang ginagawa para sa akin.


Nalaman ng barkada namin ang wala pang isang araw na relasyon namin ni Joshua. Pinagtawanan lang nila ako. Simula nun lagi na nila akong binibiro sa one day relationship-break up namin ni Joshua.

Simula ng hindi na ako pinapansin ni Joshua, may naramdaman akong kakaiba. Nasasaktan ako.


Ayaw kong pagsisihan yung pakikipag break ko kay joshua, kaya hindi ko na lang pinansin yung nararamdaman ko.

Pero ang sakit pala noh? Na yung taong dating gustong makuha yung atensyon mo, hindi ka na pinapansin ngayon.


Makalipas ang isang buwan, bigla na lang nag transfer sa ibang school si Joshua.

Siguro para sa iba nakakatawa lang yung break up namin. Akala nila biro lang. Pero yung tao palang pinagtatawanan nila, sobra nang nasasaktan.

Totoo nga na malalaman mo lang ang kahalagan ng isang tao kapag nawala na ito sayo.

Ayun mismo ang naramdaman ko.

Sobrang sakit.

Hindi pala totoong nadala lang ako sa biro ng barkada, kaya ko sinagot si Joshua.

Hindi pala totoong ayaw ko lang syang mapahiya sa harap ng barkada.

Ang totoo pala may nararamdaman na talaga ako sa kanya.

Hindi ko lang pinapansin kasi, nasanay ako na lagi lang syang nandyan. Lagi lang syang nasa tabi ko. Nasanay lang pala ako sa presenya nya kaya hindi ko namalayan na may nararamdaman na din akong kakaiba sa kanya.


Hanggang ngayon wala na akong balita kay Joshua. Ako? Heto hinihintay ko pa din yung tamang tao para sa akin. Isang bagay na natutunan ko? Ayaw ko nang mag padalos dalos ng desisyon sa buhay.



JADE's pa-fame note:
Salamat po sa pagbabasa ng story ni Rica. Nag share lang po sya sa akin ng part ng buhay nya.
Salamat po sa mga nagbabasa ng all about break ups :)
Dumdami na po kayo and I'm so happy :)))
Pa-vote and comment po hahaha.
See you next update.
—>pa-famous si jade

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon