Lahat tayo may kanya kanyang kwento. Lahat tayo nangangarap na makita ang taong nakalaan para sa atin. Bawat isa sa atin naghahangad na makasama ang taong magpapasaya sa atin.
Heartache o brokenheart hindi naman kailangan may karelasyon tayo para maramdaman yan. Kahit kanino pwede natin maramdaman yan.
Di ba yan yung pakiramdam na sobrang sakit sa dibdib? Yung parang may nakadaghan na kung anong mabigat? Yung pakiramdam mo may butas ung puso mo tapos parang punong puno nang hangin tas nahihirapan kang huminga?
Yung parang may kulang at sa kagustuhan mong mapunan yung kulang na yun, o matakpan ang butas na yun sobrang sakit na? Yung feeling mo may part nang pagkatao mo yung nawawala?
Siguro minsan iniisip natin pag nagmahal tayo o nagkaroon ng kasintahan, doon natin mararanasan ung heartaches? Pero hindi. You don't need to have a girlfriend or boyfriend to experienced the pain they called "heartache or brokenheart."
Even though you're not in a relationship, pwede natin tong maramdaman sa mga taong nakapalibot sa atin. Sa mga kaibigan natin or sa family natin.
Minsan pa nga kahit hindi pa nga naging kayo, nabo-broken hearted kana.
Minsan nga makita mo lang si crush na may kasamang iba, sobrang sakit na diba? O kaya malaman mo lang na may mahal ng iba yung taong iniistalk mo, nasasaktan kana.
Minsan sa mga kaibigan din natin nararanasan ang sakit na yan. Yung tinuring mo silang tunay na kaibigan, pag may kailangan sila sayo, lagi kang open para tumulong. At sa kahit anong paraan pinipilit mo silang tulungan.
Pero sila? Tinuring ka din ba nilang kaibigan? O kaibigan ka lang nila pag may kailangan? Di ba ang sakit, yung tipong kahit man lang sana payo sa tuwing may problema ka, sana maasahan mo man lang sila?
Totoo nga na sa oras ng kagipitan mo lang makikilala ang tunay na kaibigan. Yung masakit, pinatunayan mo sa kanila na isa kang tunay na kaibigan, pero sila? Balewala ka lang sa kanila.Pero siguro yung pinakamasakit na heartache? Yung mismong sa pamilya mo pa unang mararanasan yung salita na yan. Yung bago ka pa saktan ng ibang tao, sa pamilya mo pa unang naranasan yung heartache?
Kagaya na lang ng mga amang kayang iwan yung mga anak nila para sa ibang babae? Oo nga't wala tayong karapatang sumbatan sila. Pero hindi natin maiiwasang magtanong, bakit?
Ang masakit? kahit suporta wala kang nakuha sa ama mo, na tila kinalimutan ka na ng tuluyan.Yung iba naman, yung mga ina nila ang nang iiwan. Sa tuwing naririnig natin yung kasabihang 'walang inang kayang iwan ang anak'. Naiisip natin, bakit may mga single dad? Pano na-atim ng mga ina na iwan ang kanilang anak?
Pano mo makikita ang liwanag ng buhay, kung ung ilaw ng tahanan mismo ang pumatay nito?Ganoon siguro talaga pag nagmahal? Kasama yung sakit. Sabi nga nila hindi mo mararanasang masaktan kung di ka pa nagmamahal.
So, kaya ka nasasaktan kasi mahal mo sila, yung mga tao sa paligid mo, mga kaibigan mo at higit sa lahat yung pamilya mo.
Lagi na lang nating isipin, na kapag nagmahal tayo, wag tayong maghahangad na maibabalik din nila yung pagmamahal na ibinigay natin.
Kasi ang pagmamahal, hindi yung kung ano yung matatanggap o makukuha natin. Ang pagmamahal ayun yung kung ano yung maibibigay natin.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
ALL ABOUT BREAK-UP
Short StorySa relasyon kung hindi ka heartbreaker, heartbroken ka. Alin ka sa dalawa?