Love-Life (one)

308 3 0
                                    

Bakit nga ba tayo nahuhulog sa mga taong hindi naman para sa atin?

Bakit kailangan pa natin silang makilala at mahalin?


Bakit kailangan pa nating masaktan dahil sa tao na yun? Kung sa bandang huli hindi rin naman sila ang nakatadhana para sa atin?


LOVELIFE.
One word pero dalawa ang kahulugan. Pag-ibig at buhay.

Ang buhay ng tao umiikot sa isang salita na yan. Nabubuhay ka para magmahal at nagmamahal ka para mabuhay.


There is no perfect in this world. Hindi mo pwedeng maranasan ang isang salita na yan ng hindi ka masasaktan.

At hindi rin lahat swerte na nararanasan ang dalawang kahulugan ng 'lovelife'.

Yung iba nabubuhay para magmahal. Magmahal ng taong hindi para sa kanila. Masaktan para sa taong mahal nila at maging masaya para sa taong mahal nila.

Binibigay nila lahat para sa pagmamahal kahit kapalit nito walang kasiguruhang paghihintay.

Paghihintay sa tamang taong magpaparanas sa kanila na 'love is all you need to live'..



Yung iba naman nagmamahal para mabuhay.

Patuloy silang nagmamahal kahit ilang beses na silang nasaktan.

Minsan kasi kung sino ung nanakit sa atin, sila din yung nagpapasaya sa atin. Kahit sobra sobra na yung sakit. Sila pa din yung nagbibigay dahilan para tayo ay mabuhay.

Nagbubulag bulagan kahit nasa harap na nila ang masakit na katotohanan.

Bakit? Kasi kailangan nilang mabuhay. Hindi para sa sarili nila, kundi para sa taong umaasa sa kanila.


.


.



.



.

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon