"Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit."
Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FOREVER. Akala mo kayo ng dalawa hanggang dulo.
Pero lahat ng iyon, AKALA lang pala. Yung tipong ang saya niyong dalawa pero may sisingit palang iba o di naman kaya siya ang sisira sa pinagsamahan ninyong dalawa.
Lahat ng mga pangako niyo sa isa't isa tila nawala na parang bula. Masakit, oo masakit. To the point na parang ayaw mo na ulit magmahal kasi ayaw mo na ulit masaktan.
Di ba masakit sa isang relasyon na akala mo loyal siya sayo. Pero Ikaw lang pala ang loyal sa inyong dalawa. Ang sakit di ba? Minsan ka na nga lang mag mahal, sa maling tao pa. Minsan ka nga lang mainlove, di pa pumanig sayo si Tadhana. Kumbaga Ikaw ang "The Loyal Being Played"
Mapapasabi ka nalang na "Sana hindi nalang kami pinagtagpo." "Sana hindi ko nalang siya minahal."
Pero sabi nga nila "There's always a rainbow after the rain, so why not love again after the pain."
I'm just a simple student in high school. Palaging nasasama sa Top. My life was peaceful, tahimik at hindi komplekado. Pero lahat yun nag bago dahil sa isang lalaki na nakilala ko. At sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana hindi nalang nag tagpo ang landas naming dalawa. At sana hindi na dapat ako ngayon nasasaktan at lumuluha.
Akala ko di na ako sasaya simula nung nawala siya sa akin. Pero di ko inaakala na meron palang darating. Sana siya na ang lalaking nakatakda para sa akin.
Sa isang relasyon hindi maiiwasang mag-away, hindi magkaintindihan at manghinala. At sa isang relasyon I hate that I'm being played, while I'm being loyal.
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Teen FictionMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...