How to move on?

309 5 0
                                    

Move on? Kung sana parang cellphone lang yan na kapag na lowbat pwede mo pang icharge. Sana parang pag papalit lang nang damit? Sana ganoon lang kadali di ba?Pero hindi eh.

Isa lang naman yung susi para maka move on eh, isang salita lang. Isang salita pero ang hirap tanggapin kaya mahirap din mag move on.

ACCEPTANCE.

Acceptance is a key to move on.

Ayang salita na yan ang susi para maka move on. Kailangan mong tanggapin na wala na, tapos na. Pero ayan yung pinakamahirap gawin diba?

Minsan kasi mahirap talagang tanggapin kahit gusto mo ng tanggapin.

Kasabay kasi ng pagtanggap ang libo libong sakit. The more na iniisip mong tanggapin, naalala mo yung masasayang ala-ala na naranasan mo. Na dahilan kaya mas lalo kang nasasaktan. Mas lalo kang nahihirapang mag let go.

Kapag pinilit mo ang sarili mo na makalimot. Mas lalo mo lang binibigyan ng chance ang sarili mo na maalala ang lahat.

Walang ibang taong mag uutos sayo na mag move on kana. Nasa sayo kung kakapit kapa sa sakit na nararamdaman mo o mag lelet go ka na. Wala namang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lang. Walang ibang taong mag-aalis ng sakit na nararamdaman mo kundi sarili mo lang.

Para ka lang namang umaakyat sa bundok eh. Kung gusto mo talagang makarating sa taas marami kang batong dadaanan. Marami kang lubak at damong lalakaran. Pero kapag nakarating kana sa taas kakaibang saya yung mararamdaman mo.

Pero nasa sayo kung aakyat ka or mas pipiliin mong huminto at bumalik sa lugar kung saan nakakulong ka sa masasayang nakaraan pero sa ala-ala na lang. Sa lugar kung saan hindi mo alam kung kailan mawawala yung sakit, kasi hindi mo kayang tanggapin.Pero wala kang ibang sisihin kundi yung sarili mo. Kasi ayan yung pinili mo.


.

.

.

.

ALL ABOUT BREAK-UPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon