Funny break-up (one)

754 5 0
                                    

Bakit ang break up masakit? Bakit mahirap? Hindi ba pwedeng masaya na lang?




Is there such a word like happy or funny break up?





Totoo bang walang masayang break up? Lahat ba kailangan masakit?











Well let me tell you a story...




I'm Rica, when i was in high school I experienced a one of a kind break up.




Simula elementary kaklase ko na si Joshua. We're not best of friend but he is my friend. Lagi kaming nagkakasama kapag may school projects.





Ewan ko ba pero hindi talaga kami napag hiwalay ng section ni Joshua. Hanggang mag 4th year high school kami mag kaklase pa rin kami.






Grade six pa lang kami ng mag umpisang magparamdam si Joshua. Lagi nya akong niloloko na pagka-graduate daw namin ng elementary liligawan nya daw ako.





Ako naman deadma. Well alam ko namang palabiro sya. At saka haller?! Bata pa kaya kami? As if naman?






Hindi pa kasi uso nung time na yun na isang tinginan lang kayo na. Tsaka walang pang cellphone noon. Hindi pa uso yung sa loob ng 24 oras na magka chat o text kayo, MU agad?





Eto na nga, to make the story short. Pagka graduate namin ni joshua, sinimulan nya na akong ligawan.





Nung nag high school kami, lagi nya akong dinadaanan sa bahay para sabay kaming pumasok. Well para sa akin ok lang naman kasi magkapitbahay lang naman kami tapos magka klase pa. Sabay din kami umuwi.








Nung time na yun di ko pa alam na yun na pala yung simula ng panliligaw niya.







Nagpatuloy yung ganung routine hanggang 4th year high school kami.






Wala pa din akong idea na panliligaw na pala yung paghatid at pagsundo nya sa akin, nasa isip ko kasi magkapit bahay at magka klase naman kami.






Hindi ko naman sineryoso yung sinabi nya nung elementary kami diba? Tsaka wala pa sa isip ko nung time na yun ang magka boyfriend.






Well 4th year high school na kami, syempre may kanya kanya din kaming barkada. One time nagkasama sama kami ng barkada ko at barkada nya sa gym ng school. Wala kaming klase nung time na yun.








Nagkakatuwaan kaming lahat nang biglang mag paalam si Joshua. May kukunin lang daw sya sa classroom. Babalik din daw sya agad.










Tuloy pa din kami sa pagkukwentuhang magbabarkada, nang biglang dumating si joshua. Hindi ko alam pero biglang akong kinabahan nang makita ko yung hawak niya.


.



.




.



.

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon