Chapter 3: Approved
Andrea's POV
Its been a week since sinabi sa akin ni Liam na gusto niya akong ligawan. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Araw-araw kong naiisip yun. Kasi naman baka mamaya nagtitrip lang siya, who knows right? O kaya baka tulad 'to sa ibang movie na bet lang? O kaya panakip butas lang ako? O playtime lang? Oh no. Pero I hope not.
Nakahiga lang ako ngayon sa kama, di ko pa rin maalis sa isip ko yun. Nagulat na lang ako nang tumunog ang cellphone ko.
*beep*
Liam: Hi Andrea! :)
Me: Hello Liam.
Liam: Ano gawa mo?
Me: Wala lang.
Liam: Bakit parang malungkot ka? :(
Me: Hindi kasi maalis sa isip ko yung sinabi mo sa akin. Seryoso ka ba talaga doon?
Liam: Oo seryoso ako. :)
Me: Pero ano bang nagustuhan mo sa akin?
Liam: Hindi ko alam, di ko sure.
Me: Huh? Pwede ba yun?
Liam: Ewan ko, basta. Bigla na lang kita nagustuhan. Ewan ko kung paano at bakit.
Me: Aw.
Liam: Papayagan mo na ba ako? :)
Me: Hindi ko alam.
Liam: Aw, :( Sige pero kung nakadecide ka na. Sabihin mo sa akin ah. :)
Me: Sige. Babye. :)
Liam: Bye! I love you! :-* ^_^
Takte! Bakit nag i-iloveyou na agad siya? Naman eh, mabilis pa naman ako kiligin pag sweet words. In short, madali akong ma-fall. My heart is fragile as glass. But tough as stone.
After ng convo namin. Sinabi ko sa sarili ko na maybe I can give him a chance. Pero I need to reassure myself. Tatawagan ko na lang sina Ethan at Jesse. Kailangan kong sabihin sa kanila para bago pa ako makadecide alam ko na ang kanilang saloobin. I want to know their opinions sa decision ko, besides they are my best friends. Hindi ko na lang tatawagan ang iba kasi wala naman silang experience sa ganito. Sila Jesse at Ethan ang pwede kong hingan ng tulong sa mga ganito dahil kahit papaano ay may self experience sila sa ganitong bagay.
Calling Ethan.......
(Yow bro, what's up?) panimula niya.
"Bro, I need your help." nag aalangan pa akong sabi sa kaniya.
(What is it bro? May problema ka?) tanong pa niya.
"Kasi bro..... Si ano kasi......" di ko masabi ng diretso.
(May nang-away ba sa'yo?!) sigaw niya sa kabilang linya.
"Bro naman eh, patapusin mo muna ako." pakiusap ko sa kaniya.
(Aw, haha. Sarreh broooo. But seriously, anong sasabihin mo?)
"Si Liam kasi bro, he asked me kung ok lang ba na ligawan niya ako." nakapikit ako habang sinasabi ko sa kaniya 'yan.
(WHAT?!) sigaw ulit niya. OA talaga 'tong bro ko.
"Aah!!! Wag ka ngang sumigaw bro." reklamo ko sa kaniya.
(Wag, wag mo payagan bro. May pagka-ogag yang taong yan.) seryoso niyang sabi.
"Sige bro."
(Pero bro, it's up to you naman eh. Kung gusto mo, go ahead.)
"Thank you bro!"
(Anytime bro) at I ended the call.
Calling Jesse.....
(Hello? Pre, bakit?) tanong ni Jesse.
"Ah, Pre. Si Liam.." sabi ko sa kaniya.
(Oh, ano naman sa kaniya?) haha ang taray talaga ni pare ko.
"Manliligaw daw siya sa akin, papayagan ko ba?"
(HAH?!) sigaw niya, tss parehas sila ni Ethan.
"Putik! Ang sakit sa tainga." reklamo ko na naman sa kaniya.
(Aw, hehe. Sorry naman. Seryoso ba siya?)
"Seryoso daw siya. Nag usap na kami in person. He told me na kung pwede daw niya ako ligawan. What should I do?" naglakad lakad na ako dito sa pwesto ko.
(Nasasayo naman yan Pre. Kahit kokontra kami, in the end of the day desisyon mo pa rin ang masusunod.) natigilan ako at napangiti, tama siya desisyon ko pa rin ang masusunod.
Tama si Jesse, kahit anong sabihin nila, desisyon ko pa din ang masusunod. Wala naman sigurong masama if I will give him a chance.
"Sige pre, thank you!" pasasalamat ko sa kaniya."Sure thing pre. Muah!" natawa ako nang mahina at I ended the call.
Papayagan ko na siyang manligaw. Wala naman sigurong masama kung bibigyan ko siya ng chance di ba? Pero sana hindi lang niya sayangin 'yun.
WAAAAAHH!!!!! Namimiss ko na mga bestpwends ko! Huhuhu :( Andito ako ngayon nagbabakasyon sa probinsya nila mama. Ang sarap talaga ng hangin dito! Fresh air, di tulad sa city. Haaaaaaay, I really miss them. :(
Ay! Di ko pa pala nasasabi kay Liam na papayagan ko na siya.
I quickly opened my phone at I messaged him.
To: Liam
Liam, I finally made up my mind. I will give you a chance to court me.
Wala pang isang minuto, tumunog agad ang phone ko at galing ito kay Liam.
From: Liam
Yes!! Thank you Andrea, you have no idea how happy I am right now! Thank you so much! Promise hindi kita bibiguin. I love you! ;*
Bakit ba ang dali kong kiligin? HAHAHA! Haba ng hair.
To: Liam
You're welcome Liam. I know na hindi mo ako bibiguin. ^_^
From: Liam
Thank you for the trust! I love you so much! :*
Habang binabasa ko ang message niya sa akin, napapangiti ako. Maybe I can love him back. I hope he's the one for me.
"Oh anong nginingiti mo diyang mag-isa ha?" sabi ni Drew habang papalapit sa akin na may hawak na dalawang mango shake.
"Wala naman." sabi ko at kinuha ang iniabot niyang shake. At tumingin sa malayo.He took a sip at muli ulit nagsalita. "Come on Andeng, you can tell me." sabi niya.
"May nanligaw sa akin at pinayagan ko." sabi ko sa kaniya. Napansin ko natigil siya.
"Oy, so who's the lucky guy?" he asked.
"Liam." maikli kong sagot.
Nagulat ako nang na-spill niya mula sa bibig niya ang shake.
"EEEWWWW!!!" sigaw ko pa sa kaniya.
Pinunasan niya muna ang bibig niya bago ulit nagsalita, "Seryoso? Si Liam? Weh? Baka naman niloloko mo lang ako eh. Please tell me you're joking. You're joking right?" sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"HAHAHA, ang OA mo Drew." sabay hinampas ko siya ng mahina sa braso.
"Tss, whatever. I'm just trying to protect you." at akmang aalis na sana siya kaso nagsalita ako.
"From what?"
"From him." at umalis na siya. Naiwan akong tulala dito. Umiling iling na lang ako para hindi ko na maisip 'yung sinabi ni Drew. Ang importante pumayag na akong ligawan ako ni Liam, and that;s about it.
YOU ARE READING
The Loyal Being Played (ON GOING)
Teen FictionMY BIGGEST FEAR IS BEING LOYAL AND ALL TO THE WRONG PERSON AND THEN END UP GETTING PLAYED. "Masarap magmahal. Pero kaakibat nito ay sakit." Naranasan mo na bang mag mahal na akala mo siya na. Akala mo kayo na ang makapagpapaniwala sa lahat na may FO...