Paalam

27 1 0
                                    

At kung tayo man ang nakalaan para sa isa't isa. Hiling ko lang maging tama ang lahat. Kung nasa maling panahon at pagkakataon man tayo. Mas gugustuhin ko ng masaktan at lumayo.





Kaya lagi kong pinagdadasal na sana bigyan ako ng lakas ng loob na harapin ang sakit na mag isa kesa kasama ka na pareho tayong nahihirapan pati yung mga taong masasaktan natin kung ipagpapatuloy natin ang maling pag ibig na nararamdaman natin.

Patawad kung mas pinili ko ang utos ng isip ko kahit masakit dahil hindi ko pinakinggan ang gusto ng puso ko.

May mga bagay na gustuhin man natin kailangan nating bitawan dahil ayun ang tama. May mga laban na ipaglaban man natin pero alam nating hindi tayo mananalo dahil sa umpisa pa lang alam na nating talo tayo.

Kung alam mo lang kung gaano ko kagustong ipagsigawan ang nararamdaman ko sayo. Kung gaano ko kagustong makausap at makasama ka lagi. Kaso hindi mangyayari yun kasi nasa maling panahon tayo. Hanggang dito na lang tayo kasi kung ipagpapatuloy natin to, pareho lang natin pahihirapan ang ating mga sarili.

Kung hindi man ngayon, hinihiling ko pa din na tayo pa din ang nakalaan sa isa't isa lumipas man ang maraming taon o kahit sa susunod nating buhay.
Ang hiling ko lang pag dumating ang araw na yun pareho tayong malaya na ihayag ang nararamdaman natin sa isa't isa.

Maraming salamat sa pagpapadama mo ng pagmamahal kahit sa kaunting panahon lang.

Salamat kasi naranasan ko kung paano ang mahalin at dahil sayo natuto akong magmahal. Salamat kasi naranasan kong minsan sa buhay ko may taong kayang sakyan lahat ng tantrums ko. Salamat kasi kahit moody ako minahal mo pa din ako. Salamat at paalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon