Oks lang ako

452 8 0
                                    

Nagsimula sa "Hi!" , "Hello!" . Naging magkaibigan hanggang sa nagka-ibigan.


Masaya naman tayo noong magkaibigan tayo diba? Yung tipong lagi tayong magkasama, kasi nga magkaibigan tayo. Yung magkatext pa tayo bago tayo matulog.

Hangang sa parang hindi na tayo kuntento sa salitang kaibigan lang. Parang hindi na sapat na magkaibigan lang ang pinanghahawakan natin sa isat-isa.

Gusto natin hindi lang tayo magkaibigan..

Gusto natin mas lumawak pa yung samahan natin.

Hanggang sa sinubukan nating maglevel up sa pagiging magkaibigan.
Sinubukan nating maging tayo.

Ang saya natin kasi iba pala talaga yung feeling. Mas masaya pala yung mayroon tayong pinang hahawakan sa isat isa.
ang saya pala nung ako'y sayo at ika'y akin. Ang saya pala maging corny.

Nakakilig pala yung nagkakaintindihan na tayo kahit mata lang natin yung nag uusap. Yung natatawa pa rin tayo kahit pareho na tayong corny.

Pero anong nangyari?
Bakit nung nagtagal parang wala na?
Bakit kahit magkasama tayo hindi na natin nagagawang tumawa?
Bakit kahit lagi tayong magkasama, wala na yung saya?

Bakit kahit hindi naman tayo nag aaway, pero parang may mali? Parang may kulang?
Bakit wala na yung kilig?
Bakit ang daming bakit?

Dati naman noong magkaibigan tayo kahit saglit lang tayo magkasama sobrang saya na natin.
Dati naman kahit corny yung joke natin sa isa't-isa, sobrang lakas nating tumawa.

Ngayon, kahit buong araw na tayong magkasama hindi na tayo masaya.
Kahit sobrang nakakatawa na yung joke hindi na natin magawang tumawa.

Alam kong pareho tayo nang nararamdaman.
Alam kong pareho na nating gustong bumitaw.
At alam kong pareho lang tayong naghihintay kung sino ang unang bibitaw.

Pero hindi natin alam kung paano sisimulan o mas tamang sabihing paano natin tatapusin yung bagay na sinimulan natin.

Ang hirap noh?
Samantalang parang ang dali lang sa atin nung sabay nating pasukin yung relasyon nato.

Siguro kung alam nating mangyayari to, sana nanatili na lang tayong magkaibigan.
Sana hindi na lang pala natin sinubukan no?
Sana masaya pa din tayo ngayon.

Pero salamat kasi nakasama kita.
Salamat kasi naranasan kong maging masya kasama ka.
Salamat kasi nauna kang bumitaw.
Salamat kasi ikaw na mismo yung nagpalaya sa atin.

Naalala ko kinanta mo pa sa akin yun kanta ni JROA. Akala ko hinaharana mo ako, nakikipagbreak ka na pala.

   OKS LANG by:JROA

saan na ba to patungo
hindi ko na kasi alam
hinahanap ang sagot sa bakit
hindi ko na kasi alam
hindi ka na nakikinig
hindi ka na kinikilig
hindi kana natutuwa
pag may pasalubong na isaw

Habang kinakanta mo yan, natanong ko yung sarili ko saan nga ba?


nagbago na ang lahat sayo
nagbago na ang lahat pati ang tayo
nagbago na ang iyong tingin
ang iyong ngiti, ang iyon nararamdaman
ang gusto ko lang naman ay

Lumalabo na yung paningin ko,  nakita kong pinipigilan mo ding maiyak habang kumakanta ka.

yakapin mo ako
kahit hindi na totoo
maiintindihan naman kita
kung sawa kana, kung san ka sasaya
wag kang mag alala
oks lang ako.

Hindi ko napigilan yung sarili ko. Napahagulgol na ako nang iyak.
Lumapit ako sayo at niyakap kita. Damang dama ko yung kinakanta mo.

oy salamat nga pala
sa mga sandali nating masaya
unti-unti na rin akong bibitaw
kahit ako na lang ang sasayaw
kasi malabo na ang lahat sayo

malabo na ang lahat pati ang tayo
malabo na ang yong tingin
ang yong ngiti, ang yong nararamndaman
ang hiniling ko lang naman ay

Salamat din dahil nakasama kitang naging masaya,
Salamat din kasi naintindihan mo yung sitwasyon natin ngayon.

yakapin mo ako
kahit hindi na totoo
naiintindihan naman kita
alam kong sawa kana, dun ka na sa masaya
wag kang mag alala
ok lang ako
wag kang mag alala
ok lang ako
kakayaning mag isa
ok lang ako
bastat ikaw ay masaya
ok lang ako
dito lang ako


Hindi totoong lahat nang naghihiwalay malungkot. Hindi lahat nang naghihiwalay masakit.

Alam kong pareho tayong masaya na naghiwalay na tayo. At pareho tayong masaya na nakalaya na tayo sa isat-isa.

Kahit hindi na natin naibalik yung dating tayo. Kahit hindi na natin naibalik yung pagiging magkaibigan natin.

Ok na siguro yun.
Para hindi tayo mailang sa isat isa.
Ok na din yun para  pareho tayong maging ok. At alam ko pareho tayong maagiging ok.

Salamat.

Totoo ngang friendship is more than importants than relationship.

Kasi once na pinasok niyo na yung relationship, mahihirapan na kayong ibalik yung friendship.

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon